CHAPTER 31

21 3 0
                                    

Sa Isip Ko

Alam kong meron ng iba
Sa kilos mo'y na dararama
Mukhang ako ay kinalimutan mo na
Wala ng masasabi di ba
Kapit mo kay lamig na
Pati halik mo'y wala ng gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy parin

Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang

Alam kong meron ng iba
Ang init ay nang lamig na
Ba't di aminin ng di malilihim
Ikaw at ako'y tapos na
Bawat hakbang palayo ka
Walang linaw na babalik pa
Maagaw ka man ng iba sakin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin

Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang

Dahil ok na naman kami, eto at niyaya niya ako pumunta sa Tita niya.

"Yung sinabi mong may iba ka ng mahal totoo ba iyon?" tanong ni Jandy sakin.

Naglalakad na kami papunta sa Tita niya.

"Hindi" sagot ko.

Hindi ko na rin kasi alam kung tama pang hiwalayan ko siya. Seryoso siya na magpapakamatay siya pag nawala ako.

"Sure ka ba? Bakit feeling ko kaya mo lang sinabing mahal mo ko dahil natatakot kang magpakamatay ako" sabi niya pa.

"Bakit nga ba kailangan mo pa yun gawin? Saka yung paninikip ng dibdib mo? May sakit ka ba sa puso?" tanong ko pa.

"Wala ah, ayos lang ako ok?" sabi niya naman.

Napabuntong hininga na lang ako. Pagdating namin dun sa Tita niya pinakilala niya ako bilang asawa niya.

Nakakahiya talaga as in.

May lumapit na isang lalaki at babae sakin. Yung lalaki may hawak na gitara.

"Hello, pamangkin kami ni Tito Jandy, matagal na ba kayong dalawa?" tanong nung babae.

"Ah, may isang taon pa lang" sagot ko.

"Ah... Marunong ka kumanta?" tanong din nung lalaki sakin.

"Hindi masyado" nahihiyang sagot ko.

"Jamming tayo Kuya" sabi nung babae.

At saka nagsimulang mag gitara yung lalaki.

Intro pa lang alam ko na kung ano yung kanta.

Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Was so in love with you

Sumabay na rin yung babae dun sa lalaki.

I don't even have that look
To make it glance my way
No limousine to take you were to go

Naengganyo na rin ako kumanta nakakahawa kasi sila.

But deep inside,
Me is you
You just want to like I do
You can see to me is true
Still I've been waiting here for you its just take time to lend an ear to this ordinary song

"Oh, andito ka pala?" puna ni Jandy sakin.

"Ahm, oo nakiki-jamming sa kanila" sabi ko.

"Tara sa loob" sabi pa ni Jandy at saka nito hinawakan yung kamay ko.

"Bibe, dun kayo sa kwarto ng Ate Nelly mo" sabi ng Tita niya.

"Sige po, salamat" sabi ulit ni Jandy.

"Kumain na kayo dyan" sabi naman ng pinsan niya.

At saka niya ako dinala sa mesa at kumain na kaming dalawa.

After kumain. Umakyat na kami sa kwarto.

"Jandy, dito kayo ng asawa mo ah" turo ng pinsan niya.

Kinakabahan ako talaga.

"Tara na" yaya niya sakin.

"Kailangan ko ng umuwi ano ka ba" sabi ko.

"Ano? Hindi pwede" sabi naman niya.

"Hindi naman ako nagpaalam kina Mama wag ka nga dyan" inis na sabi ko.

"Bahala ka dyan, dito na tayo matulog grabe ka naman eh" sabi niya pa at saka niya ako hinila paupo sa kama at sinimulan na niya akong halikan.

Pero pinipigilan ko lang siya sa ginagsawa niya.

"Patunayan mo saking ako pa din ang mahal mo na walang iba" sabi niya sakin.

Napabuntong hininga ako. Saka ko siya hinalikan. (Sorry ang susunod na scene ay PRIVATE :) )

Naiiyak ako habang yakap ko yung sarili ko. Niyakap naman ako ni Jandy mula sa likuran ko.

"I love you sweetheart" bulong niya.

Hindi ako sumagot at lalo akong naiyak. Hinarap naman niya ako sa kanya at nagulat siya ng makita niyang umiiyak ako.

"Anong problema?" tanong niya.

At saka niya pinunasan yung luha sa mata ko.

"Bakit di ka nag withdrawal? Paano kapag nabuo yun?" umiiyak na sabi ko.

"Ano kung mabuo? Papanagutan kita" sabi niya pa.

Tsk... Ganyan naman mga lalaki, sasabihin papanagutan pero yun pala tatakbuhan lang.

"Gusto ko ng umuwi" sabi ko pa.

"Wala ng sasakyan, bukas ng umaga talaga ihahatid kita sa inyo" sabi niya pa.

Nakatulog na akong yakap lang niya, no choice na rin naman ako eh.

.....

Kinabukasan, hinatid na nga ako ni Jandy samin at saka siya nagpaalam may trabaho pa rin kasi siya.

Bigla kong naisip yung nangyari samin. Hindi naman siguro yun magbubunga tama, matagal na naman may nangyayari samin.

****
Isang linggo na ang lumilipas buhat ng mangyari iyon samin ni Jandy at sa isang linggo na iyon iniwasan ko na naman siya sa text at tawag parang ayaw ko na siya makita kahit kailan.

Iba nga din mood ko ngayon. Naisip ko baka magkakaroon na ako. Sana nga...

Nakita kong nagluluto si Mama ng Porkchop na pinirito. Bigla akong natakam sa ulam kaya lang may pupuntahan pala ako.

Pagbalik ko, di ko na nakita yung ulam.

"Ma, asan na yung ulam na nandito kanina?" tanong ko.

"Wala na naubos na eh" sabi ni Mama.

Grabe, di naman ako tinirhan? Umalis na lang ako at saka ako umakyat sa bahay ng lola ko at dun ako umiyak. Ewan ko, ayaw ko naman kumain pero simpleng ulam iniiyakan ko.

Ang weird ko talaga kainis naman oh.

Naramdaman kong may tao kaya agad kong pinunasan yung luha ko at saka ako tahimik na umalis sa bahay ng lola ko at nag alaga na sa mga bata na nasa kapitbahay lang namin.

Napabuntong hininga na lang ako. Kasi di pa rin nawawala yung bigat ng pakiramdam ko dahil lang di ako nakakain ng fried porkchop ni Mama.

"Lyn, kumain ka na muna sa bahay" sabi ni Mama sakin na pinuntahan pa ako dito.

"Ano yung ulam?" tanong ko.

"Corned beef gusto mo yon di ba?" sabi ni Mama.

"Busog ako ayokong kumain" nakasimangot na sabi ko.

At saka ako nanahimik.

############################

Promise eto yung times na hindi ko alam na buntis na ako hahaha...

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon