CHAPTER 36

15 3 0
                                    

Kasama ko si Ate Tine andito kami ngayon sa trabaho ni Jandy, by the way isa siya sa taga linis ng mga sasakyan dito sa petron.

"Sinong hinahanap niyo?" tanong ng isang lalaki samin.

"Andyan ba si Jandy??? Andito kasi yung asawa niyang maganda pasabi na lang salamat" sabi pa ni Ate Tine.

Ngumiti naman sakin yung lalaki tapos nilapitan ako.

"Ikaw may asawa ka na ba?" tanong sakin.

Napakunot yung noo ko.

"Hoy Mike! Nadiskarte ka na naman dyan, sino ba mga yan mga babae mo?" natatawang sabi nung isa pang lalaki.

I think katrabaho toh' lahat ni Jandy same kasi sila ng uniform.

"Sira kay Jandy, asawa niya raw eh hinahanap nila" sabi pa nung Mike.

At saka kami iniwan. Ilang oras lang lumabas na si Jandy, nakasunod din yung Mike na nakangiti pa din sakin.

Sinalubong naman ako ni Jandy.

"Teka lang Sweetheart ah?" paalam ni Jandy.

"Ikaw yung asawa ni Jandy?" tanong nung Mike.

"Oo, ako nga bakit sino ba akala mo?" masungit na tanong ko.

Natatawa naman si Ate Tine.

"Akala mo ako no? Naku, ikaw ah" natatawa pa ding sabi ni Ate Tine.

Bumalik naman si Jandy at nagtataka siya kung bakit kausap namin yung kasama niya sa trabaho.

"Bakit? May problema ba?" tanong niya.

"Wala naman, hindi ko alam na ang sungit ng asawa mo hehe saka akala ko siya yung asawa mo" sabi nung Mike at tinuro si Ate Tine.

"Hindi no, eto yung asawa ko si Lyn, ang ganda noh hahaha tara na sweetheart" saka niya ko hinawakan sa kamay ko.

Lahat napapatingin saming dalawa, may problema kaya sila???

Paglabas ni Jandy sa opisina nila.

"Sweetheart, eto pampa laboratory mo, ok na siguro yan" sabi niya.

"Ahm, itutuloy ko pa ba mag pa lab? Kinakabahan ako eh" sabi ko.

Ramdam ko na yung bilis ng tibok ng puso ko.

"Kahit ano pa maging result ng test wag kang kabahan andito ko" nakangiting sabi niya at saka niya ko niyakap.

"Hoy Jandy tama na yan" sabi pa ni Mike.

"Sige, babalik na ako sa trabaho ko" sabi pa niya.

Tumango na lang ako at saka kami umalis ni Ate tine at sinamahan niya ako magpa lab.

Kinuhaan ako ng dugo. At sobra sobra ang kaba ko.

"Relax ok?" sabi nung kumukuha ng test sakin.

Pinaghintay ako ng mga result ng lab ko para sa ihi at dugo ko.

Nang makuha ko na yun niyaya ko na umuwi si  Ate Tine. Tinago ko na muna yun at niyaya niya ako sa labas.

Pagbaba namin may dalawang matandang mag asawa ang nandun nakatira sa tabi ng hagdan namin.

"Bagong lipat kayo dyan?" tanong ni Manang sakin.

"Ay opo" sagot ko.

"Hoy Tine! Inuman tayo sino naman yang kasama mo?" tanong nung isang babae sa kabilang pinto.

"Andyan si Sandra? Ah si Lyn to yung bagong pinaupa ng Nanay mo dun sa dulong kwarto sa taas sila ng asawa niya" sabi ni Tine.

"Oo, sige tara kayo dito" sabi niya pa.

"Ah Lyn pala pangalan mo" sabi naman ni Manang sakin.

Ngumiti na lang ako at saka ako hinila ni Ate Tine sa kabilang bahay.

"Hoy Tine, ipakilala mo naman kami sa bago mong kaibigan" sabi nung isang babae.

Well, tatlo silang babae tas may isang lalaki at isang batang babae at isang batang lalaki.

"Eto si Lyn, Lyn si Rhea tas si Sandra at si Ghie tas yung lalaki asawa ni Rhea si Kuya John mo at eto mga anak nila" sabi ni Ate Tine.

"Ah, hello po mga Ate at Kuya" bati ko.

"Inom ka" alok ni Ate Sandra sakin.

"Ay hindi siya pwede buntis kasi siya" sabi ni Ate Tine sa kanila.

"Oh, akala ko bata ka pa lan taon ka na ba?" gulat na tanong ni Ate Rhea.

"20 na ako" sagot ko naman.

"Ah, mukha ka lang bata hindi kasi halata na 20 ka na" natatawang sabi ni Ate Ghie.

Maghahapon na pero eto at nag iinuman pa din sila wala lang naman ako magawa, kaya nakikitambay lang ako sa kanila saka komportable na din naman ako eh.

Hindi ko na nga namalayan yung pagdating ni Jandy.

"Lyn" narinig ko pang tawag niya.

Kinabahan ako saka ako tumayo na at nagpaalam na sa kanila.

"Asawa mo un?" tanong ni Ate Ghie.

"Papasukin mo muna para makilala namin" sabi ni Kuya John.

Lumabas na ako at nakita ko siya naka uniform pa.

"Kanina pa ko sa taas buti na lang nakita ko si Manang sabi niya andito ka" sabi ni Jandy sakin.

"Ah, siya yung asawa mo Lyn?" tanong ni Kuya John.

"Sino siya?" tanong ni Jandy.

"Jandy, si John pala asawa nito ni Rhea tas si Sandra at Ghie mga kaibigan ko" sabi ni Ate Tine.

"Hoy Tine! Nasa inuman ka na naman" galit na sigaw nung asawa niya.

Napatingin kami ni Jandy sa asawa ni Ate Tine. Tapos hinila na ako ni Jandy para umakyat na sa taas pinauna niya ako umakyat at nakasunod lang siya sakin.

Pagdating namin sa loob.

"Hindi pa pala ako nakapag saing sorry" nasabi ko lang sa kanya.

"Hayaan muna, tara bumili na lang tayo o kaya sa canteen na tayo kumain" sabi niya.

"Galit ka ba sakin?" tanong ko.

Tinignan niya ako. Tapos hinaplos niya yung pisngi ko.

"Hindi ako magagalit sayo kahit kailan kahit saktan mo pa ako at gusto mo man akong iwan tandaan mo yan mamahalin kita kahit di mo na ako mahal" sabi niya pa.

"Huh??? Isa lang tinanong ko ang dami mo ng sinabi" kunot noong sabi ko.

Pumunta na nga kami sa canteen at dun na kami kumain.

Pagkatapos nun umuwi na kami at saka ko pinakita sa kanya yung result na hindi niya rin na gets

...
Kinabukasan naisip ko na maglaba kaso naman wala pala kong tubig hahaha...

Kaya ayun nag igib na lang ako... Nakita naman ako ni Manong.

"Ikaw magbubuhat niyan?" tanong niya.

"Opo" sagot ko.

"Ay naku ako na magbubuhat nean" sabi pa niya.

At saka niya binuhat yung dalawang timba. Sumunod na rin ako kay Manong nahihiya ako.

Pagkatapos naglaba na ako.

"Neng pag mag lalaba ka si Tatay Jim muna ang pag igibin mo sabi pa naman ng kaibigan mo buntis ka" sabi ni Manang na nakangiti sakin.

"Ah, wala po akong pambayad eh" nahihiyang sabi ko.

"Naku kahit sampu lang ibayad mo sa kanya" sabi pa ni Manang.

Napangiti na lang ako at naligo na ako.

Nag asikaso lang ako sa bahay namin.

############################

Maswerte lang ako na madaming tumulong sakin nun ;)

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon