Chapter 15: Back to school

338 83 2
                                    

Red's POV

Papunta ako ngayon sa office ni dad dahil pinapatawag niya ako. Pagkarating ko, bumungad agad sa akin ang kapatid kong si Ren.

Teka, anong ginagawa niya rito?

"Ren?" Tawag ko sa pangalan niya.

Ngumiti lang siya at sinenyasan niya akong umupo. Nung makaupo na ako, saka lamang nagsalita si daddy.

"Red anak," Pasimula niya.

"You know how happy I am nung tinanggap mo ang offer ko sayo, right?"

Tumango lang ako.

"Hindi lang 'yun, dahil sobrang laki ng naitulong mo sa ating company. You've done great son." Nakangiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko.

"Dad, let's just straight to the point." Medyo inip kong sabi.

Tumingin muna siya kay kuya bago ulit nagsalita.

"Your brother already decided to work in our company."

Nagulat ako nung marinig ko ang sinabing iyon ni dad pero hindi ako nagpahalata sa kanila.

"Really? That's.. great." Sabi ko at pilit na ngumiti.

Kung magtratrabaho na si kuya..
Ibig sabihin,

"He said that it would be hard for you if you continue to live like this. Naisip ko rin na kailangan mong mag focus muna sa pag-aaral." Sunod-sunod na sabi ni daddy.

"What you're trying to say is tumigil na ako sa trabaho at mag focus muna sa aking pag-aaral?"

Bumuntong hininga muna si dad bago sumagot.

"Yes."

"Okay, I understood." Sabi ko at tumayo na sa aking upo.

"Thank you, son."

"No problem. As long as nakakatulong ako sa kompanya." Sabi ko at bumalik na sa aming department.

Pagkarating ko, naabutan ko silang magkakayakap. Napangiti ako nung makita kong masaya silang magkakasama.

I will miss them.

Lumakad na ako patungo sa aking office.

"Director!" Narinig kong tawag nila sa akin.

Lumingon naman ako.

"Thank you Director Smith." Masayang sabi nila habang nanggigilid ang luha sa kanilang mga mata.

Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa aking paglalakad. Pagpasok ko, pinagmasdan ko ang buong office. Kahit naman ayaw kong pumasok dito, mamimiss ko rin 'to. Iniisip ko kasi noon na baka hindi na ako makalabas once na nakapasok na ako dito.

Umupo ako sa swivel chair at inikot ito. Tiningnan ko rin ang aking pangalan sa table..

Aish. Masyado yata akong naattached sa mga bagay na narito. (-__-)

Tumingin ako sa transparent window nang aking office.

She's busy again.

Tinawagan ko ang line niya.

"Hello. This is Project Team, I'm a Researcher, Kari Zee Rivera, How may I help you?" Sabi niya sa kabilang linya.

Pinakinggan ko lang siya.

"Hello?"

Tiningnan ko ang reaction niya. Hindi ko na naman mapigilang tumawa..

"How may I help you?" Tanong niyang muli.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon