CHAPTER 40

19 5 0
                                    

Nakita na din ni Jandy yung ultra sound at tinignan din niya yung damit na binigay sakin.

"Eto isuot mo ah? Mas maganda toh" sabi pa ni Jandy sakin.

"Eh di ikaw magsuot" nakasimangot na sabi ko.

At ang pasaway na lalaki sinuot nga???

0_0 nanlaki mata ko. Hindi ko na napigilan yung sarili ko tumawa, grabe siya hahaha... Di ko ineexpect na gagawin niya yan I mean,lalaki siya tas magsusuot ng maternity dress na pink??? Hahaha

"Ayan mas maganda pag lagi ka nakangiti, saka gusto ko lagi ka masaya" sabi niya pa.

"Hahaha oo na, ikaw lang naman nananakit at nagpapaiyak sakin tas ikaw din nagpapasaya" sabi ko habang tumatawa pa.

"Hubarin mo na nga yang damit ko ang bakla mo" natatawa ko pang sabi.

"Oo na" natatawa ding sabi niya at saka niya yun hinubad.

Tapos, tumabi sakin at niyakap ako buti naman nakabihis na siya ng damit niya.

"Lumalaki na tyan mo, ang sarap na hawakan kasi alam ko na si baby yung laman niyan" nakangiting sabi niya sakin.

"Sana lalaki siya" sabi niya pa.

"Ayoko gusto ko babae tas kamukha mo pag ikaw kamukha neto ang panget sigurado" natatawang sabi ko.

Napangiti lang siya.

"Oo nga sana ikaw kamukha niya no?" napapailing pang sabi ni Jandy.

"Pakagat muna sa ilong" sabi ko.

"Ay naku trip mo na naman ako ayoko" sabi nito.

"Ah, ayaw mo?" tanong ko tapos nagsimula na ako tumalikod sa kanya.

"Isa lang ah? Wag kna dyan umiyak" sabi niya pa.

Hahaha ang saya pag mahal ka talaga ng mahal mo. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Salamat sa lahat ah" nakangiting sabi ko.

"I love you too sweetheart wag na magdrama ok na pwede ka na kumagat sa ilong ko" sabi niya pa.

Nilapit ko na yung bibig ko sa ilong niya at imbes kagatin yun isang smack lang ginawa ko dun. Nanggigigil kasi ko sa ilong ni Jandy ang tangos kasi eh.

At dahil sa ginawa ko agad niya akong hinalikan sa labi ko. At saka naglikot ang kamay nito and then... (SPG na kasunod) hahaha...

****
4mos. na tyan ko, at mabuti hindi na ako nagsusuka pero patuloy ako sa pag inom ng vitamins at ng anmum milk kahit di ko gusto ng gatas at di naman talaga ako nainom nun para sa anak ko gagawin ko.

Habang naglalakad kaming dalawa ni Jandy may lumapit samin.

"Ahm Kuya pwede mahingi ng no. niyang kasama mo?" tanong pa nung lalaki.

Tingin ko sa kanya, mga bata pa baka nasa 20's lang din.

Nagkatinginan lang kami ni Jandy.

"Hindi pwede may asawa na siya, kita mo nga buntis na" nakasimangot na sagot ni Jandy.

"Ah, di naman siguro malalaman ng asawa niya yun di ba? Makikipag friend lang naman" sabi pa nung lalaki.

Hinila ko na lang si Jandy, hindi na kasi maipinta yung mukha eh.

"Sorry Kuya, pero di ako nakikipag friends as you see? Etong lalaking kasama ko asawa ko so, pls. Layo layo din thanks" nakangiting sabi ko.

At saka ko na hinila si Jandy paalis dun.

"Masyado ka naman dun sa bata" natatawang sabi ni Jandy.

"Sus, pero gusto mo na yun bugbugin sa selos eh hahaha, eh kaso napakilig na kita hahaha" natatawa ding sabi ko.

"Loko ka talaga humanda ka sakin mamaya sa bahay" at nag wink pa siya sakin.

"Hahaha whatever Jandyng panget" sabi ko.

Pagdating namin sa kwarto namin napansin namin sina Ate Tine.

"Oi Lyn, manood kayo oh may tv na kami" sabi pa ni Ate Tine.

"Sige po, papahinga lang kami saglit" sagot ko.

Kahit paano medyo ok na ulit kami ni Ate Tine, pinapansin ko na siya.

"Naboboring ka ba dito pag wala ako?" tanong niya.

"Oo, pero may mga pinagkakaabalahan na ako" sabi ko.

Tumango lang siya. Saka ako niyakap.

"Ang sarap mo talaga yakapin at halikan ang lambot mo kasi eh" sabi niya pa.

Tsk... Ginawa pa kong bulak.

"Sa palagay mo? Hanggang kailan tayo magkasama?" tanong ko.

"Lagi tayong magkasama tayo ng anak natin ok? At hindi ko kayo iiwan" sabi niya pa.

"Sana nga, di mo kami iwan at pabayaan ng anak natin" nasabi ko na lang.

"Hoy! Di kayo manonood ng tv?" tanong ni Ate Tine

At saka nito sinipa yung pinto namin. Kaya nagulat ako, pero di naman ako pinakawalan ni Jandy.

Ewan ko parang may something din sa tingin ni Ate Tine.

"Anu yan panget? Sus pinapagod mo na naman si buntis" sabi niya pa.

"Hindi noh, asa ka mahal ko kaya tong prinsesa ko" nakangiting sabi ni Jandy saka ako hinalikan sa mismong harap ni Ate Tine.

Pinalo ko naman sa braso si Jandy pero tumawa lang siya nakakahiya no.

"Hoy Tine ano na namang ginagawa mo dyan? Nang iistorbo ka naman dyan sa mag asawa?" Sigaw ng asawa niya.

"Yung asawa mo laging galit ata?" tanong ni Jandy.

"Hindi ganun talaga yun, sige na punta na lang kayo sa bahay ah?" sabi niya pa at umalis na.

"Anong gusto mo kainin?" tanong ni Jandy sakin.

"Ayoko na magsabi kakainis ka di naman iyon yung binibili mo eh kainis lang hmp tatanong ka pa pero di iyon binibigay mo di sana wag kna magtanong kaurat ka" nakasimangot na sabi ko.

"Hay... Kaw talaga, ano ba kasing gusto mo?" tanong niya pa.

"Wala nga sabi wag muna nga ako kulitin hmp, ganyan ka pag sa iba binibili mo pag ako yung ayaw ko yung bibilhin mo" nakasimangot pa rin ako.

Sobra kasi eh naiinis na naman ako sa kanya.

Saka di ko siya pinansin.

"Sweetheart sorry na pls. I love you" sabi niya pa.

Tahimik lang ako habang nakatalikod sa kanya.

Palaging ganun, sasabihin niya I love you... Pero di naman niya ako sinusunod...

"Di ba gusto mo ng Chocolate cake?" tanong niya pa.

"Eh ano kung gusto ko nun? Eh dati pa naman yun" nakasimangot pa na sabi ko.

"Eh sorry na alam mong wala akong pera" sabi niya pa.

Napa buntong hininga na lang ako saka ko siya hinarap at niyakap.

"Ayos lang basta nasa tabi kita ok?" sabi ko.

Naramdaman ko na niyakap niya ako ng mahigpit.

NAkakaintindi naman ako sa sitwasyon niya...

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Merry christmas miss ko na siya

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon