9mos. Di ko akalaing mabilis din ang panahon, eto at 9mos. na tyan ko. nanonood lang ako ng tv mag isa dito sa bahay.
Ng may pumasok sa pinto.
Tinitigan ko lang ito mabuti.
Isang pusa na gray may sugat ito sa ilong at buntis din ito. Tinititigan lang ako nito habang nakaupo sa pinto.
"Oi bawal sa pinto may buntis, grabe kang pusa ka buntis ka pa naman pag tayo nahirapan manganak ay naku" kausap ko na lang.
Call me crazy pero masaya ko kausap yung pusa 😹😹
"Meow!"
"Aba, at sumasagot ka pa talaga?" natawa ko saka ko lumapit sa pusa at saka ko sya hinuli.
Di naman ako nahirapan, kase di agad sya nakatakbo. 😂😁
Agad ko siyang niyakap, kahit ang baho niya wala akong pake natutuwa ako sa lips ng pusa kase sobrang pula at nanggigigil na kinagat ko yung lips ng pusa.
Ahahaah... Yeah, ang baliw ko lang talaga pero ang sarap sa feeling.
"Oi Lyn" tawag ni Mama.
Agad kong nabitawan yung pusa at saka nagmamadaling tumakbo ito palabas ng bahay namin.
Tsk... Si Mama storbo... sarap kaya kagatin ng pusang yun.
"Nakakadiri kang bata ka, di mo nakikitang may sugat pa yun sa mukha?" sabi pa ni Mama.
Tumayo na ako saka ko nagdecide na maligo na.
Patapos na ako ng marinig ko si Mama na parang may kausap di ko na lang siya pinansin.
Paglabas ko ng cr, nagulat ako ng makita ko si Jandy.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.
Dapat nasa trabaho sya eh.
"Malapit na akong ma-endo kaya maghahanap na ako ng bagong trabaho" sabi ni Jandy
"Hmmm.. Sige" sabi ko.
"Kamusta ka naman dito?" tanong niya.
"Ayos lang naman ako" sagot ko.
Tinignan ko lang siya. Siguro nasanay na ako na wala siya.
"Malapit ka na pala manganak ano? Pasensya ka na kung madalang ako magpunta dito, saka bumalik na ako kina kuya nung last month pa" sabi niya pa rin sakin.
Tinignan ko lang siya. Ang laki na ng ipinagbago niya. At saka di ko alam pero parang namayat siya.
"Ah, ok lang" sabi ko. Pakiramdam ko sumama ang loob ko. Umalis siya ng di ko nalalaman? Tsk...
"Eto na muna yung pang pa check up mo" sabi pa ni Jandy.
Yung totoo dapat may check up ako nung nakaraan pero di na ako bumalik pa.
Ready na rin naman ang mga gamit ko eh.
"Aalis na ako wag mo na ako ihatid mag iingat ka lagi" sabi niya.
"Ikaw din mag ingat ka" sabi ko.
Saka niya ko hinalikan sa lips pero smack lang.
Nakakapanibago siya, di na siya ang dating Jandy na nakasama ko.
Napa buntong hininga ako at binaliwala lang ang nararamdaman ko na pagbabago samin ni Jandy.
- - - -
March 28, 2009...Ala-una na ng madaling araw pero eto at gising pa din ako.
Ang totoo sumasakit na kase ang tyan ko, may isang linggo ko na pinapakiramdaman yung tyan ko.
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
Fiction généraleIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^