Chapter 32.5 Dragon Tattoo

1K 36 1
                                    

Yoona POV

Annyeonghaseyeo.Im Yoon Ah imnida.My stage name is Yoona.I'm one of the member of SNSD.'Yun lang.Nasa dorm ako ng Super Junior ngayon.At nagulat talaga ako sa suot ni Stacey.Ang sabi niya,sa bansa nila,kailangan niya daw magsuot ng yukata hanggang matapos ang spring dahil ito ang tradisyunal na ginagawa ng mga panganay na anak na mga bampira daw.Well...It suits to her.Wala akong schedule ngayon kaya naisipan kong pumunta na lang dito.Speaking of Stacey,nasaan na kaya siya?

"Are you looking for me,Yoona?" Napatalon ako sa gulat.Bigla na lang siyang sumusulpot sa harapan ko.Umupo siya sa tabi ko habang may dala siyang tray at inilapag niya ito sa table.There's a slice of cake and a cup of tea.Hmmm...It looks delicious.Tinikman ko ito.Ang saraaap!Kaya lang...Baka pagalitan ako ng Manager namin kapag nalaman niyang kumain ako ng matamis.

"Don't worry,it's a sugar free." Sugar free?!!!How did she...

"It's a piece of cake." She laughed.I laughed too.Inubos ko ang cake at tea.Ang sarap kasi.Ang totoo,ngayon lang ako nakaubos ng isang slice ng cake kasi bawal kaming kumain ng matatamis.Nakakataba daw.Nag-movie marathon na lang kami kasama ang kanyang kapatid na si Lily.Matapos ang limang movies,napagdesisyunan ko ng umuwi.At...May binigay siya sa akin na box na may lamang cake.Sugar-free cake.Nagpasalamat ako.Umuwi na ako.

*Next Day*

Nandito ulit ako sa dorm ng Oppas.Hindi lang ako kundi lahat ay nandito.Hindi namin alam kung bakit kami nandito.Pagkarating pa lang namin dito kanina,nakita na namin ang mga kasamahan ni Stacey pati na rin ang babaeng nagngangalang Daphne.Nakaupo lang sina Serena at Stacey.

"Mahal na prinsesa..." Umiiyak na si Serena.Inakbayan siya ni Stacey.Bakit kaya siya umiiyak?

"Serena...Sabihin mo...Bakit ka umiiyak?Atsaka,may problema ba?" Hmmmm...Something fishy.Baka pinaiyak siya ng boyfriend niya.

"Death." Death?!

"Magic circle...Death...Light Vampire Prince...Awaken...Destruction..." Anong ibig niyang sabihin?Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya.

*crack*

Ang kaliwang kamay ni Stacey ay dumudugo dahil binasag niya ang baso.She gritted her teeth with her fangs.Her eyes became red.Eeeeekkkk...She's scary!

"Madaming mamamatay...mawawasak ang lahat...It's a war..." Her nails became sharper.Ganito pala ang itsura ng vampire form ni Stacey.Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.I didn't notice that my body is shivering because of fear.Napaatras kami dahil sa takot.Except Kyuhyun-oppa.Lumapit siya kay Stacey at hinawakan niya ang braso na dahilan para tumigil ito.Maya-maya,bumabalik na siya sa dati.She exhaled.How did he---.

"Mianhae.Kapag nagagalit ako,hindi ko makontrol ang sarili ko.Dahil doon,nangingibabaw sa akin ngayon ang blood lust.Pasensya na kung natakot ko kayo." she said in an apologetic tone.Blood lust?Napansin ko na kanina pa niya hawak-hawak ang braso ni Stacey.Something fishy to Kyuhyun-oppa.Napatingin si Stacey sa kanyang braso at kay Kyuhyun-oppa.Maya-maya,tumingin sila sa isa't isa kaya agad na niyang binitawan ang braso ni Stacey.Umiwas siya ng tingin.She lick her bloody hand.Eeeeewwww...

"Huwag ka ng umiyak,Serena.Pinapangako ko na hindi 'yon mangyayari sa hinaharap.Sinisiguro ko 'yon.Kailangang maniwala tayo sa sarili nating kakayahan na mababago natin ang hinaharap.Kahit buhay pa ang maging kapalit." determinado niyang sabi.They nodded.Maya-maya,binuksan niya ang player para manuod ng movie na...'Interview with the vampire'?!Ugh.

"You don't like it?Then...I'll change it." Pinalitan niya ang pelikula at ito ay naging...Hotel Transylvania?!Habang nanunuod kami,tawa ng tawa si Stacey na parang naaaliw sa pinapanuod niya.Mahilig pala siya sa cartoon movies.Lalo na kapag vampire ang bida.Maya-maya,napansin ko si Stacey na lumilingon sa iba't ibang direksyon at tumayo siya.Pi-nause ko muna ang pinapanuod namin.

Our Maid Is A Good Vampire Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon