CHAPTER 38

21 3 0
                                    

3mos. After na... Medyo malaki na ang tyan ko.

Nakahiga ako ngayon at eto si Jandy nakatapat yung tenga niya sa tyan ko.

"Hindi ko pa siya nararamdaman" sabi ni Jandy.

"Paano, hanggang ngayon wala pa rin yung chocolate cake ko" nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Sorry sweetheart, mamaya bibilhan na lang kitang fudgee bar" sabi nito.

Napa buntong hininga na lang ako. Lagi na lang ganun hay naku, pero naintindihan ko naman kasi nagtitipid din kaming dalawa.

---
Kinabukasan, pumasok na ulit siya, tapos na rin naman ako sa ginagawa ko kaya lumabas ako. Gusto ko rin kasi gumala, nakaka boring sa kwarto namin.

Nakakita ko ng mga batang naglalaro ng 10-20.

"Ate, gusto mo sumali samin?" tanong nung bata sakin.

Hahaha... Namiss ko maglaro nito.

"Pwede ko sumali?" tanong ko.

"Sige Ate" sabi pa nung bata.

Tapos umalis siya sa goma at ako yung tumalon dun. Hindi ko naisip yung kalagayan ko. Sobrang bored lang ba talaga ako???

Nakita naman ako ni Ate Tine.

"Hoy buntis, tigilan mo nga yang pagtalon talon mo dyan, ano bang feeling mo? Bata ka pa,? At saka buntis ka pag yang baby mo nalaglag ay naku" sabi pa ni Ate Tine.

Napatigil naman ako sa pagtalon.

"Halika, sumama ka na lang sakin" yaya niya pa.

Sumama na nga lang ako sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Gagala saan mo ba gusto?" tanong niya pa.

"Pasaway, ako pa tinanong malay ko naman ikaw nagyaya sakin eh" sabi ko naman sa kanya.

At saka kami naglakad. Dumaan na rin kami sa trabaho ni Jandy pero di ko na siya pinuntahan, naiilang lang ako pag nandun ako at tinitignan ako ng mga katrabaho niya eh.

"Nakapag pa check up ka na ba?" tanong ni Ate Tine.

"Hindi pa nga po eh, papasama nga po sana ako sayo baka bukas na lang" sabi ko.

"Sige" sabi ni Ate Tine.

Naglakad lang kaming dalawa ni Ate Tine.

"Dito na lang tayo sa Mc" sabi niya.

Pumunta kami sa may 4th floor saka tumingin lang sa mga naglalaro.

"Alam mo ingatan mo yang anak mo" sabi pa ni Ate Tine sakin.

Agad kong hinawakan yung tyan ko.

"Nakakaboring kasi walang magawa" sabi ko.

Nagyaya ako sa kanya sa may 2nd floor at may nakita kong magandang pagkakaabalahan.

"Ano yang binili mo?" tanong niya sakin.

"Ah, ito ba? Cross-stitch pero gagawin mo siyang bag" sabi ko.

"Magkano naman iyan?" tanong pa ni Ate Tine.

"25 pesos ok na rin para maging busy ako" sabi ko.

Nagyaya na rin akong umuwi well, excited ako hahaha... May bago kasing pagkakaabalahan.

Pagdating ko sa kwarto namin ni Jandy, nagsimula ko na ilabas yung binili ko. Excited talaga ko, ewan ko ba.

Ilang oras lang nagsisimula na akong magbilang sa papel.

"Paano ba yan?" tanong ni Ate Tine.

Napatingin ako sa kanya.

"Madali lang po ito, ganito lang" saka ko itinuro sa kanya pano yung pag ko cross stitch.

"Mukhang madali lang pala" sabi pa ni Ate Tine.

At saka niya ako pinanood sa ginagawa ko. Bigla na lang nagpatugtog yung sa kabilang kwarto.

Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito sa'yong paglisan hapdi ang siyang naramdaman.

"Alam mo ba yung anak ni Manang dyan sa babá gf ni junior?" tumingin lang ako sa kanya.

"Ah, sino po? Hindi ko po kasi kilala" sabi ko.

Hindi na ba mababalik ang lahat ng ating nakaraan dahil ba sa huli na ang lahat sa'yo'y paalam...

"Basta, yung bata dyan, minsan makikita mo yun pasimple ka lang lumingon sa kaharap na pinto nung kina Ate Rhea mo" sabi pa ni Ate Tine sakin.

"Ah, ok lang po yun kasi may sarili naman silang buhay" nasabi ko na lang.

Ang totoo, wala naman talaga akong pakialam sa buhay ng ibang tao.

"Oh, sige maiwan na muna kita dyan, matutulog muna ako" paalam ni Ate Tine sakin.

Tumango lang ako saka ko pinagpatuloy yung ginagawa ko.

Hindi ko na namalayan yung oras. Kung hindi pa sumakit yung likod ko kakaupo hindi pa ako titigil sa ginagawa ko at hindi ko pa mamamalayan yung oras.

Malapit na naman palang mag 5pm sigurado pauwi na si Jandy.

Agad kong tinago yung ginagawa ko at saka ako nagsaing, para ulam na lang problema namin ni Jandy.

Habang naghihintay ako maluto yung sinaing ko humiga ako, masyadong masakit yung balakang ko saka ako naglagay ng earphone sa tenga ko.

Sa puso ko'y nag iisa...
Kahit merong iba...
Kahit hindi tama, ang ginagawa sinta...
Basta ba'y makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya...

Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin.

"Huh???"

"I miss you sweetheart" malambing na sabi nito.

"Akala ko kung sino ka na sasapakin na sana kita" sabi ko.

"Sorry kung nagulat kita" sabi pa niya.

Pagkatapos niyakap nito yung bewang ko.

"Baby kamusta ka na? Namiss kayo ni Papa" saka nito hinalikan yung tyan ko.

"Mabuti na-bored lang dito" sagot ko naman.

"Oi Panget, yang asawa mo kanina kung magtatalon sa labas akala mo hindi buntis" singet ni Ate Tine.

Sinamaan ako ng tingin ni Jandy.

Umupo lang ito, at umupo na rin ako.

"Bakit naman?" tanong pa ni Jandy.

"Nakikipaglaro ng 10-20 sa mga bata dyan sa baba" sagot pa ni Ate Tine.

Bakit parang naiinis ako kay Ate Tine? Kahit alam ko namang nagmamalasakit lang siya.

"Sorry ok?" napairap ako tas tinalikuran ko si Jandy.

Naiinis talaga ako sa kanya promise, pati kay Ate Tine.

"Sweetheart, alagaan mo naman ang sarili mo" nag aalalang sabi ni Jandy sakin.

Pero di ko siya pinansin. Naramdaman ko na lang na naiiyak na ako. Nawala na nga sa isip ko yung sinaing ko.

Lumayo si Jandy sakin saka siya na ang tumingin sa sinasaing ko.

Oo na alam kong mali ako. Pero nakakainis lang di ba? Bakit kelangan iba pa magsabi? Hay...

"Lyn," tawag ni Jandy sakin.

Pero di ko pa din siya pinansin.

"Wag ka na umiyak, hindi naman ako galit nag aalala lang ako sa inyo ni baby" sabi niya saka niya ako niyakap at hinalikan.

Oo na masyado na kong maarte pero anong magagawa ko??? Eh, buntis ako....

############################
Moodswing hahaha

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon