8mos. na ang tyan ko at malaki na talaga.
"Sweetheart doon ka na muna kina mama" sabi ni Jandy sakin.
Napalingon ako sa kanya. Kasalukuyan siyang nagbibihis dahil papasok na siya at ako nagtitimpla ng kape niya.
"Ayan na naman tayo?" sabi ko.
Natapos na ito magbihis at tumabi sakin saka ko niyakap mula sa likod ko.
"Malapit ka na manganak paano kung manganak ka wala ako nasa trabaho? Sino mag aasikaso sayo? Saka dadalaw dalaw naman ako dun promise ko yan sayo" sabi niya pa.
Napabuntong hininga ako. Sabagay tama naman siya. Lagi akong walang kasama dito eh. Paano nga kung manganganak na ako? Isang buwan na lang kabuwanan ko na nga...
Napaka bilis ng panahon. Parang kailan lang nung malaman namin ni Jandy na magiging nanay at tatay na kami.
"Hmm, sige wala naman akong magagawa kung yan ang gusto mo" sabi ko na lang.
"Huwag mong isipin na ayaw ko na sayo ok?" sabi pa ni Jandy.
Tumango na lang ako. At saka ko binigay sa kanya yung kape niya.
"Sumabay ka na sa'kin" sabi ni Jandy habang nagkakape siya.
Kaya nagbihis na ako sa bahay na lang ako maliligo pagdating ko.
"Eto na yung sweldo ko" sabi niya.
Saka ko inabot yung pera. Nag asikaso na rin ako ng mga gamit ko.
"Wag ka na bumibiyahe naintindihan mo ko? Ako na ang pupunta sayo dun makinig ka sakin" sabi niya pa.
"Oo na" nasabi ko na lang.
"Hati tayo sa sweldo mo kase baka wala ka na ipang allowance dito tas magbabayaran pa ng bahay" sabi ko.
"Wag mo na isipin yon ako na bahala sa sarili ko" sabi niya pa sakin.
Napa buntong hininga ako. Saka niya tinignan yung dala ko.
"Bakit ang bigat niyang bag mo??? Bawasan mo nga yan ako na magdadala ng ibang damit mo pag punta ko sa yo sa linggo" sabi niya.
"Ang tagal pa nun eh" reklamo ko.
"Sorry na sweetheart alam mo naman na hindi ako pinapayagan sa inyo matulog di ba?" sabi niya pa.
Napa buntong hininga ko tapos tumango ako. At saka ko sya sinunod.
Paalis na kami ng makita kami ni Ate Tine.
"Saan punta niyo buntis?" tanong niya agad.
"Uuwi na po ko samin eh" sagot ko.
"Bakit?" tanong pa din ni ate Tine.
"Wala po kase mag aalaga sakin dito" sabi ko.
"Anung ginagawa ko dito? Saka pagbibiyahehin ka mag isa? Eh buntis ka nga?" sabi naman ni Ate Tine.
Hmmm sabagay tama naman sya.
"Hoy panget, bakit pagbibiyahehin mo mag isa si buntis? Paano kung may mang yari dyan?" sita ni ate Tine kay Jandy.
"Eh sa sun. pa ako walang pasok" sabi ni Jandy.
"Di sa sunday mo sya iuwi" sabi naman ni Ate Tine.
Napakamot na lang ito sa ulo.
"Tara dito buntis, manood na lang tayo" sabi ni ate Tine.
Wala naman nagawa si Jandy kundi ibalik yung gamit ko sa bahay namin.
Saka nagpaalam sakin bago pumasok.
"Buntis, may problema ba kayo ni panget at gusto ka dalhin sa inyo?" tanong ni Ate Tine.
"Wala po, gusto lang kase niya maging safe kami ni baby" sagot ko.
"Ah sabagay tama naman siya kasi hindi laging andyan sya paano kung manganganak ka na nagkataong walang tao at wala ako tas siya nasa trabaho" sabi ni Ate Tine.
Tahimik lang ako.
"Kung nag aalala kang baka magdala sya ng babae eto kunin mo no. Ko ittxt ko sayo pag nambabae sya" sabi pa ni Ate Tine saka kinuha nito yung no. Ko sa phone ko.
"Paano ka nag ka phone?" tanong ko.
"Binili ito ni Kuya mo" sagot niya.
Napatango tango na lang ako.
"So? Anu? Kelan ka aalis?" tanong ni Ate Tine.
"Ahm? Sa sunday na lang po atleast makakasama ko pa po sya" sabi ko.
"Sabagay pero ang laki na ng tyan mo anu?" sabi niya.
"Don't worry ninang ka nito ate" nakangiting sabi ko.
"Ay, salamat" nakangiti ding sabi niya.
"Wala ba si Ara mina?" tanong ko.
"Wala gma toh' eh" sagot niya.
Gusto ko kase makita yung dimple ni ara mina hahahaha...
Sige si Marian na lang pagtyagaan.
Maghapon nanonood ng t.v kina ate Tine at nagtahi ako ng cross stitch.
Di ko na namalayan ang oras. Na kina Ate Tine pa rin ako. Ewan ko kung di lang ako naalala ni Jandy o di niya ko napansin dire-diretso lang sya na pumunta sa kwarto namin.
Kaya naisip namin pag tripan sya ni Ate Tine.
Nagtago ako. Narinig ko si Jandy.
"Ate Tine, nakita mo si Lyn?" tanong niya.
"Aba ewan ko, kanina pa ako nakahiga dito eh" sagot ni Ate Tine.
"Sige salamat" sabi niya.
Narinig ko na lumayo na sya.
"Teka, di ba pinapaalis mo naman asawa mo? O ngayon hahanapin mo naman" sabi ni Ate Tine.
"Di naman sa gusto ko sya umalis kaso nag aalala ako wala sya kasama dito lagi samin paano pag nanganak sya?" sabi ni Jandy.
"Malay mo naiisip niya mambabae ka" sabi pa ni Ate Tine.
"Hindi ko na naiisip tumingin sa iba sya lang kuntento na ko lalo at magkakaanak na kami" sabi naman niya.
Napabuntong hininga ko. Nararamdaman ko naman na totoo ang sinasabi niya eh.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko.
"Ang lungkot ni panget nung sinabi kong wala ka dito" bulong sa akin ni Ate Tine.
Ngumiti na lang ako.
"Thanks Ate Tine, geh po" sabi ko saka ko lumabas sa kwarto niya at pumunta sa kwarto namin ni Jandy.
Naka pambahay na sya at nakayuko sya.
"Panget" tawag ko sa kanya.
Tumingin sya sakin nakita kong umiiyak pala siya. Agad naman akong lumapit sa kanya saka ko sya niyakap.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko.
"Akala ko iniwan mo na ko talaga eh" umiiyak na sabi ni Jandy saka niya ko mahigpit na niyakap.
Niyakap ko lang din sya tapos hinaplos ko yung buhok niya.
"Di kita iiwan mahal na mahal kita ok?" sabi ko sa kanya tapos hinarap ko sya at ako na ang humalik sa kanya sa lips.
Wala talaga sa isip ko ang iwan siya kasi kuntento na ko sa kanya.
Kaso... Yun lang dadaan talaga kami sa pagsubok.
★★★★★★★★★★★★★★★★★★
Hehehe... Sorry tagal ng update
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
General FictionIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^