Chapter 12.5 Stacey's Past

1.7K 71 1
                                    

Eunhyuk POV

Mga dalawang oras na ang nakalipas,natapos na ang pag-iimpake ng aking mga gamit.Isinuot na rin namin ang aming mga disguise.Lumabas na kaming lahat sa kani-kanilang kwarto.Napalingon ako kay Stacey.Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya.We want to know her past.We want to know her more.Sinong pumatay sa lolo niya?Kaninong benizakura 'yung hawak ni Stacey?Hindi kaya...Sa lolo niya 'yun at pinamana sa kanya?Aish!Ang daming tanong sa isip ko.Umalis na kami ng dorm ng gabi at dumiretso sa airport.Pagkatapos ng ilang minutong pag-check ng mga bagahe sa x-ray machine,sumakay na kami sa eroplano.Lumingon kaming lahat sa kanya.Nakatingin siya sa bintana ng eroplano at hindi mawala sa mukha niya ang pagiging seryoso at...malungkot.

*After 4 hours & 10 minutes*

Lumabas na kami ng eroplano.Paglabas namin ng runway,may narinig na kaming sigawan at tilian ng mga babae.Hindi na lang namin sila pinansin except Siwon na kumakaway sa kanila.Lumapit sina Lily at Stacey sa mag-asawa na may hawak-hawak na banner.Lumapit rin kami.Haaaay...Salamat.Nakahinga rin ako ng maluwag.Kasi...May sundo pa kami at mismong mga magulang nina Lily at Stacey ang sumundo sa amin.Mga isang oras na ang nakalipas,nakarating na rin kami sa...Mansyon.Napanganga na lang kami sa sobrang laki ng mansyon nila.Lumabas na kami sa van.Pi-nark ang van sa loob ng parking area.Pakiramdam naming lahat,sumakit ang ulo namin dahil sa jet lagged.Aish! Naalala ko tuloy ang pinag-usapan namin ni Johann kagabi.

"Bakt pinatay ang lolo niya?At sinong pumatay?" Umiiling si Johann.

"Hindi ko masasagot ang tanong mo,Leeteuk-shii.College friend ko siya kaya hindi ko alam kung anong nakaraan niya.Bakit hindi niyo kaya tanungin ang mga magulang ni Stacey at si Liza?Si Liza ay ang matalik na kaibigan rin ni Stacey since bata pa at siya ang boyfriend ni Marco.Pero...Isa siyang tao.Para malaman niyo kung ano talagang nangyari sa lolo niya." Isang tao ang girlfriend ni Marco?Matapos niyang magsalita,umalis na siya.

"Hyukkie!" Natauhan na lang ako ng tawagin ako ni Donghae.Tinulungan kami ng mga maids na dalhin sa fifth floor ang mga bagahe namin.

"Tig-isa kayo ng kwarto,Oppas." Seryoso?!May iba't ibang kulay ang pinto at ang pinili ko ay kulay light green.Pumasok na kami sa kani-kanilang kwarto.Wow.Para kaming nasa hotel.Light green ang kulay ng dingding,may side table sa kaliwang kama at ang sahig ay marble.Nagpatalon-talon ako sa kama na parang bata.Tumayo ako nang may napansin akong isa pang pinto.Binuksan ko ang pinto at nagulat ako dahil bathroom pala 'to na may shower at bathtub pa.Lumabas na ako ng bathroom at natulog.

*Next Day*

Aish!Ang ingay!Napabangon tuloy ako sa sobrang ingay.Napatingin ako sa side table.Napa-face palm tuloy ako.Alarm clock lang pala ang maingay.Wait!Alarm clock?!Napatingin ako sa pinto.Si Stacey na nakasandal sa gilid ng pinto at naka-cross arms.

"I knew it.Nothing's changed.Ikaw na lang ang hinihintay nina Oppa na gumising at kumain." sabi ni Stacey.Bigla siyang nawala.Siguro,nag-teleport 'yun.Bumangon na ako at ginawa ko na ang daily routine ko.As usual,pagdating ko sa dining area,pinagalitan ako ni Leeteuk-hyung.Maganda ang nanay at gwapo ang tatay nina Stacey at Lily.Nang makita namin ang mga mag-asawang Mr. & Mrs. Rodriguez,natulala kami dahil...Mukha silang mga bata pa.Siguro,maaga silang nag-asawa.Sa bagay,mga bampira nga pala sila.Ang laki at ang haba ng lamesa nila.Kumain na kami.

Our Maid Is A Good Vampire Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon