Chap 17: Filled with questions

340 84 3
                                    

Kye's POV

Naglalakad ako ngayon sa may hallway at kasama ko ngayon ang aking mga kaibigan.

"Oh my gosh!" Sabi ni Steff.

Hindi ko siya pinansin.

Masyadong malalim ang iniisip ko para pansinin pa siya. Nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad.

"Hey!" Sabi niya at hinawakan ako sa braso.

"Aish. Ano bang problema mo?" Iritado kong tanong.

"Look." Sabi niya at ngumiti ng malapad.

Tsk. Kung hindi ko lang to kaibigan, nasabunutan ko na'to. Tumingin ako sa tinitingnan niya.

Napatakbo nalang ako ng wala sa oras nung makita ko na ang hinahanap ko.

"My loves!" Sigaw ko.

Lumingon naman siya nung marinig niyang tinawag ko siya.

"I found you." Sabi ko at ngumiti.

"Bitawan mo nga ako." Sabi niya at tinanggal ang kamay kong nakakapit sa kanyang braso.

Mukhang malalim ang iniisip ng my loves ko. Hinawakan ko ulit siya at sabay kaming lumakad.

"Where have you been?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Hindi niya naman ako pinansin at nagpatuloy lang sa kanyang paglakad. Tumigil na ako sa aking paglalakad at pinagmasdan lang siya.

Bakit parang wala siya sa sarili niya ngayon?

Nakadrugs ba siya?

Oh my gosh! Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit nawala siya few days ago?

Teka, sobra naman yata 'yun.

What if, nalaman niyang may taning na ang buhay niya tapos hindi niya ito matanggap?

THAT'S A NO NO. (-___-)

Haist. Anong dapat kong gawin para bumalik na siya sa katinuan niya?

Gray's POV

"Gray, hindi ba si Red 'yun?" Sabi ng katabi ko sa upuan.

Tumingin ako kung saan siya nakatingin.

Mukhang malalim ang iniisip ng kaibigan ko ngayon ah. Lumabas ako ng canteen at pinuntahan siya.

"Red!" Tawag ko sa pangalan niya.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa kanyang paglalakad.

"Huy!" Sabi ko ulit at hinawakan siya sa balikat.

Lumingon naman siya at nakakunot ang noo na humarap sa akin.

"Is there any problem?" Tanong ko.

----------

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o babatukan ko nalang siya dahil hindi niya maintindihan ang sitwasyon niya.

"Anong masasabi mo?" Tanong niya.

Hindi ko na napigilan at tumawa na ako ng malakas.

Nagtaka naman siya nung makita niya akong tumatawa ng walang humpay. Gusto ko siyang bugbugin ngayon. Haha.

"Bakit mo ako tinatawanan?" Nagtataka niyang tanong.

What the. He look so innocent.

"Kaibigan ba talaga kita pare? Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" Namumula na niyang tanong.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon