CHAPTER 20

15 4 0
                                    

LUMAYO KA MAN SA AKIN

Lumayo ka man sa akin,
At ako'y iyong limutin
Masakit man sa damdamin
Pilit pa ring titiisin

Mga sandaling ligaya
Kung ikaw ang syang kasama
Sana'y di na matapos pa
Sana maulit pa muli mahal ko

Pagkat saan ka man naroroon
Dinggin ang puso ko'y para sa'yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa'yo giliw

Limutin man kita'y di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag ibig ko sayo'y laging kasama

Mga sandaling ligaya
Kung ikaw ang siyang kasama
Sana'y di na matapos pa
Wala ng nais pang iba

Sa gabi naaalala
Nalulumbay kapag wala ka
Sana ay di na matapos pa
Sana maulit pang muli mahal ko

Pagkat saan ka man naroon
Dinggin ang puso ko'y para sa'yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa'yo giliw

Limutin man kita'y di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag ibig ko sa'yo laging kasama

Tuluyan mang tayo'y di magkita
Umaasa pa rin ako sinta
Pagkat mahal kita manalig ka
Walang katulad mo sa buhay ko

Ikaw lamang ngayon, bukas, kailanman
Naririto ako asahan mo
Ang pag ibig ko Sa'yo laging kasama

Nakakainis lang bakit ba napaka seloso siya.

Akala ba niya natutuwa din ako sa kanya??? Pwes! Hindi hmp. Hindi ko pa rin siya iniimik hanggang makarating kami sa cubao.

Kung galit siya paki ko, mga kaibigan ko lang naman yun ano bang masama dun.

"Hindi ka uuwi!" sabi ni Jandy sakin.

At saka niya pinigilan yung kamay ko.

"Ano bang problema mo?" inis ding tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga ito pagkatapos naghanap ito ng isang bakanteng upuan. Andito na kami sa farmers sa may foodcourt.

Pagkaupo namin, hindi pa rin niya binibitawan yung kamay ko.

"Nasasaktan ako sa ginagawa mo, ano bang mali sakin bakit kailangan mo pa makipag kita sa mga kaibigan mo? Kulang pa ba ko?" malungkot na sabi ni Jandy sakin.

"Wag mo nga kong dramahan dyan anu ba sinasabi mo?" tanong ko pa.

"Ilang beses na kayo nagkikita ng mga yan? At ilang beses ka na ba sumasama sa mga classmate mo" tanong nito.

Natahimik lang ako. Ano bang problema niya??? -_-

"Bakit ayaw mo kong sagutin? Niloloko mo ba ko talaga Lyn?" sabi pa ni Jandy.

Nagsisikip lang yung dibdib ko eh, kaya ayoko sya tignan hindi ko alam bakit ngayon naaawa ko sa kanya. Para kong maiiyak kaso, ayaw ko umiyak sa harap niya.

"Sorry" nasabi ko lang.

Niyakap niya lang ako.

"Sorry sweetheart di naman ako galit sa'yo ok? I love you mahal na mahal kita ok? Kaya ayaw ko na may aagaw sa'yo, gusto ko akin ka lang" sabi pa niya.

Hinagod ko lang yung likod niya. Di ko nga alam anu dapat ko gawin eh.

Humiwalay ako kay Jandy, at saka nito hinaplos yung mukha ko.

Pero lumagpas yung tingin ko sa likod niya at nakakita ko ng sexy kaya napangiti ako.

Kumunot naman yung noo ni Jandy at nilingon nito yung tinitignan ko.

"Ang sexy niya noh? Alam mo ganyan yung mga bagay sa'yo" nakangiting sabi ko.

Bigla naman akong hinalikan ni Jandy sa labi ko at nanlaki mata ko, kahit tinutulak ko siya hindi niya hinayaang makawala ako.

Kaya lalo ko kinabahan, namumula na rin ako at nahihiya. Saka ako pinakawalan ni Jandy ng maramdaman kong mauubusan na ko ng hangin.

"Gago ka ba? Tsk, papatayin mo ba ko?" inis na sabi ko.

At sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti lang siya saka niya ko niyakap ng mahigpit.

"Ikaw lang ang sexy at maganda para sakin ikaw lang ang bagay sakin walang ibang babae ang babagay sakin kundi IKAW at walang lalaking babagay sa'yo kundi AKO lang naintindihan mo ba?" bulong nito habang nakayakap sakin.

Nakaramdam ako ng iba sa sinabi niya. Ang seryoso niya ngayon may ano kaya???

"Uuwi na ko,gabi na Jandy baka pagalitan na ko eh" sabi ko pa.

"Sa sat. magkikita ba tayo?" tanong nito.

Naglalakad na rin kami pauwi.

"Wag muna" sagot ko.

"So pupunta ka talaga doon sa lintik na seminar na iyon" inis na namang sabi nito.

"Hindi na kung ayaw mo manahimik na lang dyan" sabi ko.

At saka ito nanahimik.

----

Saturday...

Alas singko pa lang naligo na ako, siyempre maaga calltime namin sa school 6am kasi dapat andun na sa school.

After ko mag ayos pati ng mga gamit ko, agad akong umalis. Sino nagbayad ng pang seminar ko??? Binigyan ako ng tita ko ^_^

Nakarating agad ako sa school. Medyo napaaga pala ko, wala naman kasing traffic eh. Kinuha ko yung phone ko. Nakita ko na may text agad si Jandy sakin.

Jandy

Good morning sweetheart andito na ko sa work ko bukas magkita tayo ah? Love you mwah

To Jandy

Good morning din po, geh ingat sa work...

At saka ko tinago yung phone ko nakita kong nagsisidatingan na rin mga classmate ko. Ilang oras lang hinintay na lang namin yung bus.

"Ok na ba lahat?" tanong ni Sir.

Umupo na ako sa may tabi ng  bintana.

"May katabi kana dito?" tanong nung isang classmate ko na girl.

Sino nga ba toh?

"Ah wala naman" sabi ko.

At saka ito umupo sa tabi ko.

Pinagmamasdan ko lang yung paligid. Sana naman maintindihan ni Jandy na kailangan ko toh'.

"Gusto mo?" alok niya sakin.

Nilingon ko lang siya, saka ako ngumiti at umiling.

"Gaano pa katagal yung biyahe natin?" tanong niya pa.

"Di ko din alam eh" sabi ko.

At saka ko lumingon sa labas.

Nasa may Antipolo na rin pala kami.

Maya-maya nag stop yung bus namin. Bumaba muna yung iba, ako naman tinignan lang yung paligid.

"Sir, di raw tayo nag pa reserve eh, hanap na lang tayo ng iba" sabi nila Shai.

Ilang oras lang. Pinababa na rin kami.

D'COMPOUND RESORT

Hmm... ok, andito kami sa D' compound??? Tanghale na rin naman kaya, excited na yung iba kumain.

Nang ok na lahat, nagpunta na kmi sa rooms namin.

"Girls, sama-sama raw tayo dito sa kwarto" sabi ni Shai.

Binaba ko na rin gamit ko. Pagkatapos, lumabas ako para maglibot sa resort.

Papunta na sana ako sa baba kung saan andun yung 7th ft. Kaso tinawag pa ko.

"Kain muna tayo Lyn" sabi nila Sir.

Bumalik ako. At saka ko pumunta sa loob ng rooms at kinuha sa bag ko yung baon ko.

§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§

Yan yung di ko siya sinunod then nagkasakit pa ako :) hahaha

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon