Chapter 33 He's Mine

1K 35 1
                                    

Stacey POV

Buti na lang,may nahanap na ako na ka-blood mate ko.Habang nakahiga ako sa kama,biglang pumasok sa isip ko ang fourth clue.Mukhang imposibleng mapunta ang fourth clue sa kanya.Kailangan na naming kumilos bago pa nila magawa ang kanilang plano na patayin ang mga lalaking mortal.Lumabas ako nang may tumawag sa akin.It's Heechul-oppa.Nilinis ko ang sahig gaya ng utos niya.Pagkatapos kong linisin ang sahig,pumunta ako sa kwarto ko.In-on ko ang laptop para makausap ang aking Ina.

"Anak,pasensya na talaga kung hindi namin alam na dumating diyan ang lola mo.Nasaktan ka tuloy."

"Okay lang po 'yun,Ina.Wala po kayong kasalanan." I smiled.

"Ah,siya nga pala,nakahanap ka na ba ng blood mate mo,Anak?Guwapo ba siya?" Pati ba naman 'yan,itatanong sa akin?Alam ko naman na aasarin lang ako ng aking Ina.Haaay...Tumango ako.

"Hmmm...Let me guess,siya ba 'yung laging nang-aasar sa'yo?What's his name?Kyu...?Ah...Alam ko na...Si Kyuhyun." I nodded my head again.

"Pero...Mahal mo siya.Tama ba ako?" Napatigil ako.

"Hindi po,Ina.Bakit niyo naman po 'yan naitanong sa akin?" 

"Anak...Napansin ko na...Unti-unti ka nang bumabalik sa dati simula noong nakilala mo ang lalaking mortal na 'yan." Napaisip ako.Maybe...She's right.She smiled.

"Alam niyo po,Ina,si Ate at si Kyuhyun-oppa,nag-kis---." O//////////O Ilaglag pa naman ako ng kapatid ko?Lasing lang ako ng bahagya noong nangyari 'yun.At...Hindi ko 'yun gusto.Tinakpan ko na lang ang bibig niya.

"Poprotektahan ko po silang lahat,Ina." 

"Mabuti 'yan.O sige,Anak.Mag-usap na lang tayo sa ibang araw.Ingat kayo ni Lily diyan." Tumango ako.Nagpaalam na kami ni Lily sa aming Ina.Pinatay ko na ang laptop.I glared at her.Nag-peace sign na lang siya.Lumabas na kami.Nagluto na lang ako ng makakain namin nang may narinig ako sa labas.

*ding dong*

Sumilip ako sa maliit na butas ng pinto.Anim na lalaki na nakasuot ng mask,sumbrero at may dalang box.At...Napansin ko sa kanilang bewang ang isang pamalo na ginagamit ng pulis.Haaay...Mga anti-fans talaga.I evil grin.

"Ate,mga anti-fans.Anong gagawin natin?" I looked at Lily.She evil grin too.

*Fast Forward*

Kasama ko sina Riley at Cassandra dahil sila ang kailangan namin para mapaalis ang mga anti-fans.Tamang-tama dahil hindi pa umuuwi ang mga amo ko galing sa kani-kanilang schedule.Ibinaba ko ang breaker ng kuryente.Nagtago na kami.Narinig ko na bumukas ang pinto.Sila na nga 'yun.Sinadya kong hindi i-lock ang pinto dahil may nakahanda kaming bitag para sa kanila.Sumilip kami at naglabas ako ng apoy mula sa daliri.

"Luna,magbago ka ng anyo." bulong ko kay Luna na isang pusa.Naging batang babae si Luna.Ayos!Kumapit si Luna sa kisame na parang butiki.Nakita ko na inilawan nila ang kisame na parang may hinahanap.Siniko ko si Cassandra na senyales na dapat gawin na niya.Itinaas ni Cassandra ang kanyang palad ng kaunti at iniikot ang kamay niya sa direksyon ni Luna.Napatingin kami sa mga anti-fans at nakita namin kung paano manginig sa takot ang mga lalaki.Napasigaw sila.Kasi naman...Umiikot ang ulo ni Luna sa kisame habang naging pula ang mga mata at nagpakita ng pangil.I looked at Riley.She nodded.Naka-costume kasi siya ng white lady.Gumapang siya papunta sa TV.Kusang nagbukas ang TV kahit walang kuryente.Napatingin sila sa TV na kusang nag-turn-on.Gumagapang papalabas ng TV si Riley habang nakatakip ang mukha niya ng wig.Mas lalo pa silang sumigaw ng makita nila na may babaeng lumabas mula sa TV.We giggled.Nabitawan nila ang mga box kaya tumama ito sa mga paa nila.Tumakbo sila sa pinto para makatakas pero...Hinila ko ang mga sinulid at may bumulaga na kalansay sa kanila pagbukas ng pinto.Mas lalo pang lumakas ang pagsigaw nila dahil sa takot.Tumakbo na sila papalabas ng dorm.Nag-apir kami nang maging matagumpay namin silang napaalis.Itinaas ko na ang breaker ng kuryente.

Our Maid Is A Good Vampire Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon