Chap 33: Love will lead you back

244 79 1
                                    

Kari's POV


"Good morning!" Masaya kong bati sa mga katrabaho ko.

Bumati rin sila pabalik. Bago ko simulang gawin ang trabaho ko, bumili muna ako ng coffee sa canteen. Pagkatapos kong bumili, bumalik na ulit ako at pinamahagi ko iyon sa kanila.

After ko silang mabigyan, pumunta naman ako sa Director's office. Pagpasok ko, si Assistant manager lang ang naabutan ko. Hindi ko na siya inabala pa, pinatong ko nalang ang coffee sa table. Aalis sana ako nung bigla siyang magsalita.

"Director Smith is not here." Sabi niya habang nagbabasa ng article about sa company.

Hindi ko na sana papansinin ang sinabi niya nung magsalita ulit siya. This time, napalingon ako sa sinabi niya.

"Nagleave siya sa trabaho at nasa hospital siya ngayon." Sabi niya at tumingin sa akin.

Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi niya.

"He said, Nasa hospital ang kapatid niya.." Sabi niya na kinagulat ko.

Kung pumunta siya sa hospital, Ibig sabihin, si Red ang nahospital?

"Gustuhin ko mang pumunta dun para bisitahin siya, hindi ko magagawa. I have a lot of work to do that's why I want you to go there." Sabi niya.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya. Sinabi kong kalimutan na namin ang isa't-isa pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Yes, sir." Sabi ko at akmang lalabas na sa office nung tinawag niya ang pangalan ko.

"Wala dapat makakaalam ng pangyayaring ito. Nagkakaintindihan tayo?" Sabi niya at may inabot na maliit na papel. Binasa ako ang nakasulat at nakita ang pangalan at address nung hospital.

Naiintindahan ko ang ibig niyang sabihin. Tumango nalang ako at nagpaalam narin sa kanya. Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na sa building. Sumakay na ako ng taxi at pumunta sa lugar na nakasulat sa papel.

Pagkarating dun, agad akong pumasok sa hospital at pumunta sa nurse station. Tinanong ko kung saan siya nakaconfined. After kong malaman kung saan ang room niya, agad akong pumunta doon.

Malayo palang, nakita ko na si Mr. Smith. Lumapit ako at kinausap siya. Nagulat siya nung makita niya ako pero nawala din agad nung malaman niyang alam ko na ang tungkol sa kanilang dalawa.

"So, alam mo na.." Sabi niya at narinig ko siyang tumawa ng bahagya.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Alam ko kung anong nararamdaman niya ngayon.

"Bakit hindi mo agad sinabi?" Tanong niya.

Hinawakan niya ang braso ko at tumingin ng diretso sa aking mata.

"S-sorry.." Sabi ko at tumingin sa ibang direksyon.

Pagkatapos kong sabihin yun, unti-unti niya na akong binitawan. Tumungo siya at pinahid ang luha sa kanyang mata.

"Bakit ka nagsosorry?" Sabi niya at tumingin ulit sa akin. "Ako dapat ang magsasabi nun dahil hindi ko agad sinabi sayo ang totoo. Sana, mapatawad mo ako.." Pagpapatuloy niya.

"Nung malaman ko ang totoo, pakiramdam ko, pinaglaruan nyo lang ako.. Pinaglaruan nyo ang damdamin ko." Sabi ko at tumigil saglit. "Nung una, gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng kalimutan ang lahat.. pero naisip ko na kapag ginawa ko yun, masasaktan lang ako.. kapag sinabi kong hindi ko na siya mahal, masasabi kong niloloko ko lang ang sarili ko. Kahit masakit, hindi ko kayang kalimutan si Red.."

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon