CHAPTER 19

15 3 0
                                    

Beautiful Girl

Beautiful girl, wherever you are
I know when I saw you,
You had open the door
I knew that I'd love again after a long long while I'd love again

You said "Hello" then I turned to go,
But something in your eyes left my heart beating so
I just knew that I'd love again after a long long while I'd love again

It was DESTINY's game for when LOVE finally came on I rushed in line only to FIND that you were GONE

Whenever you are I fear that I might have lost you Forever like a song in the night now that I've love again after a long long while I've love again

Beautiful Girl I search on for you till all of your LOVELINESS in my arms come true you've made me LOVE again after a long long while in love again and I'm glad that it's you.... hmmm BEAUTIFUL GIRL

Nandito na kami sa Kuya niya, at kahit nahihiya ako tinitiis ko lang alang alang kay Jandy.

"San naman kayo nagkakilala?" tanong nung asawa ng Kuya niya.

Wala pala kuya niya, sabi nag over time daw.

"Ah, sa cp po" sagot ko.

"Sa pasay" sagot naman ni Jandy.

Oh, ok akward -_-

"San ba talaga???" tanong nung pamangkin niyang si Hannah.

"Sa pasay" ako

"Sa cp" siya

-_- ok kinakabahan ako, pero di ko alam bakit pati siya??? Eh pamilya niya naman ito.

"Kasi nagka textmate kami, tas nag meet kami sa pasay kilala sya ni Ate Thalia" sabi ni Jandy.

Napa buntong hininga lang ako.

"Ah, buti nagustuhan mo tong tito namin" nakangiting sabi naman ni Jannah.

"Ahm... oo mabait naman siya" nahihiyang sabi ko.

"Ah, mabait talaga yan si bibi" sabi nung hipag niya.

"Teka, kumain na ba kayo?" tanong nung pamangkin niyang si Hannah.

"Ah, hindi pa nga eh" sagot ni Jandy.

"Oh, tara na Tito sama mo na yung girlfriend mo kain na kayo" sabi pa ni Hannah.

"Asawa ko na yan" sabi pa ni Jandy.

"Aba, alam na ba nila Nanay na mag aasawa ka na?" tanong muli ni Ate Merly.

"Hindi pa, pero ipapakilala ko na rin naman siya kina Nanay" sabi ni Jandy.

Kinabahan ako, seryoso ba siya? Kailangan ko siya kausapin mamaya.

Nakatapos na kami kumain, at niyaya niya ko gumala. Dinala niya ko sa MC mall.

"Bakit mo sinabing asawa mo ko?" tanong ko agad.

"Ayaw mo ba?" balik-tanong nito sakin.

"Intindihin mo bata pa ako, nag aaral pa ko di pa ko nakakatulong kina Mama" naiinis na sabi ko.

"So, ayaw mo nga sakin? Ayaw mo ko mapangasawa?" tanong ulit nito.

Pinagmasdan ko lang siya.

"Hindi sa ayaw ko sa'yo, pero hindi naman natin kailangan magmadali di ba???" nasabi ko na lang.

"Wag mo na nga muna yan isipin matagal pa naman kita mapapakilala eh" sabi niya saka niya ako hinawakan sa kamay.

"Nga pala sasama ko sa seminar para maka graduate ako" sabi ko.

"Anong seminar?" tanong nito.

"Sa school yun, kailangan namin mag seminar eh 1day at 1night yun" sabi ko.

"Huh??? Dun ka matutulog? Sino kasama mo?" tanong nito.

"Malamang dun matutulog 1night nga di ba??? Di yung mga classmate ko tas sila sir" sabi ko.

"Tsk, ayoko hindi pwede!" inis na sabi nito.

"Ha? Bakit?" takang tanong ko.

"Baka kung ano mangyari dun, ayoko mamaya may gumalaw sayo dun eh" sabi pa nito.

Napakunot yung noo ko.

"Anong gumalaw? Grabe ka naman, kailangan ko yun para maka graduate ako noh bahala ka nga dyan!" inis na sabi ko.

Saka ko siya iniwan at nagpunta na lang sa arcade. Ang kitid ng utak niya di niya maintindihan, kelangan ko yun buti naman sana kung lalandi lang ako dun.

"Sweetheart, sorry na" sabi ni Jandy.

Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya.

Napa buntong hininga ko.

"Uuwi na ako, pagod na ko eh" sabi ko.

At saka ko nauna maglakad.

"Inaalala lang naman kita paano kung ano mangyari sa'yo dun?" sabi pa niya.

"Tingin mo anu ba mangyayari sakin dun?" sabi ko sa kanya.

"Basta! Wag matigas ulo mo" sabi pa rin niya.

"Tsk, oo na bahala ka dyan" sabi ko na lang.

Nakarating na kami sa sakayan ng bus papuntang cubao.

"Wag muna ko hatid kaya ko naman mag isa baka wala ka ng pamasahe eh" sabi ko.

At saka ko siya iniwan dun. At nauna na ako sumakay, pero nagulat ako ng tumabi siya sakin.

"Dinala kita dito, kaya ihahatid kita pauwi sa inyo I love you Sweetheart" sabi nito. At saka ako nito hinalikan sa labi ko.

"Ayan ha? Di na ako nahihiyang halikan ka sa madaming tao, ibig sabihin mahal talaga kita at proud ako bilang bf mo ok, magiging asawa pala" nakangising sabi nito.

Hinampas ko naman siya sa balikat niya. Peste nambibigla kasi siya.

Namumulang nagyuko lang ako ng ulo ko. Narinig ko lang siyang tumatawa.

"Ang cute mo talaga mag blush sweetheart" natatawa pa ring sabi niya.

"Tigilan mo nga ko" inis na sabi ko.

At dahil wala ko magawa, kinuha ko na lang yung phone ko.

Pagka tingin ko ang dami kong msg. kaya agad kong nilayo kay Jandy yung phone ko, kaso naman napansin niya agad yung cp ko. At inagaw niya yun sa kamay ko.

Tinignan ko lang din yung mga msg. na nasa phone ko na binabasa niya.

"Ah, magkikita daw ba kayo nung best Rhostum mo? Magpakita ka raw oh" sabi ni Jandy.

"Oh, may bHest Kwak Pa wow, kailan ka daw niya makikita?" sabi ulit ni Jandy.

"Oh eto naman yung classmate mo sama daw kayo sa bahay nila, inuman daw ulit" sabi pa din ni Jandy.

Inagaw ko na naman sa kanya yung phone ko.

"So? Nakikipag kita ka sa mga yan???" seryosong tanong nito.

Napalunok lang ako. Hindi ko na kasi alam yung isasagot ko.

"Ano? Bakit di ka makapag salita dyan? Ano bang tingin mo sa relasyon natin ha? Sabihin mo nga sakin? Mahal mo nga ba ako?" sabi pa din nito.

"Ahm, Jandy mga friend ko lang naman sila bawal ba na makita ko mga kaibigan ko?" sabi ko naman.

"OO! Bawal ayokong makikipag kita ka sa kahit na sinong lalaki! Hindi ako natutuwa sa ginawa mo!" galit na sabi nito.

Hindi ko na lang siya pinansin, at saka ako bumaba na ng bus.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Well, eto yung moments na kahit magkaaway kami siya pa din yung nag sorry sakin :)

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon