Nagulat ako ng pagdating ko sa bahay nandun si Jandy at Ate Thalia.
"So? Anong nangyari?" tanong ni Jandy sakin.
At sinalubong niya ako ng yakap at halik.
"Buntis siya, kailangan niya ng mga test na ito bukas" sabi ni Ate Tine.
Mas excited pa siya kesa sakin.
"Talaga? Magkakaanak na kayo ni Jandy?" gulat din na tanong ni Ate Thalia.
Hindi naman ako makapagsalita kasi di ko alam yung sasabihin ko.
Bigla na lang ako niyakap ng mahigpit ni Jandy.
"I love you Sweetheart ang saya ko, di ko akalaing magkakaanak na talaga tayo" sabi niya pa.
"Mahiya ka kaya ang daming audience" naiinis na bulong ko.
Pero parang wala lang sa kaniya yung sinabi ko.
"Nasabi niyo na ba ito sa parents mo?" tanong ni Ate Thalia sakin.
Bigla kong naisip sila Mama, pang apat na araw ko na hindi umuuwi tas ngayon buntis pa ako.
"Naku Jandy, hindi pwede yang ganyan dapat sabihin niyo yan sa Mama ni Lyn" sermon pa ni Ate Thalia samin.
"Ah sige, alis na muna ako" biglang singit ni Ate Tine.
"Ah, Ate Thalia si Ate Tine pala dyan lang siya sa kabilang kwarto" sabi ko.
"Mag miryenda muna tayo eto kumain na muna kayo" sabi ni Ate Thalia.
"Teka, bawal ka ng softdrinks Lyn, buntis ka pa naman ang dapat lang inumin mo gatas tubig at buko" sabi ni Ate Thalia.
"Ikaw ba buntis ka din di ba?" baling pa ni Ate Thalia kay Ate Tine.
"Naku hindi" tumatawang sabi ni Ate Tine.
Nakatingin lang kami sa kanya. Well, yakap lang ako ni Jandy mula sa likod hehehe habang nakaupo kami.
"Mayoma ito" sagot niya samin.
Ano yung mayoma? Sakit kaya yun?
"Ah, sorry nagpatingin ka na sa doctor?" tanong ni Ate Thalia.
"Oo, matagal na kailangan kasi ito maoperahan" sabi naman niya.
Huh??? Opera talaga?
"Ah, sige maiwan ko na kayo salamat sa miryenda" sabi ni Ate Tine.
At umalis na din ito.
"Babalik pa ako sa trabaho ko, sumama na kayo sakin gumala muna kayong dalawa" sabi pa ni Jandy.
"Ah, hindi na tinignan ko lang kung talagang nagsasama na kayo uuwi din ako mamaya hihintayin na kita para may kasama muna itong asawa mo" sabi pa ni Ate Thalia.
At umalis na din si Jandy. Kami na lang dito ni Ate Thalia.
"Mabuti naman at maayos na kayong dalawa, alam mo bang halos parang baliw na yang lalaking yan dahil gusto mo na siyang iwan" seryoso yung mukha ni Ate Thalia.
Alam kong galit siya sakin. Nahihiya ako sa kanya, kasi kahit ano pang ginawa ko kay Jandy eto at sakin pa din bumabalik yung kapatid niya.
"Sorry Ate" nasabi ko lang.
"Ngayon alam ko na kung bakit ganun ka, malamang dala yan ng pagbubuntis mo pero sana wag mo na ulitin na tangkaing iwan siya" sabi pa ni Ate.
"Ahm opo sige" sagot ko na lang.
Ngumiti na ito sakin saka niya ako niyakap.
"Alagaan mo si Jandy at ang magiging anak niyo, malamang maiispoiled yan ng ama sus nakikita ko ngayon pa lang kay Jandy gagawin lahat para sayo at sa anak niyo" sabi pa ni Ate.
Tumango na lang ako.
Iba talaga feeling ko.
****
Kakahatid lang namin kay Ate Thalia, bumili na rin kami ng pagkain namin at ngayon andito na kami ni Jandy sa kwarto namin."Salamat Sweetheart, hindi mo lang alam kung gaano ko kasaya ngayon" nakangiti pang sabi niya habang nakayakap siya sakin.
"Hindi pa naman confirm na buntis ako so, wag kang magsaya dyan" nakasimangot na sabi ko.
"Bukas bago ka magpa check up pumunta ka sa trabaho ko ah" sabi niya pa.
At saka niya ako hinalikan. Kung saan saan na nga lumalanding kamay niya kaso nga lang natigil kami sa ginagawa namin ng bumukas yung pinto namin.
Nakita namin si Ate Tine na nakangiti saming dalawa.
"Ang sweet niyo talagang mag asawa noh?" natatawang sabi niya at saka siya pumasok sa loob.
Napaupo na lang kami parehas sa kanya.
"Teka nga pala Lyn, bakit mo nagustuhan itong asawa mo?" tanong ni Ate Tine sakin.
"Ha? Bakit po? Eh, gwapo naman siya I mean cute pala tapos mabait pa siya at sweet" sabi ko.
"Ah, nakakapagtaka lang na nagkagusto ka sa kanya eh pangit niya kaya tas ikaw maganda" natatawa pang sabi ni Ate Tine.
Ano pinagsasabi niya? Pangit si Jandy. Tinignan ko si Jandy.
"Hindi po siya pangit ang gwapo nga po niya marami nga diyan nagkaka gusto hahaha buti nga po ako yung pinili niya" sabi ko.
"Hehehe... Kaw talaga oo na pero mas maswerte lang sya talaga at nakakuha siya ng tulad mo" sabi pa ni Ate Tine.
"Hoy! Tine! Andyan ka na naman sa kapit bahay p&#+$+" sigaw ng asawa ni Ate Tine.
Napailing na lang kami ni Jandy ng umalis si Ate Tine.
"Wag mo na lang pansinin yung sinabi ni Ate Tine di ka panget para sakin ang gwapo mo nga promise" nakangiting sabi ko.
"Talaga? Kailan ko kaya maririnig sa labi mo yung sasabihin mo naman na mahal mo ko? Alam mo napapaisip ako kasi di mo naman talaga ako sinasabihan nun eh" sabi pa ni Jandy sakin.
"I love you" sabi ko at ako na mismo ang humalik sa kanya.
Siguro sa pagkagulat niya di niya alam kung paano siya magrereact.
"Kain na tayo gutom na ako" yaya ko.
Tulala pa din si Jandy, napailing na lang ako at saka ko naghain kaso kakain na kami at lahat natulala pa din tong lalaking toh'
"Ah, ganun?" sabi ko at saka ko siya binalikan at kinagat ko ilong niya.
Bwahahaha... Eh di nawala pagka tulala niya.
"Ano nananaginip ka ba?" nakangising tanong ko.
"Loko loko ka talagang babae ka eh, tsk kumain na nga lang tayo" nakasimangot na sabi niya sakin at saka kami kumain.
Pagkatapos hinugasan na niya mga plato at ako naman naglatag na ng higaan.
Magkatabi na ulit kaming dalawa.
"I love you Lyn, hindi ako magsasawang sabihin yan sayo at ikaw ang pinaka maganda para sakin" sabi niya pa.
"I love you too Jandy, pero tingin ko panget ka nga hahaha" pang aasar ko.
Napasimangot siya. At ako naman eto, hinalikan lang siya...
******************************
Masaya pa kaming dalawa niyan... Nakakamisss promise...
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
General FictionIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^