Chapter 39: The Wedding

95 70 1
                                    

Red's POV

"Good morning, Mr. Smith. How's your day after seeing this young lady in front of you?"  Bungad niya pagpasok sa office ko. Lumapit ako at hinalikan siya.

"Young lady huh," Sabi ko at niyakap siya sa likod.

"B-bakit hindi ba? Old lady ba dapat?" Nauutal niyang tanong. Bahagya akong ngumiti nung makita ko ang reaksyon niya. It's always good to see her reaction like this. Hinarap ko siya sa akin at hinawakan ang dalawa niyang pisngi.

"Don't ever call yourself old because you never look old in my eyes. You're the most beautiful woman that I've ever met in my whole life! I love you." I said and kissed her again.

"Ikaw naman ang lalaking una at huli kong mamahalin. Kahit lumipas na ang mahabang panahon na tayo'y magkasama, you're still the one that I will love." Sabi niya at niyakap ako.

"Sige na, I have to go now. Kainin mo tong niluto ko para sayo. Umuwi ka ng maaga, okay?" Sabi niya at kumindat. Alam na.

Pinatong ko sa aking table ang pagkain niyang dala. Pagkaalis niya, bumalik na ulit ako sa aking trabaho. Nagtataka siguro kayo kung anong nangyari that day. Well, ginawa ko ang lahat upang hindi matuloy ang kasal pero..

[Flashback]

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Narito parin kami sa sala habang nag-uusap.

"Anak, alam kong marami ka ng nagawa para sa amin maging sa ating kompanya. That's why we decided na ihanap kana ng makakasama sa buhay." Dad said.

"Dad, hindi na ba ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko?" Sabi ko at tumayo mula sa aking kinauupuan.

"Mom, Alam nyo naman po kung sinong tinitibok nito." Sabi ko at tinuro ang dibdib ko. "Mahal ko si Kari at siya lang ang tanging babae na mamahalin ko for the rest of my life!" Sabi ko at umalis na.

Lumipas ang araw, ngunit patuloy ko paring hinahanap kung nasaan siya. Tinanong ko ang malalapit na kaibigan ni kari pero hindi rin nila alam kung nasaan siya. Saan ba kita makikita?

Ganun na ba kalaki ang nagawa kong pagkukulang para iwanan niya ako ng ganito? Sa loob ng tatlong taon na magkasama kami, through ups and down, nanatili kaming matatag. Ngayon na handa na akong makasama siya habang buhay, ngayon pa siya susuko?

Dumating ang kaarawan ko pero isa lang ang tanging hinahanap ng mata ko. Hindi ko rin siya nakita maging sa araw na inaasahan ko na makakasama ko siya. Ito na nga ba ang katapusan ng nasimulan namin?

Lumapit ako kay mommy at kinausap siya. Nung una, nabigla siya sa desisyon na ginawa ko pero at the end, niyakap niya lang ako.

"I'm so proud of you son. You did the right thing. Alam kong hindi mo pagsisihan ang desisyon na ginawa mo." Nakangiting sabi ni mommy. Hindi ko nga ba pagsisisihan?

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat, makikita mo sa kanilang mukha na they are all excited. Ganito rin sana ang pakiramdam ko kung si Kari ang pakakasalan ko. Napatingin ako sa bandang kaliwa kung saan nagkakatipon ang mga katrabaho ko. Sa bandang likuran, nakita ko naman ang mga kaibigan ko. Teka, akala ko ba umalis na sila?

Sa bandang kanan, buong pamilya ko naman ang nakaupo doon. Narito rin ang iba ko pang kamag-anak. Ngunit ang hindi ko inaasahan, narito rin si Kye. I saw her smiled at me. Kung narito siya, baka nadito din si Kari. I looked for her inside the church but I didn't see her. Matyaga nalang akong naghintay na dumating ang babaeng pakakasalan ko.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon