Tulog na si baby sa tabi ko, kakatapos ko lang kase sya padedehin.
Nagulat pa ako ng makita ko si Jandy.
"Kamusta?" tanong niya sakin.
Simple lang akong ngumiti. Hinawakan niya yung kamay ko. Sobrang lamig ng kamay ni Jandy. At halatang kinakabahan siya.
"Ok lang kami ni baby ano ka ba" sagot ko.
Maya-maya dumating yung nars.
"Ay daddy pakihawak po muna si baby, lalagyan ko lang ng gamot yung dextrose ni mommy" sabi nung nars.
Binitawan ni Jandy yung kamay ko. At saka inalalayan nung nars si Jandy na kalungin yung baby namin.
"Nanginginig kamay mo Daddy" natatawang sabi ni Ateng nars.
"Ah, first time kasi namin toh' magkaroon ng baby" nahihiyang sabi ni Jandy.
"Ah, kaya pala oh mommy medyo masakit ito ah?" paalala nung nars sakin.
Grave na nga yung sakit na nararanasan ko, eh simula ng manganak ako, siyempre kaya ko yan- pero sa isip ko lang yun baka kase sabihin pa ang yabang ko.
Nang umalis na yung nars, umiyak ulit si baby, di tuloy malaman ni Jandy ang gagawin.
"Akina nga yan, lapag mo dito" malumanay na sabi ko sa kanya.
"Paano?" tanong niya.
"Lika dito"
Saka ito lumapit sakin, dahan dahan kong inabot si baby at saka ko kinalong.
"Baby, gutom ka na naman?" kausap ko saka ko siya pina breastfeed.
Namumula man ako, kasi nakatingin samin si Jandy, no choice ako.
"Wag mo ko tignan" masungit na sabi ko.
"Ang ganda mo pa rin sweetheart kahit nanganak ka na, kaso nakakainggit si baby" sabi niya.
Napakunot yung noo ko.
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Kasi siya nakakadede sayo eh" bulong nito.
Namula naman ako sa sinabi niya. Letseng lalaki toh' pati baby.
"Eto po mga gamot ni Mrs." sabi nung nars na bumalik samin.
Maya maya nagpaalam na si Jandy na aalis na, parehas niya pa kami ni baby hinalikan ni Jandy.
"Mag ingat ka ah" paalala ko.
Pumikit na ako ng umalis na si Jandy. Hindi ko na din namalayang nakatulog na ako.
- - -
Mabilis dumaan ang araw, ngayon pwede na kaming lumabas ng ospital ni baby Chelsea."Mama, wala pa rin akong gatas" reklamo ko.
"Uminom ka kase nitong sabaw, hayaan mo lang yang baby mo dumede sayo" sabi naman ni Mama.
Sinunod ko naman siya. Nasanay na ako na magpa breast feed kaya, bale wala na lang kapag nag breast feed si baby Chelsea sakin.
Maya maya pa dumating na yung kapatid ko at Papa ko. Kase lalabas na kami dito sa ospital. Salamat sa family ko, at hindi nila ko pinabayaan.
"Tara na Ate, pakalong ako kay baby" sabi ng kapatid ko.
At binigay ko sa kanya si Chelsea. Halata naman mga excited sila eh.
"Ang ganda ni baby" natutuwa pang sabi ni Lexah.
Ilang oras lang nakarating na kami sa bahay.
Nagulat pa ko ng makita ko si Jandy.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Hindi naman," sagot nito.
Pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Ano na palang plano natin?" tanong ko kay Jandy.
Bigla namang umiyak si Chelsea kaya binalik na sakin ng kapatid ko yung baby ko.
"Ate bilhan mo na lang ng gatas yan wala pa naman nakukuha sayo eh" sabi ni Lexah sakin.
"Ako na bibili, ano bang gatas?" tanong ni Mama.
"Bona na lang mas mura pa yun" sabi naman ni Lexah.
At ayun nagsialisan sila.
"Ang ganda ni baby Chelsea" natutuwang sabi ni Jandy.
Pinadede ko na si Chelsea kahit naiilang ako kay Jandy.
"Magsasama na ba tayo?" tanong ko.
"Hindi pa pwede wala pa akong sahod eh, di pa ako nakakahanap ng bahay" sabi naman ni Jandy sakin.
Napabuntong hininga ako. Lagi naman ganun eh. Kaya nanahimik na lang ako.
"Lyn, pagbalik mo sa ospital asikasuhin mo na yung birth certificate niyan" sabi ni Mama.
"Sige, aasikasuhin natin yun" sabi ni Jandy sakin.
"Sasama ka samin ni Chelsea?" tanong ko.
"Kailangan mo yan si Jandy dun pag kumuha ng birth certificate ni Chelsea" sabi naman ni Mama.
"Sabi ko nga sasama ka samin" sabi ko na lang.
- - -
Naglalakad ako ng makita ako ng Tita ko."Oi Lyn, may kasalang bayan sa katapusan ng buwan na ito tas binyagang bayan din magpakasal ka na at magpa binyag para isang gastos lang ninyo" sabi ni Tita sakin.
"Ahm sige po, kausapin ko muna yung papa ng anak ko" sabi ko saka ko umuwi samin.
Tinext ko na lang si Jandy about sa kasalang bayan at binyagang bayan.
"Mas ok yan, wala kayo masyadong gastos papakainin niyo lang yung mga ninong at ninang" sabi ni Mama sakin.
"Oo nga eh, pero hindi kaya maging hassle yun? Kase sabay pa?" tanong ko.
"Di magpa binyag na lang kayo" sabi naman ni Mama.
Nakatanggap naman ako ng text kay Jandy.
JANDY
. . .unahin na lang natin yung binyag ni Chelsea bago yung kasal madami na tayo magagastos niyan eh
ME
ok kaw bahala
Ayun lang ang nasagot ko. Grabe, ang sama ng loob ko sa kanya.
Hindi ko na lang siya pinilit pa ano pang silbi ng sasabihin ko kung nakapagdesisyon na agad siya.
- - -
Muli kaming bumalik ng hospital para tanggalin yung tahi ko.Ipapa well-baby ko sana si Chelsea kaso naiwan ko naman yung card niya hmmm. At kukunin na rin namin yung birth certificate ni Chelsea.
Nang tinawag na ang no. Ko, nagpaiwan na sina Jandy sa upuan.
Ako naman ay pumasok sa loob para maipatanggal na yung sinulid sa tahi ko sa tyan.
Pagpasok ko pinahiga na ako. At kinuha na yung record ko.
"Huminga kang malalim ah, masakit ito" paalala nung doctor sakin.
Naramdaman ko na naman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Grabe talaga. Masakit na naman??? Parang wala na kong maririnig simula ng makapanganak ako kundi masakit.
Sobrang sakit nga ng maramdaman kong tinatanggal na yung sinulid at sobrang higpit ng kapit ko sa hinihigaan ko. Muntik na rin ako mapasigaw pero pinigilan ko at nagdasal na lang ako na sana matapos na ang paghihirap ko.
"Mommy, ok na linisan mo na lang pag nagnana uminom ka lang ng gamot na ito" sabi ni doc.
At saka inabot sakin yung reseta. Dahan dahan akong naglakad hanggang makarating ako sa mag ama ko.
Nangingiyak na umupo muna ko pagdating ko dun sa pwesto nila.
###########################
Its too much painful but i will take the pain because of my daughter :)
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
General FictionIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^