Chapter 26: His Side

279 82 4
                                    

Red's POV

Nasa sala ako nung marinig kong tinawag ako ni mommy.

"Oh anak? Handa na ba ang lahat ng dadalhin mo?" Tanong ni mommy.

Tumango lang ako bilang tugon.

After kong magready, umalis na ako sa bahay..Mag aalas sais na nung makarating ako sa school, naabutan kong nag-uusap sina Sky at Gray.

Naputol ang usapan nila nung makita nila ako.

"Mabuti dumating kana.." Sabi ni Gray at inakbayan ako.

"Oo nga pre. Kanina ka pa namin hinihintay dito." Sabi naman ni Sky at nakipag fist bump.

"Hinintay ko pa kasi si mommy na matapos sa kanyang ginagawa kanina." Sabi ko habang hinihimas ang batok ko.

"Ganun ba?" Sabi niya at natahimik na.

"By the way, ano palang pinag-uusapan nyo kanina?" Tanong ko.

Hindi agad sila nakasagot.

"Tell me." Seryoso kong sabi sa kanila.

Narinig kong bumuntong hininga si Sky bago sumagot.

"M-magtatapat na ako sa kanya.." Sabi niya at tumungo.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magiging proud sa kanya. Pfffft. He looks stupid when he's inlove. Haha.

Inakbayan ko siya at pinat ang ulo niya.5

"I'm so proud of you!" Sabi ko at tumawa.

Habang nagkakasiyahan kaming tatlo, may nakaagaw bigla ng aking atensyon.

"Ate!" Sigaw ng isang babaeng tumatakbo papalapit sa ate niya.

Hindi ako sigurado kung siya nga ba ang nakikita ko ngayon. Ngunit may nagdidikta sa puso ko na ang babaeng nakikita ko ngayon ay ang taong mahal ko.

"Mabuti dinala mo 'yan. Nakalimutan ko kasi kamamadali ko." Sabi nung kausap niya.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, babagsak na ako mula sa kinatatayuan ko.

"Ate?" Tawag niya sa ate niya.

"N-naiwan mo.." Nauutal niyang sabi at may binigay sa kanya.

Tumalikod na siya at lumakad na palayo pagkatapos niyang ibigay ang hawak niyang bag.

Seeing her walking away from me makes my heart break into pieces.

It hurts.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at tinawag siya.

"T-teka!" Sigaw ko.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa kanyang paglalakad.

"Kari Zee!" Tawag ko sa pangalan niya.

"M-magkakilala kayo?" Tanong nung babaeng kausap niya kanina.

Hindi ko man lang magawang tumingin sa kanya dahil nakatuon ang aking paningin sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Nakita kong pinahid niya ang luha sa kanyang mata bago siya lumingon sa akin.

Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon..

Ayokong nakikita siyang nalulungkot o nasasaktan pero tingnan mo ngayon, ako pa ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon..

"L-let me explain.." Mahina kong sabi.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon