Chapter 40: Epilogue

102 73 2
                                    

Kari's POV

5 years later..

Narito ako ngayon sa labas ng bahay habang pinagmamasdan ang aking mga anak na naglalaro sa hardin. Ang bilis lumipas ng panahon, parang kailan lang nung kinakalong ko pa sila sa aking mga bisig. Nakita kong nadapa si Laine, lalapitan ko na sana nung dumating ang kapatid niyang si Lance.

"Ang likot mo kasi e." Sabi ng kapatid niyang panganay.

"Hindi naman po ako madadapa kung hindi mo ako hinahabol kuya. Hmmp." Sabi niya habang pinapagpagan ang damit niya.

"Ah ganun? Eto ang sayo, bleh!" Sabi niya at pinahidan ng dumi ang mukha ni Laine. Sa halip na umiyak, nagtawanan ulit sila. Nakitawa nalang din ako sa kanila.

Naramdaman ko ang pagyakap ng asawa ko mula sa aking likod. Lumingon ako at ngumiti sa kanya. Mukhang kagigising niya lang.

"Kamusta ang gising ng honey ko?" Tanong ko. Nakita ko siyang nagpout.

"Nagising ako na wala ka na sa tabi ko." Tugon niya. Pinisil ko ang kanyang ilong.

"Ang aga mo kasing nagising, dad." Sabi ko at humiwalay sa kanyang yakap.

"Hmm. Gusto mong makabawi? Halika, maglaro din tayo!" Sabi ko at tumakbo. Hindi naman siya nagpaawat, nakipaglaro din siya kasama ang mga bata.

"Di, kampi tayo!" Sigaw ni Lance sa kanya.

"Mi, partner tayo!" Sabi ni Laine at tumakbo palapit sa akin.

Seeing my family happy, makes my whole day! Saying thanks to Him is not enough para masuklian ang lahat ng ginawa niya sa buhay ko. I'll just be contented sa mga nangyayari sa amin ngayon.

Lumipas man ang panahon na kami'y magkasama, dumating man ang unos o problema, nanatili parin kaming matatag sa hamon ng buhay. Do you want to know kung anong sikreto para sa matagumpay na relasyon?

It goes in three ways:

1. Trust - If you truly love him/her, saan man siya naroon, panatag ka because in love, kung walang trust patuloy kang magdududa sa kanya. Huwag masyadong selosa okay? That's very wrong.

2. Communication - If you have communication with each other, tiyak na hindi mawawala ang connection nyo sa isa't-isa. In that way, mananatili kayong in touched with each other.

3. God must be the center of your relationship. May tinatawag na love triangle pagdating sa love, it must me you and her or vice versa, God must be the top of it. So that, when trials come hindi kayo mayayanig ng basta-basta nalang because God is the one whose in control.

I hope these three elements will help you to build a strong relationship. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon mabuti parin ang pagsasama naming dalawa ni Red. Hihih.

END.

----

Author's note:

Sa hinaba-haba ng panahon, natapos ko narin ito. I'm really happy dahil nagawan ko ng ending ito, I thought it will end ng basta nalang. Akala ko, hindi ko na ito magagawan ng ending but salamat sa inyo, nagkaroon pa ako ng dahilan upang tapusin ang nasimulan ko. I hope nagustuhan nyo ito at nainspire kayo sa buhay na pinakita ng mga karakter na nasa story. Hindi ko rin naman magagawa to ng dahil sa inyo.

I just want to share this with you, nagsimula din ako sa pagbabasa noon, ngayon gumagawa narin ako ng sarili kong kwento. Halos lahat naman, dito nagsimula. Alam ko na marami pa akong kailangang ayusin sa paglikha ng kwento, marami pang dapat na pagtuunan ng pansin upang magawa ko ito ng maayos. Sa mga scenes, words na kung minsan mali pa ang construction ng English, plot at marami pang iba. Mahirap pala talaga kung wala kang plot no? Hindi mo alam kung saan patutungo ang 'yong kwento. Huwag nyong gagawin yung ginagawa ko ah. Oopps.

Basta, kung nagsasawa na kayong magbasa nalang palagi, ikaw naman ang gumawa ngayon. May time talaga na tatamarin ka, pero sinasabi ko sa inyo, once na may nakaappreciate ng gawa mo, kahit isa lang yan, tiyak na maiinspire kang ipagpatuloy ang nasimulan mo.

Malay mo, ikaw na ang susunod na 'Haveyouseenthisgirl?' O di kaya'y, 'SiMarcelo' pero huwag ka, GAGAWA ka ng sarili mong pangalan. Gawin mo silang inspirasyon para gawin yung bagay na minimithi mo. But if you want to be successful, ask God to bless it. To sum it up, huwag mong hayaan na manatili ka sa kinalalagyan mo ngayon, continue to grow at patuloy kang mangarap. Once again, thank you all.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon