Chapter 37: Dinner tonight

112 74 0
                                    

Red's POV

"Thank you po." Sabi ko habang inaabot ang isang baso ng tubig.

"Walang anuman hijoh," Nakangiti niyang sabi at umupo sa couch. "Salamat sa paghahatid sa anak ko."

"No problem po tita besides, responsibilidad ko pong iuwi siya ng ligtas." Tugon ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Hindi nga nagkamali ng pagpili ang anak ko." Sambit niya na nagpatigil sa akin.

"Alam mo, napakabait niyang bata.." She said referring to Kari. "Naalala ko nun bago ako umalis upang magtrabaho, binilinan ko siya na alagaan niya ang kanyang kapatid. Hindi niya naman ako binigo dahil tinupad niya ang pangako niya sa akin." Tumingin siya sa aking direksyon at tinapik ang balikat ko.

"Masaya ako dahil kahit hindi ko nagawa ang tungkulin ko bilang isang ina sa kanilang dalawa, naniniwala ako na magiging masaya narin sila sa buhay nila ngayon. Salamat at dumating ka sa buhay ng anak ko." Sabi niya na nagpangiti sa akin.

"Salamat po, tita." Masaya kong sabi. Napatingin ako sa wall clock at nalamang hating gabi na.

"Aalis na po ako. Masyado na pong malalim ang gabi kaya kailangan ko narin pong umuwi." Paalam ko.

"Anak," Sabi niya na lalo pang nagpataba sa puso ko.

"Dito ka na magpalipas ng gabi. Nag-aalala lang naman ako na baka kung ano pang mangyari sayo." May pag-aalala niyang sabi. Magsasalita na sana ako nung bigla kong naalala si mommy, baka nag-aalala na yun sa akin. Tumingin muna ako sa kanya bago tuluyang sumagot.

----

Kari's POV

Nagising ako bigla nung maramdaman kong may dumampi sa noo ko. Minulat ko ang aking mata at nakita ang isang gwapong anghel na nakatitig sa akin habang nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik at hinawakan ang makinis niyang mukha.

"Ang gwapo naman ng boyfriend ko." Sabi ko at hinalikan siya. I find it cute nung makita ko siyang nagulat sa ginawa ko.

Ang ganda naman ng panaginip kong ito. Pero kahit gusto ko pang matulog, hindi na pwede dahil may trabaho pa ako. Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko at lumakad palabas ng kwarto. Nung mapansin kong hindi parin nawawala si Red, kinusot ko ang mata ko at sinampal ang pisngi ko. Nakita ko siyang ngumisi.

"Ang sexy naman ng babe ko." Sabi niya at lumapit sa akin. Napatingin ako sa suot kong damit at nakita na nakasando lang ako. Napatakip ako sa katawan ko at tumingin sa kanya.

"TOTOO KA?!" Pasigaw kong tanong.

"Pffffft. Hahahaha." Humagalpak siya ng tawa habang nakahawak ang kamay sa kanyang tiyan.

"Ma!" Sigaw ko at tumakbo palabas. Nakita ko siyang nagluluto sa kusina.

"Oh, gising kana pala anak. Halika, tulungan mo ako dito." Sabi niya habang malawak ang ngiti.

"Bakit po siya narito?" Nagtataka kong tanong. Tumigil siya saglit sa kanyang ginagawa at tumingin sa aking direksyon.

"Sino? Si Red ba kamo?" Tanong niya. Tumango lang ako.

"Red?" Tawag niya. Lumabas siya na namumula ang tenga at pisngi.

"Yes, ma?" Sabi niya habang nagpipigil parin ng tawa. Tsk. Teka teka ano daw?

"Ma?" Hindi makapaniwalang sabi ko. May hindi ba ako nalalaman?

"Bakit.." Sabi ni Red at lumapit sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong. "Hindi ka parin ba makapaniwala na kasal na tayo?" Pagpapatuloy niya.

My Boss is a High Schooler?! [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon