Chapter 13: Fever

327 84 3
                                    

Sky's POV

Aish! Bakit wala parin si Red hanggang ngayon?

"Tawagan mo nga si Red! Darating na si sir, wala pa siya." Natatarantang sabi ni Gray.

Oo nga no? Bakit hindi ko naisip 'yun?

Kinuha ko agad ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan siya. Matapos ang napakaraming ring, sinagot niya narin ito.

"Hoy Red! Wala ka bang balak pumasok? Malapit nang dumati--" Naputol bigla ang sasabihin ko nung marinig ko ang malumanay niyang boses.

"S-sky." Mahina niyang sabi.

"Okay ka lang, Red?" Nag-aalala kong tanong.

Binaba ko agad ang phone ko nung malaman ko kung nasaan siya.

"Si R-red." Sabi ko kay Gray habang nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Tara." Sabi ko at hinila siya.

Sumakay na kami sa kotse at pumunta sa lugar kung saan naroon si Red. Pagkarating namin dun, agad namin siyang pinuntahan.

Binuksan ko ang pinto ng kanyang kotse at nakita siyang nanginginig sa lamig. Nakasando lang siya at walang suot na sapatos.

"R-red!" Sigaw namin nung makita ang kalagayan niya.

Halos hindi na siya makatingin sa amin sa sobrang hina ng kanyang katawan. Hinawakan ko ang noo niya.

"You're burning!" Natataranta kong sabi.

"Ano pang hinihintay natin?! Dalhin na natin siya sa hospital!" Sigaw ni Gray.

Pinark muna namin sa garahe ang dala naming kotse bago dinala si Red sa malapit na hospital. Aalis na sana kami kaso pinigilan niya kaming pumunta doon.

"Gusto mo bang mamatay ha?!" Sigaw ko sa kanya.

"S-sa apartment." Nangangatal niyang sabi.

Wala na kaming nagawa. Dinala na namin siya sa apartment niya.

Pagkarating dun, inihiga agad namin siya sa kama. Kumuha ako nang face towel at nilagay ko ito sa kanyang noo.

"Anong sunod nating gagawin?" Tanong ko kay Gray.

"H-hindi ko alam!" Sabi nito na mukhang nag-aalala.

Wala kaming maisip na pwedeng mahingian ng tulong.

*Bzzzt. Bzzzt.*

Narinig naming tumunog ang cellphone niya. Kinuha ko ito at tiningnan kung sinong nagtext.

Glue girl? Sino to?

Binasa ko ang laman ng text. Naku, pagnalaman to ni Red tiyak mababatukan ako nun.

Text message: Good morning director. Hinahanap na po kayo ni Mr. Velasco sa office.

Nireplyan ko ang text niya.

Text message: Pakisabi sa kanya na hindi ako makakapasok ngayon.

After kong maisend, lumapit ako sa natutulog na si Red.

"Pasensya kana Red, hindi namin alam kung paano ka matutulungan pero gagawin namin ang lahat sa paraan na makakatulong kami sayo." Sabi ko at iniwan na namin siya dun.

"Sa tingin mo, tama ang ginawa natin?" Tanong ko kay Gray.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa school.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon