CHAPTER 45

17 3 0
                                    

Andito na ako samin ngayon. Busy ako mag ayos ng damit ko. Kakahatid lang sakin ni Jandy nung linggo. At nasasanay na rin ako kahit paano na wala siya.

"Lyn may bisita ka" sabi ni Mama.

Huh??? Bisita? Di pa naman linggo ah? Saka wala naman syang text.

Iniwan ko na muna yung ginagawa ko saka ako lumabas.

"Lyn, kamusta?" tanong ni Greg.

"Ayos lang kayo ni Jonna? Teka nanganak na ba yun? Ay tara pasok ka muna" sabi ko.

Pumasok muna kami sa loob ng bahay.

"Buti alam mo dito samin? Upo ka muna" takang tanong ko.

"Sa libis lang kase ko nag stay ngayon at dyan lang yung trabaho ko malapit" sagot nito.

"Ah" tumatangong sabi ko.

Saka ko tinuloy yung ginagawa ko.

"Naku wala akong maiaalok sayo wala kase ko pera eh" sabi ko.

"Ayos lang, teka buntis ka pala? Ilang months na iyan?" sabi nito.

"Ah oo, 8mos. Na malapit na din ako manganak kamusta pala yung anak niyo ni Jonna?" tanong ko.

Natawa naman ito.

"Hindi naman sakin yun eh, bumalik na sya dun sa talagang nakabuntis sa kanya" sabi pa nito.

"Ah, akala ko sayo? Kase di ba??? Naghahanap kayo ni Jonna ng bahay dati?" sabi ko pa.

"Hayaan na natin yun, ikaw kamusta ka na? Kay Jandy ba iyan?" tanong nito.

"Ahm yup sa kanya alangan sa iba? -_- " sabi ko saka ko sya sinamaan ng tingin.

"Ikaw naman nagtatanong lang eh" sabi niya pa.

"Ayusin mo kase, anu akala mo sakin na napaka salawahan ko, tsk... for your information,  kahit ganito ko kay Jandy ko lang pinapagalaw yung katawan ko kaya alam kong siya lang ang ama ng anak ko" naiinis na sabi ko.

"Ang highblood mo naman. Oo naman alam kong matino kang babae kaw talaga oh, sige na aalis na ako" sabi pa nito.

"Sige salamat sa pagdalaw" sabi ko na lang.

Di ko na sya pinigilan baka kase kung san pa mapunta usapan namin.

"Nga pala ninong ka nito ah" pahabol ko.

"Walang problema" nakangiting sagot naman nito.

Saka ko siya hinatid sa labas ng bahay namin.

At pagkaalis niya tinuloy ko na ang ginagawa kong pag aayos sa damit ko.

- - -

Pangalawang araw ko na ito samin. Nasasanay na rin ako sa bahay namin na hindi ko kasama si Jandy.

"Lyn! Labas ka naman dyan oi maglakad lakad ka naman" tawag sakin ng pinsan kong si Ate Jasmine.

Hmmm... Nakakatamad kaya maglakad ang bigat ng pakiramdam ko. At namamanhid pa paa ko.

Pero dahil kinulit ako ni Ate Jasmine, eto at nasa labas ako.

"Ang sarap nung mangga" sabi ko.

"O gusto mo ng mangga? Humingi ka kina Nanay" sabi ni Ate Cris sakin.

"Ahm ayoko nahihiya ko eh" sabi ko na lang.

"Ang laki na ng tyan mo ah? Kailan ka ba manganganak?" tanong pa ni Ate Cris sakin.

"April po ko manganganak sabi nung doctor" sabi ko.

"Ang laki ng manas mo dapat naglalakad lakad ka" sabi niya pa.

"Eto, kung kailan lumaki ang tyan saka naman ayaw maglalakad" sabi ng Tita ko sakin.

"Nakakatamad kaya, saka namamanhid paa ko ang sakit sa step in eh" sagot ko.

May isang lalaki ang bumili. At nakita ako.

"Ilang months na yang baby mo?" tanong ni kuyang bading.

Mukha kasi siyang bading saka di kami close kaya di ko sya kilala. -_-

"8 mos. na po" sagot ko.

"Ah nagsasama naman kayo ng asawa mo? Ok yun kasi pag araw araw kayo mag sesex eh mas madali ka manganganak" sabi niya sakin.

Huh??? Anu daw???

"Hindi naman po kami nagsasama ng asawa ko may trabaho kasi siya sa malabon" sagot ko.

"Ah, mas ok yun sana yung sinabi ko kasi nakakapagpadulas yung sperm ng lalaki lalo pag manganganak ka na di ka mahihirapan" sabi pa ni kuya sakin.

Namula lang ako di ko kase alam sasabihin ko eh.

"Oo nga Lyn, tama si Toffer mas madali ka manganganak nun" sabi din ni Ate Cris.

"Ah, ok po" nasabi ko na lang.

Papasok na sana ko sa loob ng bahay namin kaso tinawag ako ni Mama.

"Samahan mo ko" sabi ni Mama.

-_- tinatamad nga ko gumala eh. Kaso sige na nga. Minsan lang yung bonding namin ni Mama na magkasama eh.

Habang naglalakad kami, nagkwentuhan na lang kmi ni Mama.

"Kamusta naman kayo ni Jandy?" tanong ni Mama.

"Ayos lang naman po kaming dalawa" sagot ko.

Pakiramdam ko hinihingal na ako kahit konti pa lang ng nalalakad namin.

"Sabi ko na nga ba at buntis ka nun eh" sabi pa ni Mama sakin.

Natahimik lang ako.

"Ma, ang sakit ng paa ko" reklamo ko.

"Namamanas kasi kaya ganyan" sabi ni Mama sakin.

Tiniis ko na lang yung sakit ng paa ko.

"Ay, ang cute, buntis ba yan?" tanong ni Ateng guard.

Napatingin ako sa likod ko, malay ko kung may buntis na cute sa likuran ko.

"Ate, buntis sya?" tanong ni Ateng guard kay Mama.

"Ah, oo akala mo lang bata pa yan" sabi pa ni Mama.

Napayuko na lang ako. Hiyang hiya sakin di ba? ako ang pinagku kwentuhan nila.

"Ah, ang cute naman" nakangiti pang sabi nung guard sakin.

Napangiti na lang din ako. Ang hirap naman oh... Ayoko talaga ng pinag uusapan.

"Akala ni Ate bata ka pa" natatawang sabi ni Mama.

Eto talaga si Mama akala ata sakin di ko narinig pinag usapan nila.

"Maglagay ka ng number bilis" sabi ni Mama ng makarating kami dito sa lotto outlet.

Saka binigay sakin yung card.

After namin sa may lottohan, niyaya ko ni Mama na mag ice cream sa mini stop.

Worth 15 pesos lang may malaking ice cream ka na.

"Kaya mo ba ubusin yan?" tanong ni Mama.

"Siguro, chocolate eh" sabi ko.

Saka binigay sakin ni Mama yung isang ice cream. At bumili din siya ng kanya.

Ilang oras lang habang naglalakad kami, hindi ko na namalayan na paubos na pala yung kinakain ko.

Malapit na kami sa bahay ng makita ni Mama na ubos na yung kinakain ko.

"Ang takaw ng baby mo"

Natawa na lang ako. Oo nga nagiging matakaw ako ngayon.

############################
Ud muna ;)

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon