Nakahiga na ko muli... After ko kase ma ultra sound pinabalik ako sa delivery room.
I-ni e ulit at saka ako dinala sa may paanakan.
😑😑😑
Nang makita ko yung mga nangyayari di ko mawari yung nararamdaman ko."Sige maligo ka na, pumunta ka munang cr" sabi nung intern ata yun o nars?
Sinunod ko naman siya. Kaso nadudumi na ako kaya dumumi muna ko saka ko naligo.
Patapos na ko ng may pumasok na isang babae, at tila nagmamadali siya sabagay kung lalabas na baby niya diba?
Agad akong lumabas ng cr at may inabot saking papel.
"Pila ka muna dyan" sabi nung nars sakin.
Kaya pumila ko. Tas nakarinig ako ng mga nagsisigawan sa loob ng isang kwarto.
"Bakit sila sumisigaw?" tanong ko.
Yung totoo? Di ko maramdaman na manganganak na ako.
"Siyempre, masakit kaya manganak" sabi ng nasa unahan ko.
"Ah, ako pag sumigaw, sisigaw ko darna" natatawang sabi ko.
Napatingin naman samin yung intern saka ko tinawag.
"Sige ha, kailangan ang isigaw mo mamaya darna" sabi nung intern sakin.
Napangisi lang ako. Kakaiba naman toh' kinakabahan ako at the same time ay eto nakakapag biro pa ko at nakakangiti.
May isang babaeng nakaputi, doctor siguro ang lumapit sakin.
"Tara na sumunod ka sa kin" yaya niya.
At halos madaanan namin na kama ay may mga babaeng panay iyak at sigaw.
"Higa ka na dito" sabi niya pa.
Sinunod ko naman siya, may katabi pa ko sa kamang mag isa umiire.
Tas maya-maya dumumi na... 😑😑😑
Grabe, hindi sa maarte pero, my goodness.
"Doc, nandyan na baby ko" sigaw na sabi nung babaeng katabi ko.
Tahimik lang ako, kase nahihilo ko at nababahuan ako eh.
Pinalipat naman ako sa isa pang babae. Umiire din ito, pero may nag ga guide dito.
"Konting push pa yan,very good" sabi nung intern.
"Miss Chrystallyn, pag may naramdaman kang humihilab sa tyan mo i push mo ok?" sabi sakin nung intern.
Saka niya ko tinurukan ng gamot sa balikat.
Naalis na yung katabi ko. At naantok ako, pero pinagpapawisan lang ako wala pa rin akong maramdaman na kahit ano sa tyan ko.
Sobrang tagal lang talaga ko asikasuhin, bakit ba ganun dito sa labor????
4pm. Dineclare ng doctor na cs na ako agad agad... Di man lang nila ko binigyan ng pagkakataong umire. Yung totoo??? Hmp...
Inaantok na talaga ko, pero kahit paano nakikita ko pa naman mga nasa paligid ko nilalabanan ko kase lahat ng antok ko para naman alam ko nangyayare sakin.
Inilabas ako at nakita ko si Mama. Saka ko sinundan. Ilang oras pa may isang babae ulit akong nakita nung ipinasok ako sa isang kwarto.
"Kumain ka ba?" tanong niya sakin.
"Hindi naman po" sagot ko.
Di naman talaga eh, siguro konting sabaw lang kaninang umaga nung pinilit ako ni Mama.
"Sige, kase pag kumain ka masusuka ka pag gising mo" sabi ng doctor sakin.
"Oh, eto masakit ito ha? Tiisin mo na lang" sabi niya pa.
At saka ko tinusok sa braso ko. At sa hintuturo ko. Ewan kung ano yun pero namanhid lahat ng katawan ko. At saka ako nakatulog.
- - -
Nagising ako at nasuka ako agad. Bigla ko naisip yung baby ko."Pasaway ka sabi mo hindi ka kumain" sabi ng doctor sakin.
"Doc, yung baby ko po?" tanong ko.
Di naman ako sinagot. Yung pakiramdam ko na gusto kong matulog pero pinaglalabanan ko yung antok.
Naramdaman kong gumalaw yung hinihigaan ko.
Tas nasa harap ko na yung lalaking gwapo.
"Oh, mommy lalagyan po kita ng diaper ah" sabi niya sakin.
Napatango na lang ako. Namamanhid kase katawan ko eh.
"Ang laki ng baby mo ah?" narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Oo nga eh" sagot naman ni kuyang nars.
Ang galing nila magtsismisan kala mo wala ako eh -_-
"Asan na po baby ko?" tanong ko.
"Kakaiba ka, para kang di nanganak malakas ka pa din parang wala lang sayo" sabi nung nars sakin.
Di naman ako sumagot.
Maya-maya dinala na naman niya ako sa isang room. May narinig akong nag iiyakan. Gusto ko ng matulog yung parang may umaagaw ng kamalayan ko. Pero sabi nga sakin wag daw ako matulog kaya ayun nagsalita na lang ako ulit.
"Kuya yung baby ko po? Asan na po ba siya?" tanong ko.
Nahihilo na ako, pero gusto ko na makita yung baby ko.
Ilang oras lang may lumapit na sakin.
"Kuya yung baby ko po?" gusto ko na umiyak kase para na akong tanga kakatanong di nila ko sinasagot.
"Dadalhin na kita sa baby mo, ang ingay mo talaga oo" sabi niya naman sakin.
"Bakit po may umiiyak kanina sa tabi ko?" tanong ko.
"Ah, parehas mo yun na ceasarian, kaso natulog sya ayun namatay" sabi ni Kuya.
Bigla kong nilamig sa sinabi niya.
"Kaya ok din yung ginawa mong magsalita ka lang" sabi pa ni Kuya.
Maya maya nakarating na kami sa madilim na room.
Pinikit ko konti mata ko, pero nilalabanan ko pa din yung antok.
Pagdilat ko may konti ng liwanag akong nakita. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
Masakit ang tyan ko. Pero parang gumaan ang katawan ko.
"Chrystallyn Ruiz" tawag sa name ko.
"Bakit po?" tanong ko.
Lumapit naman sakin si ate na dala ang baby ko.
"Eto na ang baby mo" sabi niya saka itinabi sakin.
Nang makita ko siya, sobra kong kinabahan. Napangiti ako, sobrang sarap pala sa feeling na mahawakan mo na siya. Ang lambot niya parang bulak.
"Baby, ako yung Mama mo" bulong ko.
I can't imagine myself na ngayon isa na akong ina.
Hinaplos ko ang pisngi niya, maya maya umiyak naman siya. Nataranta ako kase di ko alam kung anong gagawin ko.
"Mommy, padedehin mo na po si baby" sabi nung nars sakin.
Papadedehin ko siya??? Paano kaya?
"Ganito po yan Mommy" saka ako inassist ng nars at pinakalong sakin yung baby ko.
Sobrang gaan niya at sobrang lambot. Gusto ko siyang panggigilan kaso baka kung ano mangyari eh.
"Mommy subo mo kay baby yung breast mo po" sabi pa nung nars at saka ito umalis.
Namula naman ako. Pero ginawa ko yung inutos nung nars. Natawa ko kase nakikiliti ako peste. Kaso kailangan ko tiisin para sa baby ko.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Ud na ulet hahaha sarap balikan ng episode na ito ng buhay ko...
Kase di ako nagsisisi na nagka anak ako 😊😊😊
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
Fiction généraleIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^