CHAPTER 18

16 4 0
                                    

Sana Ikaw

Ikaw ay dumating bigla saking mundo,
Di inaakalang ngitian mo ako,
Para akong natunaw sa lambing nito,
Di ka na naalis sa isip ko

Paano na ngayon ako'y litong lito
Bakit kaya ako nahulog na sa'yo
Pero meron ka nang minamahal
Hindi naman mahati ang puso

Kaya pag ibig pinipigilan ko
Pag ibig na sana ay SA'yo
Hindi ba't nararapat sa'yo
Pag ibig na buong buo di ko makakayang may saktan na iba kaya't Ikaw ay mananatili na lang sa damdamin at aking isipan iguguhit kita sa ALAALa pagkat tayo ay hanggang panaginip lamang...

Kaharap namin ni Rhostum ngayon si Oliver.

"Sabi na ang cute mo!" halos sumigaw na si Oliver.

Paanong hindi??? May concert kasi dito. Kasama ni Oliver yung mga tropah niya.

"Ah," nasabi ko na lang.

"Tara? Sama ka samin" sabi pa ni Oliver.

"Hindi siya sasama sa'yo, pinayagan ko ng magkita kayo pero, hindi ko siya hahayaan sa'yo" sabi ni Rhostum.

"Eh, pre' sino ka ba? Anu ka niya?" tanong ni Oliver.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. At the same time, kinakabahan ako baka mag away sila eh. Agad kong hinawakan sa braso si Rhostum.

"Ahm, Oliver nice to meet you uuwi na kasi kami eh" sabi ko nalang.

"Ah, sayang naman di pa kita nakakasama eh" sabi naman ni Oliver.

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Tara na Lyn" yaya ni Rhostum.

"Ah, sige thanks ulit" sabi ko at saka kami tumalikod ni Rhostum.

Pero, may humagip sa braso ko, pag lingon ko, bigla ko hinalikan ni Oliver malapit sa lips ko.

Napakunot yung noo ko at nakita ko nalang si Oliver na nakangisi pa, at nakaupo na sa sahig.

"Nice to meet you too Lyn" nakangisi pang sabi ni Oliver.

Nayakap ko si Rhostum. Saka ko siya inilayo dun.

"Bwiset na lalaking yun!" galit na sabi ni Rhostum at saka ko hinila.

Hanggang sa sumakay na kami pauwi. Hindi ko akalaing ihahatid niya pa ko hanggang samin.

Naglalakad na kami papunta sa bahay ng pigilan niya ko maglakad.

At pagkatapos sinapo niya ang mukha ko at saka niya ko hinalikan sa labi ko.

Tinulak ko naman siya.

"Hindi ba sinabi ko na? Huwag mo kong halikan?" galit na sabi ko at saka ko siya sinampal.

"Lyn, mahal kita bakit di mo yun maintindihan?" naiiyak na ring sabi nito.

"Huwag ka ng magpapakita sakin naintindihan mo?" sabi ko saka ko pumasok sa loob ng bahay namin.

Napatingin ako sa cp ko. Saka ako napa buntong-hininga, pagkatapos natulog na ko.

---

Kinabukasan, nakita ko na lang si Jandy sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Papakilala kita kina Kuya" sabi niya sakin.

Huh??? Papakilala? Bakit?

"Tumayo ka na dyan at maligo bilis" sabi pa nito.

Agad nga din akong kumilos. Ilang oras lang nasa jeep na kami papuntang cubao.

"Namiss na kita, honey" bulong nito.

Naramdaman ko din yung paghaplos niya sa may bewang ko. Agad naman nagtayuan yung mga balahibo sa katawan ko.

"Ah, urong ka naman dun konti" saka ko siya tinulak.

Peste minamanyak ako -_-

"Parang nagbago ka, may problema ka ba?" tanong ni Jandy sakin.

"H-ha? Wala!" sabi ko.

Nag ring naman yung phone ko. Parehas kami napatingin sa phone ko. Tapos kinuha niya sakin yung phone ko.

"Hello?" siya na ang sumagot.

"Asawa niya ito sino ka ba?" tanong pa din ni Jandy

Tumahimik ito, at saka niya ko tinignan. Pagkatapos inabot niya sakin yung phone ko.

"Ahm---" ok ako na ang speechless.

"Wrong no. daw siya lalaki eh" seryosong sabi ni Jandy sakin.

"Ah, ganun ba?" nasabi ko na lang.

Pagdating namin sa cubao tahimik lang kaming naglalakad. Ang akward na naman.

"Bilisan mo naman paglakad mo para kang nagpu-prusisyon eh" sabi nito saka nito hinawakan yung kamay ko.

Ilang oras lang nakasakay na kami sa bus. Yung pang dalawahang upuan, dun kami pumuwesto sa may dulo.

"Nasusuka ko" sabi niya.

Napalingon naman ako sa kanya.

Nakita kong pinagpapawisan nga siya. Ordinary lang naman itong bus na sinakyan namin eh.

"Dito ka nga sa may bintana, di ka ba sanay na magbiyahe sa bus?" tanong ko pa.

Naramdaman kong nahihirapan din ako tumingin sa kanya. Oo, di kasi kami close kaya medyo wala pa ko alam kahit ano sa kanya mabuti ngayo meron na.

"Hindi eh," sabi nito at maluha luha na ito.

Napa buntong huminga ko, tapos nagpalinga linga ko kung may vendor ng tubig. Mabuti at may dumaan kaya nakabili ako.

"Oh, inom ka na muna" sabi ko.

Inabot naman niya iyon, saka tinungga yung mineral -_- oh, di sya na malakas sa tubig peste yung 10ph isang lagukan lang???

"Ok ka na?" tanong ko.

Tumango lang siya, pagkatapos nilagay ko sa balikat ko yung ulo niya, kahit mababa yung balikat ko, tinaas ko na lang hahaha para di sya mahirapan.

"Salamat honey, I love you" nanghihina niyang sabi.

Tinapik ko lang yung pisngi niya tapos binigyan ko siya ng kiss sa noo.

"I love you too, tulog ka na muna" sabi ko.

At hinaplos haplos ko yung buhok niya. Ilang oras lang tulog na siya, samantalang ako eto nakatingin lang sa labas.

Oo, naeenjoy ko ang view kahit ganito :)

Ang sarap pala sa pakiramdam yung may aalagaan ka, yung ipapakita mo yung concern side mo sa kanya. Napangiti ako ng mapagmasdan ko yung mukha ni Jandy. Cute naman siya, makapal yung kilay niya ang tangos din ng ilong niya ang pula pa ng lips, kaso ngayon medyo namumutla hehe...

Naalimpungatan siya, kaya tumingin na lang ako sa labas.

"Andito na pala tayo, Mama! Para po" sabi niya.

Huh??? Andito? Sure ba siya? Kakagising niya lang kaya? Agad niya hinawakan yung kamay ko. At saka kami bumaba.

"Ok ka na?" tanong ko.

"Oo, ganoon kasi talaga ko, pasensya ka na ah?" nahihiya pang sabi nito.

Napangiti lang ako pagkatapos hinarap ko siya at tumingkayad ako para ma kiss ko siya sa labi niya ng smack lang.

"Para bumalik yung kulay ng lips mo, namumutla eh hahaha" nang aasar na sabi ko.

"Ah, ganun?" nagsalubong lang yung kilay niya.

Hahaha... ang cute niya pala asarin eh... magawang bisyo nga toh' hahaha

------------------------------------------------------

Hahaha ou... masaya ako nung unti unti ko siyang nakikilala at ganun din siya sakin

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon