CHAPTER 32

19 5 0
                                    

Pintig Ng Puso

Paano sasabihin ang nadarama?
Araw gabi ikaw,
Ang hinahanap at tinatawag ng puso,
Naririnig mo ba?

Pikit at sa pagmulat ng mga mata
Ikaw ang nakikita
Ang mga ngiti at titig mo kung bakit
Sa puso'y umaakit

Batid kong Mahal Kita
Ngunit takot naman ang puso ko
Baka masaktan lang sa tulad mo
Kung magmahal sayo
Sana bawat pagmasdan mo'y ako
Habang buhay ang pinipintig ng puso mo'y ako

Dalawang linggo ko ng iniiwisan si Jandy. Sobrang weird ko na naman this past few weeks pabago bago ako ng mood.

Katulad ngayon, sobrang init ng ulo ko. At ngayon eto inaaway ko pa yung alaga ko.

"Makaalis na nga dito! Alagaan mo yang sarili mo at yang kapatid mo!" inis na sabi ko.

Nakita ako ni Mama na palabas ng bahay ng kapit bahay namin.

"Anong problema?" tanong ni Mama.

"Ayoko dito matulog bahala sila jan" inis na sabi ko.

At saka ako pumunta sa bahay ng lola ko.

Umiyak ako ng umiyak. Grabe parang hindi nauubos yung luha ko.

"Lyn, bata yun" narinig ko si Mama.

Nilingon ko lang siya.

"Lagi naman ganun bata yun? Kahit siya yung nakakasakit kailangan ako pa yung magpasensya?" galit na sabi ko.

Habang patuloy ako sa pag iyak. Hinaplos ni Mama yung likod ko. Sobra sobra na kasi yung pag iyak ko. Ngayon na lang niya ako nakitang umiyak ng ganito.

Aaminin ko, hindi naman ako close sa family ko, at never ako nagpakita ng ibang emosyon sa kanila. Iisang emosyon ko lang ang lagi kong pinapakita yun ay ang lagi lang akong masaya at walang problema.

Alam kong childish na itong ginagawa ko ngayon, pero di ko din maintindihan sarili ko.

"Hayaan muna yun tumahan ka na jan ako ng bahala sa mga yun" sabi ni Mama.

At saka ako nito iniwan. At patuloy pa rin ako sa pag iyak.

Nakita ko yung text ni Jandy at lalo akong naiyak.

Jandy:

. . .Sweetheart, dalawang linggo muna ko di tinitxt may problema na naman ba tayo?

Jandy:

. . .Please text me, wala ka bang load???

Tapos nakita kong tumatawag siya.

Agad kong nilapag sa gilid yung phone ko. Wala ako sa mood para makipag usap sa kanya.

***
Kinabukasan, nakatanggap ako ng text galing sa cousin ko.

Jonna:

Bes, tulungan mo naman kami humanap ng bahay.

Me:

Sige...

Nagtext agad ako kay Jandy, ni hindi ko na naalala na galit na ata siya sakin.

Me:

Pwede bang patulong? Pahanap ako ng bahay?

Jandy:

. . .Buhay ka pa pala, ano naalala mo na ako? Sige hahanap ako para sayo

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon