Stacey POV
Tumalon ako ng pagkataas-taas at inikut-ikot ko sa kamay ang weapon ko.Mabilis akong tumapak sa lupa kasabay ng pagkahati ng bampirang pinapatay ko na nasa aking harapan.At sa isang iglap lang,nawala na sa kamay ko ang weapon ko.
"Grabe.Ang galing mo talaga,mahal na prinsesa." sabi niya ng may halong pagkamangha.
"Ikaw pala.At anong ginagawa mo dito?"
"Pinapauwi na daw kayo ng mahal na hari po.Dahil may pag-uusapan daw po kayo." Kumunot ang noo ko.Pag-uusapan?Haaaay...Makauwi na nga.Sa iglap lang,nandito na ako sa mansyon.Pumasok na ako sa banyo at nagbabad muna ako sa bathtub ng ilang minuto.Matapos kong magbabad sa bathtub,nagbihis na ako ng goth loli vampire dress.Pumunta na ako sa living room para kausapin ang ama't ina ko.Umupo na ako.May inilapag si ina sa table na nasa harapan ko.Passport at Visa?Para saan 'to?Kumunot ang noo ko.
"Diyan magsisimula ang magiging misyon mo.Kailangan mong umalis papuntang South Korea.Bukas ng madaling araw." Aalis ako papuntang South Korea?Bukas?Misyon?Kinuha ko ang Passport at Visa.Tapos may inilapag si Ama sa table na tatlong box.Para saan 'to?
"Anak,you need to choose your own vampire jewelry." sabi ni Ina.Hindi na ako nagdalawang-isip pa na piliin ang pinakamaliit na box sa tatlo.Nang binuksan ko ito,napangiwi ako sa aking nakita.Rose ring?
"Isuot mo 'yan ngayon bago ka umalis bukas.'Yan ang proteksyon ng mga bampirang tulad natin.May kanya-kanya tayo na vampire jewelry.Kapag isinuot mo 'yan,maitatago ang identity mo bilang isang bampira." Kapag isinuot ko ito,maitatago nito ang pagiging pure blood vampire princess ko nito.Nagpasalamat ako sa mga magulang ko.
"Naka-impake na ang lahat ng dadalhin mo paalis papuntang South Korea.Kaya...Hindi mo na kailangang mag-impake pa.Atsaka,kailangan mong maghanap ng trabaho doon para hindi ka mahuli ng mga mortal na pumapatay ka ng mga bad vampire." Tumango ako.Bumalik na ako sa kwarto.Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag.
"Hello,Liza.Bakit ka napatawag?"
"(Hello,Stacey.Balita ko,aalis ka papuntang Korea.Ah...Eh....Puwede ba akong mag-request?)" Huminga ako ng malalim.
"Gusto mong kumustahin ko ang boyfriend mo doon kapag nandoon na ako?Siguro,nami-miss mo na 'yung boyfriend mo na nasa Korea.Tama ba ako?" cold kong sabi.
"(Ah....Eh....Oo.Parang ganun na nga.Hehehe...)" Humiga ako sa kama habang kausap ko si Liza sa cellphone.Sabi ko na nga ba.
"Okay.Sige.I will do it for you." Biglang sumigaw si Liza sa kabilang linya kaya inilayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"(Thank you talaga,Stacey.Ah...Maitanong ko lang,dadalhin mo ba si Luna?" Sinabi ko sa kanya na dadalhin ko ang alaga kong Orange & White Persian Cat na si Luna.Nakakapagsalita si Luna kaya kailangan kong balaan na huwag siyang magsasalita kapag kaharap niya ang ibang tao o strangers.Except Liza.She's a human.Because her boyfriend is a vampire too and she's not afraid of the vampires.Nag-iiba ng anyo ang aming mga pet,depende sa mga nangyayari sa paligid namin.Isinuot ko ang black collar sa leeg ng pusa ko.
"(O sige,Stacey.Maaga pa ang flight mo papuntang Korea.Good luck.Take care.Bye.)"
"Bye." She ended the call.Ano kaya ang magiging buhay ko sa Korea?
*Next Day*
I am Stacey Rodriguez.I am the pure blood vampire princess here in the Philippines.Hindi ko ginagamit ang vampire powers ko para hindi ako mahuli ng ibang tao.Sa gabi ako pumapatay kasi sa gabi lumalabas ang mga masasamang bampira.Isa rin akong vampire hunter.Kinausap ako ni Liza kagabi at ipapasundo daw ako ng boyfriend niyang bampira sa airport.Isinuot ko ang rose ring na pinili ko kagabi.May winter daw sa Korea sabi ni Liza kagabi kaya kailangan ko daw ng winter clothes kung kinakailangan.Nandito na ako sa airport at kasama ko ang mga magulang ko pati na rin si Liza.
BINABASA MO ANG
Our Maid Is A Good Vampire Princess✓
FanfictionEveryone has a secret.Just like her.She's beautiful but...She's a maid.Madaming nakakapansin sa kanyang kagandahan pero sa likod nito ay isa siyang....Vampire.Yes.She's a vampire & vampire princess.At hindi lang 'yon,isa rin siyang Vampire Hunter na...