CHAPTER 33

17 5 0
                                    

Nagising ako kinabukasan, naramdaman kong parang wala ata akong damit??? At saka bakit parang may nakayakap sakin. Ano bang nangyari?

Flashback...

"Lyn, mahal na mahal kita masaya ako na magkasama na tayo ngayon akala ko tuluyan ka ng mawawala sakin" nakangiting sabi ni Jandy.

"Magpasalamat ka Kay Jonna, isa pa nasasayangan lang ako sa down mo kasalanan ko naman toh eh, kaya andito ako ngayon" sabi ko sa kanya.

Saka niya ako hinalikan...

Kung ganoon??? At saka ko nilingon yung katabi ko. Napatingin din ako sa may bubong na may butas. Maliwanag na.

Agad kong kinapa yung cp ko at nakita kong 5:30 na ang alam ko may pasok si Jandy ngayon.

"Jandy, gumising ka na dyan"

Niyakap lang ako nito ng mahigpit kaso inalis ko yung mga kamay niya at saka ko hinanap yung mga damit ko. Peste naman oh, bakit ba ako natulog ng nakahubad? Nilalamig ako eh.

Agad akong nagbihis at pagkatapos nag asikaso ako mag init ng tubig.

Tumabi ulit ako kay Jandy.

"Uy, gumising ka na may pasok ka pa" sabi ko.

Kaso di niya ko pinapansin napansin ko yung ilong niya at ewan ko kung ano sumapi sakin napangisi ako. At saka ko kinagat yung ilong niya.

"Aray!" sigaw ni Jandy at para di mabulahaw yung mga katabing kwarto namin hinalikan ko si Jandy.

Natahimik naman siya at saka feel na feel niya yung halik ko. Agad kong nilayo yung labi ko sa kanya.

"Buti gising ka na kainis ka kanina pa kita dyan ginigising eh" nakasimangot na sabi ko at saka ako umupo.

Bumangon na rin ito at saka niya ako niyakap.

"I love you Miss beautiful na asawa ko ang ganda mo talaga kaso, nakakainis ang sakit ng ilong ko" sabi nito.

"Nagrereklamo ka ba?" masungit na tanong ko.

"Hindi ah, kaw talaga sweetheart teka kumukulo na pala yung tubig may kape na ba tayo?" tanong niya pa.

"Malamang wala," sabi ko at napairap ako sa kanya.

Tumayo ito na walang pakialam kung nakahubad man siya.

"Try mo magbihis di ba? Panay model ka sa harap ko ng nakahubad talaga? My goodness di ka nahihiya?" namumulang sabi ko saka ko iniwas yung mata ko sa kanya.

"Asus, ang init ng ulo oh, aga aga may topak ka agad?" nakangising sabi pa nito at saka ito nagbihis sa harap ko.

"Bibili lang ako ng almusal" sabi nito.

Di ko na lang siya pinansin at saka ito umalis.

Napabuntong hininga ako. Ang weird ko na talaga bakit ba ako ganito? Sabagay ganito na pala ako moody.

Maya maya andyan na agad si Jandy naramdaman ko yung pagbilis ng puso ko. And i really feel something weird again.

"Ahm,"

Tumingin sakin si Jandy at saka nito binigay sakin yung tinimpla niyang kape.

"Isasama kita ngayon sa trabaho ko para alam mo kung saan ako nagtatrabaho, pwede mo kong puntahan dun pag wala kang magawa dito" sabi niya pa.

Tsk... Ano feeling naman niya sakin? Bodyguard? Kapal naman niya.

"Oh bakit ganyan itsura mo?" takang tanong ni Jandy sakin.

"Wala, ayoko nitong kape" sabi ko.

Tumabi lang siya sakin.

"Galit ka ba sakin?" tanong niya saka niya ako nilingon.

Lumuhod ako sa harap niya at saka ko siya tinignan sa mga mata niya. Natutuwa talaga ako sa kulay ng mata niya dark brown kasi eh.

"May problema ka ba?" tanong pa niya.

"Ahm... gusto ko sana..." di ko alam paano sasabihin sa kanya yung gusto ko.

Sa totoo lang, di ko alam bakit gusto ko talaga itong gawin sa kanya.

"Ano ba yun? Ano yung gusto mo kahit ano sabihin mo gagawin ko basta para sayo i love you sweetheart" nakangiting sabi nito at kumindat pa sakin.

"Talaga? Pwede ko gawin sayo?" nakangiti na ko sa kanya.

"Ang alin ba yun?" tanong niya ulit.

At saka ko siya kinagat sa ilong pero saglit lang at binitawan ko na rin.

"Aray ko! Grabe bakit mo ba kinakagat yung ilong ko?" inis na namang sabi niya.

Lumayo ako sa kanya, at saka ako napaiyak. Pero bigla naman niya akong niyakap.

"Sorry na sweetheart ikaw naman kasi eh, ano ba yan bakit kinakagat mo ilong ko?" tanong pa niya habang pinupunasan niya yung luha ko.

Kahit nga din ako di ko maintindihan eh tas itatanong pa niya sakin.

"Ang laki ng ilong mo eh, tsk sorry ulit" umiiyak pa rin ako.

"Maligo ka na sige" sabi ko sa kanya.

At saka ko inalis yung kamay niya sa katawan ko. Tinitignan lang niya ako.

"Maliligo ka o kakagatin ko ulit ilong mo mamili ka?" inis na sabi ko sa kanya.

"Ah maliligo na ikaw talaga oh, high blood masyado" sabi nito at saka ko binigay sa kanya yung tuwalya at bumaba na ito.

Samantalang ako naman hinanda ko na yung damit na isusuot ni Jandy at nag ayos na rin ako ng kwarto.

Oo, kwarto lang siya di kasi siya mukhang bahay eh.

Ilang sandali lang nandito na si Jandy at inabot ko na sa kanya yung damit niya.

Pagkatapos, nag ayos lang ako ng sarili ko at bumaba na kaming dalawa sa kwarto namin.

Naglalakad lang kami at tinatandaan ko yung mga lugar na dinadaanan namin.

Pagdating namin sa petron. Wala pa naman pala yung mga kasama niya.

"So, alam mo na dito?" tanong niya.

"Malamang uuwi na ako akina yung susi" sabi ko.

Binigay naman niya sakin at saka niya ako hinalikan.

"Mag ingat ka pag uwi ah, saka mag lock ka dun ng pinto naintindihan mo?" bilin pa ni Jandy sakin.

"Oo na sige" sabi ko at saka ko siya iniwan dun.

Nakakainis, naiilang ako maglakad mag isa eh. Di bale na nga pagbalik ko sa kwarto namin nakaramdam ako ng antok kaya natulog na lang ako.

Hindi ko na namalayan pa yung oras, nagising na lang ako ng marinig ko yung boses ni Jandy.

"Lyn,!" narinig kong tawag niya sa labas.

"Wait nga lang" sabi ko at saka ko binuksan yung pinto.

Napansin niya sigurong kakagising ko lang.

"Ang aga mo atang umuwi?" takang tanong ko.

"Maaga? Eh tanghali na kaya, umuwi lang ako para sabay tayong kumain" sabi niya.

Huh??? Tanghali na??? Tapos wala pa akong sinaing??? Tsk...

Ano ba nangyayari sakin???

******************************

Yah, ang hirap maglihi its a weird crazy feeling.

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon