Chap 21: When puberty hits you

309 81 1
                                    

Red's POV


Narito ako ngayon sa banyo at pinagmamasdan ang pogi kong mukha.

"Aish! Bakit hindi mo mapigilang ngumiti? Mukha kang aso!" Sabi ko at nagsimula ng magtoothbrush.

Pagkatapos kong gawin ang daily routine ko, nagbihis na ako ng uniform. Pumasok ako sa school dala ang wagas na ngiti sa aking labi.

"Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula?
'di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito~"

Kumakanta lang ako habang naglalakad sa may hallway.

Hindi naman sa pagmamayabang pero may talent din ako sa pagkanta.

Nakasalubong ko si KC,

"Good morning KC!" Sabi ko at ngumiti.

Natigilan siya nung marinig niya ito.

"My loves, ikaw ba yan?" Sabi niya at lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya at hinawakan ako sa noo.

Tinanggal ko ang kamay niya at pinat ang ulo niya.

"Oo naman." Sabi ko at kinindatan siya.

Lumakad na ulit ako at pumasok sa aking classroom..Masaya kong kinumusta ang mga mahal kong kaibigan.

"Parang kahapon lang, magkakasama tayong tatlo." Sabi ni Gray.

"Alam ko." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Anong nginingiti mo dyan ha?" Sabi ni Sky at inakbayan ako.

"Naka-jack pot ka no?" Bulong niya.

Binatukan ko siya nung marinig ko iyon.

"Aray! Nagjojoke lang ako ano ka ba?" Sabi niya habang hinihimas ang batok niya.

"Hindi magandang joke yun." Sambit ko.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya.

Tumingin muna ako sa kanila bago sumagot.

"ANO?!!" Sabay nilang sabi.

Tinakpan ko ang bibig nilang dalawa.

"Ssshh.. baka may makarinig sa inyo!" Pabulong kong sabi sa kanila.

"R-really bro? Ginawa mo yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gray.

"Oo nga sinabi." Sabi ko at ngumiti ng malapad.

"Aish!" Sambit nila at sabay nagpout.

"Anong problema nyo?" Tanong ko.

"Mabuti ka pa may first kiss na. Kami, wala pa!" Pagmamaktol nung dalawa.

Natawa nalang ako dun sa dalawa. Mga wala pang love life e. Haha.

Kari's POV

Masaya kong binati ang mga katrabaho ko.

"Good morning, Miss Kari!" Bati rin nila.

Pumunta na ako sa desk ko at sinimulan ng gawin ang trabaho ko.

"Lalalala~" Sabi ko habang gumagawa ng research paper.

"Mukhang masaya ka Kari.. anong nakain mo?" Tanong ni Alex.

Napalunok ako ng wala sa oras.

"M-masaya lang ako." Sabi ko at ngumiti.

Natapos ko rin agad ang kailangan kong gawin at nag-iisip ako ngayon ng pwede ko pang pagkaabalahan.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon