Chapter 24 Second Clue

1K 44 1
                                    

Donghae POV

Nasa salon ako ngayon at nagpapagupit.Hmmmm...Habang ginugupitan ako ng hair stylist,napatingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko na...Pula ang mga mata ko,may dugo sa gilid ng labi,maputla ang balat at may pangil.Parang bigla tuloy ako kinilabutan sa nakita ko.No.This is a hallucination!

"Sino ka?" He smirked.

"Ako?Ako ay ikaw." He evil laughed to the mirror.I screamed.

"DONGHAE-SSHI!" Parang bumalik na ako sa realidad nang may tumawag sa akin.Isa sa mga hair stylist ng salon.Napalingon ako sa hair stylist.

"Donghae-sshi,ayos lang po kayo?" I nodded.Binigyan ako ng tubig at ininom ko ito agad-agad.Matapos akong gupitan,umalis na ako at umuwi sa dorm.Nadatnan ko si Shindong-hyung na nakaupo sa sofa habang kumakain.Wait!Where's Stacey?Maya-maya,nakarinig ako ng tunog ng drums.Pinuntahan ko ang music room at nakita ko si Stacey na hinahampas ang drums na parang rakista at kumakanta pa.Grabe.Ganito pala siya kapag tumugtog ng drums.She's a monster!Kyuhyun is right.Lumabas siya.Binuksan ni Stacey ang pinto at lumabas ng dorm.Anong gagawin niya?Pumasok siya at tumakbo papalabas atsaka tumalon sa 11th floor.Napanganga na lang kami.OHMYGOD!She's reckless!Lumabas kaming lahat para matiyak kung ayos lang siya.Pero...Habang bumababa siya,nilabas niya ang kanyang Death Scythe at may inaatake siya.Kalaban na naman?!

Third Person POV

Napatigil si Stacey sa pagtugtog ng drums.Naramdaman niya ang kalaban sa labas ng dorm kaya lumabas siya at tumingin siya sa ibaba ng SM Dorms.Isang lalaki na nakasuot ng trench coat at cloak.Pumasok siya sa dorm at tumakbo papalabas atsaka tumalon sa 11th floor.Doon na niya nilabas ang Death Scythe atsaka inatake niya ang kalaban.Pero...Laking gulat na lang niya na hindi nasugatan ang kalaban.Sa halip,ang kanyang braso ang ginawang panangga sa kanyang Death Scythe.Lumayo si Stacey ng bahagya.

"Narito ka rin ba para patayin ang mga lalaking mortal?Puwes,hindi ko hahayaang mangyari 'yun." She glared at him.He smirked.

"Inutos lang ng hari ang pagpatay sa Vampire Prince.Pero...Ikaw muna ang uunahin ko dahil sagabal ka sa plano ng mahal na hari." Sumugod ang C Class Vampire na si John at sinuntok niya si Stacey pero ginawa niyang panangga ang kanyang Death Scythe.

"Uubusin ko muna kayo bago niyo magawa ang mga masasamang plano ninyo!!!!!!!!!!" Sinipa niya ito at tumalsik si John.Lumapit siya kay Stacey at sinipa pero ginamitan niya ito ng water slicer kaya naputol ang isang paa ni John.She smirked.Ilang beses na niya ito ginagamitan ng water slicer pero mukhang nahirapan siya dahil matigas ang balat at buto nito.Sinipa niya si Stacey kaya napatalsik siya sa malayo.Itinusok niya ang Death Scythe sa lupa para tumigil at habang umaatras.Mabuti na lang,nakapag-preno siya dahil kung hindi ay tatalsik siya sa malayo.Tumingin siya sa harap at sinipa siya ulit.Humahaba at tumatalas ang mga kuko ni John atsaka siya umatake habang iniilagan ni Stacey na matamaan ng mga kuko.Hanggang sa...

*slash*

Umatras si Stacey ng bahagya.Kusang humihilom ang sugat na nasa pisngi niya.She clenched her fist.She closed her eyes for a few seconds.

"Katapusan mo na!!!!!!!!!!!!" She opened her eyes.What is the most scarier?Her eyes become red.Tumutubo ang kanyang mga pangil at mas naging matulis ang kanyang mga kuko.She growled.She disappeared in front of him.Hinanap niya kung nasaan siya.

"I'm here." She kicked him with a full force.Natumba siya at biglang nawala si Stacey.Tumayo siya.He gritted his teeth.

"Are you looking for me?" Tumalikod siya at nakita niya si Stacey.And then...Tinusok ni Stacey ang mga mata ni John gamit ang matatalas niyang mga kuko.Napasigaw,napaluhod at napahawak siya sa kanyang mga mata dahil sa sobrang sakit.Dumudugo ang kanyang mata dahil sa ginawa ni Stacey.Paalis na sana si Stacey nang may dumaan na mga paru-paro sa harapan at ito ay naging tao.

Our Maid Is A Good Vampire Princess✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon