CHAPTER 30

22 3 0
                                    

I'll Never Love This Way Again

You looked inside my fantasies
And made each one come true
Something no one else had ever found a way to do
I've kept the memories one by one
Since you took me in
I know I'll never love this way again

I know I'll never love this way again
So I keep holding on before the good is gone
I know I'll never love this way again
Hold on, hold on, hold on

A fool will lose tomorrow
Reaching out for yesterday
I won't turn my head in sorrow
If you should go away

I'll stand here and remember
Just how good it's been
And I know I'll never love this way again

I know I'll never love this way again
So I keep holding on before the good is gone
I know I'll never love this way again
Hold on, hold on, hold on, hold on

I know I'll never love this way again
So I keep holding on before the good is gone
I know I'll never love this way again
Hold on, hold on

I know...
Love...
This way again

Ilang araw pagkatapos namin mag usap ni Jandy, medyo umiwas na ako sa kanya.

Bakit? Natatakot na ako sa pwedeng mangyari para saming dalawa bata pa kami at may pamilya kaming dapat isipin.

Kadarating ko lang ng mapansin ko yung red roses sa harap ng pinto ng bahay namin.

"Andyan ka na pala, kanina pa nakalagay yan dyan" sabi ni Mama.

Kinuha ko yung Red roses, itatanong ko sana kung kanino galing.

"Kanina pa andito si Jandy, galing yan sa kanya" sabi ni Mama.

Napangiti ako. For the first time may nagbigay sakin ng red roses :) ang saya ko lalo na galing kay Jandy.

Agad akong pumunta sa bahay ng lola ko. Napansin ako ng pinsan kong si Ate Jasmine.

"Oi Lyn, akina lang yang rose mo" sabi niya.

"Oh, eto sayo na" sabi ko.

At binigay yun sa kanya kahit na ayaw ko sana. Pero ayos lang.

May nareceive akong text galing kay Jandy.

Jandy:

. . .Asan ka ba? Kanina pa kita hinahanap

Gusto ko sana mag reply pero ewan ko, iba yung pakiramdam ko ngayon.

"Oi Lyn, andyan yung boyfriend mo sa baba" sabi ni Ate Jas sakin.

Sumilip naman ako sa bintana. Nakita ko siyang umiiyak kausap yung bunso kong kapatid.

"Mahal na mahal ko yung Ate mo" narinig kong sabi niya.

Hay... Ano ba talagang nangyayari sakin?

Alam ko namang mahal ko si Jandy, pero bakit parang ngayon hindi na ba?

Nakita kong tumayo na siya at umalis na. Kaya naman bumaba na ako at pumunta sa bahay.

Hindi ko pinansin yung kapatid ko, kahit umiiyak siya at nagagalit siya.

Napailing na lang ako saka ako lumabas ulit ng bahay namin.

"Lyn!" napalingon ako ng makita ko si Jandy.

Napakunot yung noo ko.

"A-anong ginagawa mo dito? Akala ko---" nagulat ako talaga sa kanya.

"Akala mo ba umuwi na ako?" seryoso pa rin yung tingin niya sakin.

Napa buntong hininga ako.

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong pa ni Jandy.

"Sige, wag tayo dito" sabi ko na lang at nauna na ako lumakad.

Sumunod siya sakin, at naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.

Napalingon ako sa kanya. Ang lamig ng kamay niya at nakita kong namamaga din yung mata niya.

Naaawa man ako, pero kasi etong nararamdaman ko sa kanya, ewan ko di ko alam kung ano bang problema ko.

Pagdating namin sa mall na malapit samin umakyat kami sa 2nd floor, atleast dito kaming dalawa lang yung tao.

"Lyn, ano ba kasi yung ginawa ko para gawin mo toh' sakin?" tanong agad niya.

"Wala, sorry pero ayoko na talaga" sabi ko lang.

"Ano? Ganon na lang ba sayo yun? Lahat ng nangyari satin? Wala ng halaga?" naiiyak na naman siya.

"Makakakita ka pa ng mas better sakin" nasabi ko na lang.

"Sabihin mo may iba ka na bang mahal?" tanong pa niya.

Kinakabahan ako. Pero kailangan ko magsinungaling.

"Oo, may mahal na akong iba" nasabi ko na lang.

"Hindi ako naniniwala! Bakit di mo ko matignan sa mga mata ko?" tanong pa niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Oo Jandy, may mahal na akong iba? Satisfied?" inis na sabi ko.

Ang sakit lang sabihin yun sa harap niya. Kasi hindi naman yun ang nararamdaman ko eh.

Sorry Jandy...

"Hindi ako naniniwala sayo" umiiyak na sabi niya.

At pagkatapos hinalikan niya ako, iba yung halik niya ngayon sobrang marahas at nasasaktan ako.

Gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko yung sarili ko.

"Tanggapin mo na lang na hanggang dito na lang tayo" nasabi ko nang tigilan niya yung labi ko.

Nagulat na lang ako ng ihagis niya yung bag niya at tumakbo siya sa may railings.

"Anong gagawin mo?" agad akong napahawak sa braso niya.

"Bitawan mo ako! Kung ayaw mo na sakin pwes, tatalon na lang ako dito" galit na sigaw nito.

"Ano ba! Tumigil ka nga" at niyakap ko siya.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya.

"Jandy! Pls. Oo na hindi na kita iiwan mahal na mahal kita!" sabi ko sa kanya.

Tumigil siya at saka niya inalis yung pagkakayakap ko sa kanya. Pero natatakot ako na baka tumalon talaga siya kaya niyakap ko ulit siya.

"Talaga?" tanong nito.

"Oo, hindi na kita iiwan tumahan kana" sabi ko.

Lalong humigpit yung yakap niya sakin.

"Lyn, hin-di ako ma-kahinga" mahina yung boses niya.

Lalo akong nataranta at kinabahan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, ano gagawin ko.

Agad kong kinuha yung bag niya, at inalalayan ko siya sa paglakad.

"Anong gagawin ko?" tanong ko.

"Tubig... Iinom lang ako ok na ako" sabi niya.

Kaya agad ko siyang dinala sa mc.do.

"Kaya mo pa? Wait lang" sabi ko.

Pagpasok namin sa loob. Pinaupo niya lang ako. At siya yung pumuntang counter.

Pagbalik niya, nagulat ako kasi naman, ang dami niyang dala. 2 chicken may drinks at fries at may ice cream din.

"Anu toh? Bakit ang dami mong inorder?" takang tanong ko.

"Gusto ko kumain na kasabay ka pls. Sweetheart" sabi niya.

Napa buntong hininga ako.

Saka ko siya pinagmasdan.

Napailing na lang ako. Bakit siya ganito kung mag effort sakin?

******************************

Iba talaga siya sa lahat ng lalaking nakilala ko sobrang ma effort siya.

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon