Prologue

7.2K 222 4
                                    

Isa lang naman akong simpleng babae sa paningin ng iba pero sa likod ng aking maskara ay ang pagiging prinsesa ng mga mabuting bampira at vampire hunter.Oo.Isa rin akong vampire hunter.Subalit isang araw,dahil sa isang misyon,mapupunta ako sa ibang lugar.Sa South Korea.Kung saan,magiging maid ako ng isang sikat na Korean boy band sa buong mundo.Ang Super Junior.Hindi ko alam kung sino sila pero nang makilala ko sila isa-isa,parang may kung ano ang nasa loob ko na hindi ko maintindihan.

Ang sabi ng iba,kung ano ang panlabas na anyo,nasa loob ang kanilang totoong pagkatao.Hindi natin alam kung ano o sino ang totoong kalaban.Maaaring nasa harap o likod na pala ang totoong kalaban.

Lahat ng mga tao o bampira,nagiging masama dahil may kanya-kanya sila na dahilan:galit,paghihiganti o pagkamuhi.Pero,kung gusto nila na bumalik sa dating buhay na kinagisnan nila ay kailangan nang kalimutan o ibaon na lang sa limot.May darating na bagong bukas para magbago.

Lahat ng tao,may kanya-kanyang kahinaan o kinatatakutan.Pero lahat ng 'yun ay mawawala kung haharapin natin ito ng walang kahirap-hirap.Huwag tayong tumakbo dahil lang sa takot,ang dapat gawin ay harapin ang takot.

Ako si Stacey Rodriguez sa Pilipinas o Stacey Park sa Korea.Isa akong prinsesa ng mga good vampire at isa rin akong vampire hunter na pumapatay ng bad vampires.Na magiging Maid dahil sa isang misyon.

Our Maid Is A Good Vampire Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon