CHAPTER 41

15 5 0
                                    

6mos. na din at ang laki na ng tyan ko, nung nagpa check up ako sinabi sakin na may posibilidad na malaglag ang baby ko.

"Doon ka na muna sa inyo" sabi agad ni Jandy sakin.

Ganoon na lang ba yun? Ang bilis niya akong isuko, di porket mawawala yung baby namin papalayasin niya ako agad ;(

"Bakit?" tanong ko.

"Ayokong may mangyari sa inyo ni baby" sabi niya.

"Ayoko naman malayo sayo eh" sabi ko.

"Alam mong impossible na magkasama tayo, ayoko din may mangyaring masama sa anak natin" sabi pa ni Jandy.

Pero di ko siya pinapansin. Sobrang di ko gusto yung desisyon niya.

"Pls. Makinig ka naman sakin? Para toh' sa inyo ni baby" sabi niya pa.

Humarap ako sa kanya at galit na tinignan siya.

"Para samin??? O para sa sarili mo? Siguro ayaw mo na sakin kasi malaki na tyan ko wag kang mag alala hindi ka namin kailangan ng anak ko, kaya ko kahit wala ka sa tabi namin" umiiyak na sabi ko saka ako tumayo at umalis.

Kahit sinamahan niya ko samin, di ko sya pinansin. Alam mo yung masakit??? Umasa ka, umasa ka na makakasama mo siya sa hirap at ginhawa pero siya??? Ang bilis niyang sumuko.

"Lyn---"

"Umalis ka na, pagod na ko matutulog na ko" nasabi ko na lang.

Pero niyakap niya lang ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at saka ko humiwalay sa yakap niya at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Ni hindi ko na nga siya tinignan kung umalis na siya.

"Pls. Lyn sana maintindihan mo na kailangan muna natin maghiwalay hindi ko naman kayo iiwan ng anak natin" narinig kong sabi niya.

Hindi ko alam na sumunod pala siya sakin.

"Hangga't hindi tayo ok hindi ako uuwi" dagdag niya pa.

Tahimik lang ako, naisip ko na mga gagawin ko tutal naman malayo siya.

"Huwag kang panay gala ok? Kilala kita, at tuwing sat. Uuwi ka satin" sabi na lang niya.

Napakunot yung noo ko at tinignan ko siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit???" balik tanong din niya sakin.

"Bakit mo pa ko kinukulit ano pa bang kailangan mo? Umalis ka na wala ka ng pakialam pa samin ng anak ko" naiiyak na naman tuloy ako.

"Sweetheart try to understand yung sitwasyon natin ayoko mawala ang baby natin" sabi niya pa.

Tinignan ko lang siya pero di na ako nagsalita. Ok, gets ko na pero dapat ba iwan niya ko? Tsk...

"Sa sat. Susunduin kita ok?" sabi niya pa.

"Kahit wag na ok?" sabi ko.

At umalis na siya.

Napa buntong hininga na lang ako, saka ko hinaplos yung tyan ko. Masyado na itong malaki compare sa katawan ko.

"Baby iniwan na tayo ng papa mo" naiiyak na naman ako.

Saka ako humiga at nagtalukbong na lang ng kumot.

"Lyn, kumain ka na di ka ba nagugutom?" narinig kong sabi ni Mama sakin.

Lalo akong napaiyak naalala ko na lagi kami sabay kumain ni Jandy pero ngayon? Hindi na. ;(

"Lyn, baka magutom anak mo gabi na" sabi pa ni Mama.

Pero di ko pinakinggan si Mama wala talaga akong gana eh. Mas gusto ko umiyak lang at magalit kay Jandy. Kaso naiintindihan ko din naman siya. Di ko na namalayan nakatulog na pala ako.

- - -

Kinabukasan, tinignan ko lang yung phone ko. May text nga ni Jandy pero never ko na ni reply, nagpatuloy ako sa pagbangon at saka naghanap ng pagkain.

"Di ka kumain kagabi, huwag ka nagpapagutom alalahanin mo may anak ka na kung ayaw mo kumain, yang anak mo pakainin mo" sabi ni Mama.

Napabuntong hininga ko. Saka ko tahimik na kumain. Pagkatapos nag cr ako at naligo ako. Wala trip ko lang. After ko maligo, naisip ko gumala. Nagpaalam ako kay Mama na aalis muna.

Alam kong wala ngayon si Jandy sa bahay kaya pumunta ko dun para lang kunin yung mga natitira ko pang gamit.

Kahit naman malaki na ang tyan ko kaya ko pa bumiyahe eh.

Pag sakay ko sa bus, may nakatabi akong isang babae.

"Ilang months na yang baby mo?" tanong niya sakin.

Nilingon ko sya saka ko tipid na ngumiti sa kanya.

"6mos. Po" sagot ko.

"Ah, mag iingat ka parati asan asawa mo?" tanong pa niya.

"Nasa malabon po" sagot ko.

"Dapat inaalagaan ka niya, at di ka iniiwang mag isa" sabi pa ni ate sakin.

Ngumiti na lang ako at saka ko tumingin sa bintana. Pasimple kong pinunasan yung luha na pumatak na naman sa mata ko.

Di ko na naman napigilan luha ko. Agad akong bumuntong hininga.

Ilang oras lang tanghali na pala. Nakarating din ako sa bahay namin. Sinalubong ako ni Ate Tine.

"Oy buntis di ka ata umuwi kagabi?" tanong sakin.

"Ah, aalis na talaga ko kasi dito ate Tine eh" malungkot na sabi ko.

Saka ko niligpit lahat ng gamit ko. At habang nililigpit ko yung mga damit ko naiiyak na naman ako. Naramdaman kong iniwan na ako ni Ate Tine at dun ko na hinayaang tumulo lang ang mga luha ko.

Sana lang makaya ko pa din yung kahit wala siya sa tabi ko basta para sa anak namin. Bakit ba kasi kailangan iwan niya ko? Di niya ba ko kaya alagaan? Kami ng anak ko?? Patuloy pa rin yung luha ko na parang di nauubos.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako at hapon na. Bigla ko kinabahan ayoko kasi maabutan niya ko dito. Paalis na ako ng makita ko siya. Napakunot yung noo niya ng makita niya ko maya maya nagmamadali siyang niyakap ako.

"Miss na kita sweetheart" naiiyak na sabi niya.

Muli na naman akong napaiyak sa sinabi niya. Agad niya ko inakay papasok sa loob ng inuupahan namin.

"Anong ginagawa mo dito?" naka kunot noong tanong niya sakin.

"Wag ka mag alala aalis na din naman ako" nasabi ko na lang.

"Hmmm di ko pala kaya, sweetheart na wala ka" sabi niya pa.

Kahit ako naman eh di ko din kaya pero ginusto niya ito.

"Kakayanin ko na wala ka" naiiyak na sabi ko.

At saka ako tumayo pero di naman niya ako pinakawalan.

"Di ka na babalik sa inyo kakayanin natin tong dalawa" sabi niya saka niya ko hinalikan.

******************************hahahaha sobrang nalaglag luha ko habang sinusulat ito.

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon