Pangatlong araw na namin magkasama ngayon ni Jandy at ang nakakatuwa na nakakainis eh, minsan naiinis na siya sakin.
Katulad ngayon, naguguluhan na naman siya sa kinikilos ko. Pero tinawag siya ng kapitbahay namin. Narinig ko yung pinag uusapan nila.
"Yang asawa mo buntis ano? Ang tindi eh kahit sobrang init dito sa kwarto niyo lalo pag tanghali tulog lang eh parang di nakakaramdam ng init sa katawan" sabi niya pa.
"Ah, di ko rin po alam eh" sabi naman ni Jandy saka ito pumasok sa kwarto namin.
"Sweetheart, buntis ka nga ba?" excited na tanong nito.
Sa tatlong araw na namin magkasama siyempre laging may nangyayari at ang malupit lang dun di na siya nag cocontrol. Posible nga kaya???
"Bah, malay ko" sabi ko na lang.
"Tara na nga kumain na lang tayo init na naman ng ulo eh" sabi naman ni Jandy sakin at ito na ang nag asikaso sakin.
Pagkatapos namin kumain at pagkatapos hugasan ni Jandy yung mga plato, umalis na ito.
Takte, ano bang silbi ko dito? Lagi akong inaantok ayoko ng ganito. Kaya lang di ko mapigilan eto na naman ako, inaantok at gusto ko ulit matulog.
Humiga na lang ulit ako. Patulog na sana ako ng makarinig ako ng katok.
Agad kong binuksan yung pinto baka bumalik kasi si Jandy eh, pero hindi si Jandy yung nakita ko kundi yung kapit bahay namin.
"Uy, lumabas ka naman dyan di ka ba naiinitan dyan?" tanong niya sakin.
Bigla akong nahiya, hindi ko naman kasi sila kilala saka never ako nakipag usap sa hindi ko talaga kilala.
"Tara sa labas, sumama ka sakin" sabi niya pa.
"Ah, sige dito na lang po ako medyo inaantok po kasi ako" sabi ko.
"Buntis ka no kaya ka inaantok?" sabi niya pa.
"Po? Hindi po" sagot ko.
"Teka, ano palang name mo?" tanong niya pa.
"Ah Lyn po" sabi ko.
Tinignan ko siya. Eh siya nga itong buntis.
"Ako nga pla si Tine" nakangiting sabi niya.
"Yung asawa mo yung kasama mo no? Ano pangalan nun?" tanong pa niya.
"Jandy po" sagot ko.
"Tara na, ang init kaya dito" sabi niya pa.
Napabuntong hininga na lang ako ang kulit niya kaya ayun sumama na rin ako sa kanya.
Nasa labas na kami, pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya dun. Pagkatapos niyaya niya akong mag mall.
"Tingin ko dapat mag pa check up ka" sabi niya pa sakin.
"Bakit po? Wala naman po akong sakit" sabi ko.
"Para malaman niyo kung buntis ka o hindi" sabi niya pa.
Bumilis yung pintig ng puso ko. Buntis nga ba ako?
"Hindi naman siguro ako buntis wala naman akong nararamdamang kakaiba eh" sabi ko pa.
Nagkibit balikat lang ito. Napadaan kami sa may goldilocks at natakam ako sa amoy nung cake.
Nakita ko yung brown chocolate cake. Kaso wala naman akong pera.
"Tara na po, anong oras na din baka dumating na asawa ko" yaya ko kay Ate Tine.
Pagka uwi namin nag asikaso na ako sa bahay, tinulungan ako ni Ate Tine. Para daw mapadali yung pag kilos ko.
Pumunta ko sa kwarto nila at andun na yung asawa niya ipinakilala niya ako sa asawa niya.
"Lyn, magtago ka bilis! Andyan na asawa mo" napakunot yung noo ko.
Bakit naman ako magtatago pero di pa ako nakakagalaw nakita na ako ni Jandy.
Sa mukha niya, halatang nagulat siya kung bakit nandito ako sa kapit bahay.
"Ah, Ate Tine salamat sige po" paalam ko at saka ko siya sinalubong ng yakap.
Hinalikan naman niya ako tapos pumasok na kami sa loob ng kwarto namin.
"Kamusta yung maghapon mo dito?" tanong pa ni Jandy sakin.
"Ayos lang" sagot ko.
"Jandy pangalan mo di ba? Ipa check up mo yang asawa mo" sabi ni Ate Tine.
Napatingin kami sa kanya.
"Basta bukas bigyan mo siya ng pampa check up wag mong kalimutan ako ng bahalang mag sama sa asawa mo" sabi pa ni Ate Tine.
Saka ito umalis.
"Bakit ka daw mag papa check up may nangyari ba sayo? May masakit sayo? Sabihin mo sakin" nag aalalang tanong ni Jandy sakin.
O.A di ba??? Hahaha
"Wala akong sakit, ang sabi niya mukhang buntis daw ako pero hindi naman siguro" sabi ko pa.
"Ah... Akala ko may sakit ka na" at saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Grabe ka na, makayakap kala mo mamamatay ako tsk, nagugutom na ako gusto ko ng chocolate cake sa goldilocks" sabi ko pa.
"Oh, tara bili tayong pagkain" saka niya ako hinila patayo.
"Teka, magbihis ka muna" sabi ko at kinuhaan ko siya ng damit.
Yung totoo??? Damit ni Jandy lahat gamit ko. Hahaha wala kasi akong damit pero buti binili ako ni Jandy ng mga undies ko at bra.
"Ano gusto mong ulam?" tanong niya.
"Ayoko gusto ko ng chocolate sa goldilocks" nakasimangot na sabi ko.
"Anong chocolate? Tumigil ka dyan, kakain tayong kanin" at saka ito bumili ng ulam.
Nagsaing na naman ako eh kaya ulam na lang problema niya.
Pagdating namin sa bahay di ko siya iniimik. Naiinis ako eh, ayoko kaya nun.
"Sweetheart, bukas na lang yung chocolate cake ok? Kain na tayo" sabi niya.
Napa buntong hininga ako tas kumain na din ako kasabay siya kaso...
"Ayaw ko walang lasa naman yan" sabi ko.
Tas hindi ko na lang siya pinansin. Ewan ko ba naiinis talaga ako sa kanya.
Nakita kong tapos na siyang kumain at pati yung natira ko siya din kumain.
Naglatag na lang ako at saka ko humiga.
Tumabi naman siya sakin at niyakap niya ako.
"I love you sweetheart goodnight sweet dreams sana bukas wala na yang topak mo" sabi niya at saka niya ako hinalikan.
Siyempre... Alam na kasunod (SPG) HAHAHA...
***
KINABUKASAN...Binigyan nga ako ni Jandy ng pam pa check up tulad ng sinabi ni Ate Tine at andito kami ngayon ni Ate Tine sa Center ng malabon.
Kinakabahan ako. Lalo na di ko alam kung buntis ba ako o hindi. Nang tawagin na ang pangalan ko lumapit ako at ang dami nilang tinanong.
Pagkatapos ang daming pinakukuhang test kailangan daw ito bukas.
Actually di ko siya maintindihan ewan ko ba.
"Sabi ko na buntis ka nga talaga" nakangiting sabi ni Ate Tine sakin.
Huh??? Ako??? O_0 buntis???
******************************
Yah, hindi kasi ako nag pregnancy test kit kaya hindi ko agad yun nalaman hahaha...
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
General FictionIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^