Hapon na... Nakaluto na yung sopas, ako yung nagluto hehehe syempre bday ko kaya.
Namigay na rin ako sa kapit bahay at andito yung mga kapit bahay ko.
"Lyn, ang sarap mo palang magluto ano?" sabi ni Manang sakin nakatira siya dun sa baba ng bahay.
"Ay di naman po" nahihiyang sabi ko.
"Buntis asan na yung ginagawa mong cross stitch ba iyon?" tanong ni Ate Tine sakin.
"Ah?? Teka lang po hahanapin ko" sabi ko saka ko hinanap sa karton.
Yung totoo??? Nasa karton lang yung damit namin ni Jandy haahha kasi maliit lang bahay namin. Balak ko naman bumili ng dura box pero siguro pag nakapanganak na ko.
"Eto po" sabay abot ko ng ginagawa ko.
"Matatapos mo na pala ito ang galing mo naman" sabi pa ni Ate Tine.
"Di ba sabay lang po tayo bumili?" tanong ko.
"Ah, yung ginagawa ko? Ewan ko ba teka kukunin ko iyo na lang" sabi ni Ate Tine.
Saka niya inabot sakin yung ginawa ko at tumayo saka pumunta sa kwarto nila.
Naiwan naman kami ni Manang Baby.
"Nga pala Lyn, kelan ka manganganak?" tanong ni Manang sakin.
"Hindi ko pa po sure baka daw po april tong baby ko" sabi ko.
"May napili na kayong name?" tanong pa din ni Manang.
"Si Jandy po may naisip na" nakangiting sabi ko.
"Buti naman tingin ko maswerte yang anak niyo" nakangiti ding sabi ni Manang sakin.
"Opo nararamdaman ko nga po iyon" nakangiti ding sabi ko.
"Oi Lyn, eto yung gawa ko sayo na nga naiinis na ko" sabi ni Ate Tine sakin.
Saka inabot sakin yung ginawa niya.
Napakunot yung noo ko kasi di ko maintindihan yung ginagawa niya.
Seriously, anong klaseng cross stitch to'???
Describe ko pa ba??? Tinignan ko yung kopyahan winnie the pooh kaso di naman ito mukhang winni the pooh.
"Sige Ate Tine hehehe ako na bahala dito" nasabi ko na lang.
Saka ko tinago yung ginawa ni Ate Tine.
Tumayo naman si Ate Tine, nagpaalam kasi kukuha ng lagayan ng sopas.
"Hoy panget wow may pa cake pa para kay buntis" narinig kong sabi ni Ate Tine sa labas.
Tinignan ko yung oras sa cellphone ko 5 na pala kaya pala andito na ang asawa ko. ^.^
Tatayo na sana ako para salubungin siya kaso naman bigla niya ko niyakap.
"Happy birthday sweetheart" bati niya tas kiniss ako sa lips ng matagal.
Kung di ko pa tinulak di pa sya titigil eh -_-
Nakatingin lang samin sina Manang at Ate Tine.
"Ah ate, kuha ka na po ng sopas" nahihiyang sabi ko.
Ngumiti lang ito tas pumasok na sa loob at sya na kumuha ng sopas.
"Sweetheart eto na yung gusto mo" excited na sabi nito.
Napatingin ako sa box. Goldiluck cake na chocolate.
"Ang sweet ng asawa mo neng" natutuwang sabi ni Manang samin.
"Blow mo na teka kakantahan kita sweetheart" nakangiti ding sabi ni Jandy sakin.
Nagsimula na ngang kumanta si Jandy ng birthday song at pati sina Ate Tine.
Napangiti ako dahil for the first time may naghanda para sa b-day ko.
"Wish ka na" sabi ni Jandy sakin.
Blinow ko na yung candle kasi nagugutom na ko.
"Thanks panget" nakangiting sabi ko.
"Kaw talaga sweetheart wag mong ginagaya si Ate Tine kasi gwapo ko" nakasimangot na sabi ni Jandy sakin.
Niyakap ko siya at hinalikan sa lips, at di ko na pinansin pa ang nasa paligid namin.
"Kahit panget ka pa sa paningin nila ikaw lang ang pinaka gwapo samin ni baby" nakangiting sabi ko.
Naramdaman kong gumalaw yung baby namin.
"Naramdaman mo ba un?" gulat na sabi ni Jandy sakin.
"Hmm?"
"Gumalaw si baby" natutuwang sabi ni Jandy.
At saka nito tinapat yung tenga niya sa tyan ko.
"Bday ni Mama ngayon masaya ka ba?" kausap ni Jandy yung tyan ko.
Naramdaman ko ang pagsipa nung baby ko sa tyan ko.
"Baby ang lakas mo naman manipa wag masyado nasasaktan si Mama sayo eh" sabi pa ni Jandy saka nito hinimas yung tyan ko.
"Gutom na kase kami eh ano ka ba naman" nasabi ko lang.
"Ay naku sweetheart di mo naman sinasabi umupo ka na lang dyan at ako na magsisilbi sa mahal na reyna ko" nakangiting sabi ni Jandy saka ko nito hinalikan sa lips at saka ito naghain ng pagkain.
Pinagmamasdan ko lang sya. Naka uniform pa sya paano kakauwi pa lang eh.
Nakahanda na ang pagkain namin sinabihan ko muna sya magbihis pero sabi niya kumain daw muna kami.
Habang kumakain kami pinagmamasdan ko lang si Jandy. Masasabi kong hindi sya ang perpektong taong nakilala ko pero para sakin napaka perfect na niya.
Napaka maalalahanin niya kasi. Napaka sweet, mas inuuna niya pa ako kesa sa sarili niya. Uunahin niya na maging masaya ako.
"Bakit ka nakatitig sakin sweetheart?" tanong niya sakin.
"Masarap ba yung niluto ko?" alanganing tanong ko.
Tinignan niya ko at saka niya ako nginitian.
"Masarap lahat ng luto mo sweetheart walang hindi kasi nag effort ka para sakin at maswerte ako dahil ikaw ang naging asawa ko alam mo kung bakit?" sabi niya pa.
"Hmm..."
"Kasi kahit ganito ako nagtyaga ka sakin. Minahal mo ko ng totoo ang sarap ata magmahal ng katulad mo kaya hindi kita iiwan at pati ang baby natin" sabi nito.
Hindi ko napansin na umiiyak na pAla ako. Sobra kong natutuwa sa mga sinabi niya sakin.
"Sabi nga ng mga katrabaho ko maswerte ko kasi may asawa akong maasikaso at mapagmahal sakin yung babaeng kuntento lang sa kung ano ang kaya kong ibigay at walang arte" nakangiting sabi nito.
-_-
"Ah ganun??? Palibhasa di ako maluho magpasalamat ka naiintindihan ko sitwasyon natin" nasabi ko na lang.
"At nagpapasalamat ako dahil ganyan ka I love you sweetheart wala ng babaeng tulad mo na magtitiis sakin kaya di kita iiwan kahit alam kong ang dami kong ginawang kasalanan sayo andito ka pa rin kasama ko at ngayon ina ka na ng anak ko" nakangiti pang sabi nito.
"Ang drama mo alam ko ako ang may bday eh" nang aasar na sabi ko.
Saka ko siya pinahidan ng icing sa mukha wahaahha. Masaya ko kase ganoon niya ko kamahal. At sobrang mahal ko din siya. Ayaw ko talaga syang iwan dahil pag kasama ko sya pakiramdam ko safe ako sa kanya.
******************************
Hehehe sorry kung mabagal ang update
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
General FictionIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^