Chapter 5 Sound Manipulator

3.5K 112 0
                                    

Kyuhyun POV

Aish!Bakit ba kasi ako lumingon sa kanya noong isang gabi?!Ayan tuloy.Hindi ako nakatulog ng maayos.Halos mabaliw na ako sa nangyari.Ayos naman kami.Nag-uusap naman kami ng maayos.Pero...AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!Kapag kausap niya ako,parang wala lang sa kanya 'yung accidental kiss namin.Aish!Babo!Hihingi na lang ako ng tawad sa kanya ngayon.Sinilip ko kung anong ginagawa niya sa kusina.Naglilinis siya ngayon ng sahig.Naglakad ako papunta sa kanya.Nagkatinginan kami sa isa't isa.I scratched my nape shyly.

"Ah...Eh...Doon sa nangyari noong isang gabi...Ah...Eh...Humihingi ako ng t-t-tawad." nahihiya kong sabi.Ngumiti siya.

"It's okay.Apology accepted." Haaaay...Salamat naman.Babalik na sana ako sa kwarto nang may marinig kami na isang malakas na sigaw.Tinakpan ko ang tenga ko.Lahat ay lumabas sa kani-kanilang kwarto na tinatakpan ang tenga.Saan ba galing ang ingay na 'yun?!Sumasakit na ang ulo ko dahil sa ingay.Ang aga-aga tapos ganito ang maririnig ko?!Napatingin kami kay Stacey.Ang lakas-lakas ng ingay tapos parang wala lang sa kanya.Napatingin ako sa mga bintana at nabasag ang mga ito.Samantalang si Stacey,tumayo at sumandal siya sa dining table,nakapikit ang mga mata niya at naka-cross arms pa.Parang mababasag ang eardrums ko sa sigaw na 'yun!Sana tumigil na ang ingay na 'yun!

Stacey POV

Kinakausap ko sina Serena at Zachary sa pamamagitan ng telepathy.Nakakainis!Ang aga-aga,ganito na kaagad ang gigising sa mga tao?!

"Zach.Serena.Kaya niyo bang i-trace kung saan nanggagaling ang ingay na 'yun?Kapag nagpatuloy pa 'to,mamamatay ang mga tao dito sa Korea dahil sa sobrang lakas ng ingay." 

"Sinusubukan namin pong i-trace kung saan nanggaling ang ingay na 'yun.Huwag po kayong mag-alala,ang mga alaga nina Cassandra at Johann po ang bahalang maghanap sa gumagawa ng ingay,mahal na prinsesa." sabi ni Zachary.

"Tama po si Zach,mahal na prinsesa.Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya." sabi ni Serena.

"Maraming salamat sa inyo,Zachary at Serena.Mag-iingat kayo." I opened my eyes.Kinuha ko si Luna sa sahig at tinanggal ko ang cat collar.Pumasok kami ng alaga ko sa kwarto ko para mag-usap ng kaming dalawa lang.

"Luna,kaya mo bang malaman kung anong kasarian,pangalan,kakayahan at level ng bampira ang makakalaban namin?" Pumikit si Luna.After a few seconds,binuksan niya ang kanyang mga mata.

"Mahal na prinsesa,isang babae at ang pangalan niya ay Divine Shin.Isa po siyang Sound Manipulator.At isa po siyang Level B bad vampire." sabi ni Luna.Level B?Sound Manipulator?!Bad Vampire?!

"Noble Class Vampire?" Hindi siya sumagot.

"Maraming salamat sa impormasyon,Luna." Ibinalik ko na sa kanya ang cat collar.Kayang malaman ng Persian Cat ko kung sino ang bad vampire na makakalaban namin.I closed my eyes.

"Serena.Zach.Nahanap niyo na ba kung saan galing ang malakas na ingay na 'yun?"

"Opo,mahal na prinsesa.Nahanap na po nila ang kalaban." sabi ni Zach.

"Nasa rooftop po siya ng Gyeongju National Museum,mahal na prinsesa." sabi ni Cassandra.

"Maraming salamat sa impormasyon,Cassandra,Serena at Zach."

"Hoy,Stacey.Paano naman ako?" sabi ni Johann.

"O sige.Salamat na rin sa effort mo,Johann." 

I opened my eyes.Napa-facepalm na lang ako dahil kay Johann.Mukhang kailangan ko na kumilos.Tumayo na ako at tinanggal ko ang rose ring sa ring finger ko.Inilagay ko ito sa maliit na box at itinago sa bed side table drawer.Inilabas ko ang Death Scythe sa kamay ko.Ginamit ko ang teleportation at sa isang iglap lang,nakarating na ako kung nasaan ang mga kasama ko.Nasa likod kami ng Gyeongju National Museum kung saan nandoon ang bad vampire.

Our Maid Is A Good Vampire Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon