Chapter 20: Rooftop Kiss

337 82 5
                                    

Kari's POV

Maraming busy ngayon sa kani-kanilang trabaho dahil may mahalagang event na magaganap ngayon sa company. Darating ang Chairman, kasama rin nito ang may matataas na katungkulan sa kompanya.

Narito ako ngayon sa venue kung saan gaganapin ang event. Nagvolunteer kasi ako na tumulong sa pagdedecorate ng stage.

"Listen everyone!" Sabi nung baklang designer.

Nakinig naman kami sa kanya.

"Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang Chairman ng TECH company ang darating ngayong araw na to. Kaya naman, kailangan ko ang tulong nyo para maging maganda ang flow ng ating event. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mataray niyang tanong.

"Yes, madame." Tugon naming lahat.

Madame ang tawag namin sa kanya dahil iyon ang gusto niyang itawag sa kanya.

Nagsimula na kaming trabahuhin ang mga nakaassigned sa amin.

"Hey, miss." Tawag niya sa akin.

"Yes, madame?" Tanong ko habang inaayos ang salamin ko.

"Ibili mo silang lahat ng coffee, here." Sabi niya at binigay sa akin ang pera.

"O-okay po." Sambit ko.

Umalis na ako at bumili sa canteen. After kong mabili ang lahat ng kailangan, bumalik na ulit ako sa venue.

Binigyan ko silang lahat.

Isa nalang ang natitira, pumunta ako sa may stage at inabot sa lalaki yung coffee niya. Hindi ko napansin na may nakahara palang gamit dun sa dadaanan ko. Na-out of balance ako at natapon ang hawak ko.

N-natapon ang dala kong kape sa stage.

"S-sorry po." Sabi ko at humanap ng damit na pwedeng ipunas.

"What happened?!" Sigaw ni madame.

Lumapit siya sa akin.

"Anong ginawa mo?!" Galit niyang tanong.

"S-s-sorry po. H-hindi ko naman po sinasadya." Nauutal kong sabi.

"Punasan mo yan.." Sabi niya.

Humanap naman ako ng pwedeng ipunas.

"..ng damit mo."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"A-ano po?" Tanong ko.

"I said, punasan mo yan ng damit mo, stupid!" Sigaw niya.

"Y-yes, madame." Sabi ko at lumuhod.

Nanggigilid na ang luha sa aking mata. Pakiramdam ko, pinagbagsakan ako ng langit at lupa habang ginagawa ko iyon.

"Pathetic." Rinig kong sabi niya.

After kong mapunasan ang sahig.

Pumunta muna ako sa C.R at binasa ang aking damit. Wala kasi akong dalang pamalit kaya binasa ko nalang para matanggal ang amoy nung kape. Pumasok ako sa cubicle nung marinig kong may pumasok sa loob.

Ayokong makita nila akong ganito.

"Hahaha. Nakita mo yun?" Rinig kong sabi nung babae.

"Ang alin? Yung girl kanina?" Sabi naman nung kasama niya na mukhang nagpipigil ng tawa.

"She's so pathetic! Akalain mo yun, pinunasan niya ng damit niya ang coffee na natapon sa sahig? Hahaha, stupid." Sabi niya habang tumatawa.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon