This is it... Ang binyag ni Chelsea. Naasikaso kase namin yung mga requirements niya.
Maaga pa lang abala na sina Mama sa pagluluto ng handa ni Chelsea.
Ako naman ay inasikaso ko na si Chelsea, pagkatapos ko siya bihisan tinignan ko kung dumating na ang Papa Jandy niya.
"Ano pa tinutunganga mo jan Ate?" tanong ng kapatid ko.
"Wala pa kasi si Jandy" sabi ko.
"Ay naku, baka padating na iyon maligo ka na din anong oras na kaya oh" sabi naman ni Mama.
Napabuntong hininga ako. Binigay ko muna sa kapatid ko si Chelsea para makaligo na rin ako.
"Ate andyan na si Kuya Jandy" narinig kong sabi ng bunso kong kapatid.
Binilisan ko na ang pagligo ko. Pagkatapos nagbihis na rin ako. Paglabas ko ng cr nakita ko si Jandy na kalong si Chelsea.
"Tara na ba?" tanong niya sakin.
"Oo baka ma-late tayo sa simbahan" sabi ko.
Nag suklay lang ako at saka niya binigay sakin si Chelsea.
Paglabas namin nakita ko si Ate Tine.
"Bakit andito yan?" bulong sakin ni Jandy na nasa tabi ko.
"Kinuha ko syang ninang ni Chelsea" sagot ko.
"May problema ba panget?" tanong naman ni Ate Tine.
"Wala" sagot ni Jandy saka ako inakbayan.
"Oi wag mo na ko akbayan nahihirapan na nga ko kay Chelsea eh" sabi ko.
Kinuha niya si Chelsea sakin at saka niya ko inakbayan.
"Ang ganda ng mag ina ko" nakangiting sabi pa ni Jandy sakin.
Namula lang yung pisngi ko. Saka ko sya niyaya na sumunod na rin samin si Ate Tine. Pati si Jonna andito na rin.
Nasa simbahan na kami, hindi pa naman nagsisimula kase may mga hindi pa din dumarating.
"Anong name?" tanong sakin nung nag aassist sa simbahan.
"Mary Chelsea Ravelo" sabi ko.
"Dito kayo" sabi niya saka ko sumunod at ibinigay yung babasahin para mamaya.
"May panyong puti ba kayo?" tanong pa samin.
"Meron" sagot ko.
Tas lumipat na sya sa kabila.
Nagsidatingan naman ang mga ninang at ninong ni Chelsea.
"Pamigay mo na mga kandila" sabi ko kay Jandy.
"Ikaw na, hindi ko naman yan mga kilala akina si Chelsea" sabi niya.
Napailing na lang ako at saka ko binigay sa kanya si Chelsea. Pgkatapos nagpamigay ako ng mga kandila sa mga ninong at ninang ni Chelsea.
"Ang ganda ng baby mo" nakangiting sabi ng isang ninang ni Chelsea.
"Ah, thanks po" sagot ko.
- - - -
Natapos ang binyag sa simbahan at ngayon andito na kami sa bahay."Lyn, pa pic daw si Ward kay Chelsea" sabi ng tito ko.
"Ah sige po" sabi ko.
At nakita ko yung Ward. Ok, americano matangkad, maputi.
"Nice sosyal ni Chelsea may ninong na americano" pang aasar sakin ni Ate Tine.
Tinignan ko si Chelsea na kalong na ng americano na yun.
At saka ako busy na nagbigay ng mga pagkain.
Samantalang si Jandy nasa labas lang ng bahay sa sobrang sikip sa bahay namin wala na kami mapwestuhan idagdag pa yung americano.
Ibinigay na sakin si Chelsea at inabutan din ako ng Tito ko ng sobre regalo daw kay Chelsea nung americano.
At umalis na sila. Pumasok na si Jandy sa bahay at pinahawak ko sa kanya ang anak niya.
"Kumain ka na nga" sabi ko sa kanya.
Saka ko sya pinaghanda ng pagkain.
"Sabay na tayo, hindi ka pa rin naman kumakain ah" sabi din niya.
"Oo nga Lyn, kumain na kayong dalawa ni Jandy mamaya dedede na naman sayo si Chelsea" sabi naman ni Mama.
Kaya ayun sumabay na ako kay Jandy kumain kinuha muna ni Jonna si Chelsea.
"Ang ganda ng anak mo Lyn" nakangiting sabi ni Jonna.
"Syempre, gwapo kaya ng tatay niyan" sabi naman ni Jandy.
"Hindi naman sa tatay nagmana kase malamang panget tatay nito kaya mana sa mama niya" sabi naman ni Jonna.
Napailing na lang ako.
"Tama na yan, mana si Chelsea sa Papa niya hihihi cute kase Papa niya di ba panget?" nang aasar na sabi ko.
"Ok na sanang sinabi mong cute ako eh, bakit tinawag mo pa kong panget? Sino na naman nagturo sayo niyan?" nakakunot noong tanong ni Jandy sakin.
"Ah, nasanay ako kay Ate Tine sorry panget" natatawang sabi ko.
"Pasalamat ka mahal kita" sabi na lang niya.
Napangiti na lang ako sa kanya.
- - -
"Masaya ako at napabinyagan na natin si Chelsea" sabi ni Jandy sakin."Hmm, yah masaya din ako" sabi ko.
Magkasama kami nila Jandy at Chelsea. At pinapatulog ko na si Chelsea.
"Nga pala balak ko na kayo kunin ni Chelsea dito" sabi niya.
Napatingin lang ako sa kanya saka ako yumuko.
Napangiti ako. Atleast naisip na niya na gusto niya kami makasama.
"Hindi ko na kase kaya hindi kayo kasama ng anak natin" sabi niya pa.
"Sure ka na ba dyan?" tanong ko.
"Bakit parang ayaw mo?" tanong niya naman.
"Hindi naman sa ganun, sige kung kelan mo gusto" sabi ko na lang.
"Sige hahanap na ako agad ng bahay, wag kang mag alala" sabi niya pa.
"Ah, ako ba ang dapat mag alala? Akala ko kase ikaw yung nag aalala na baka makahanap ako ng iba kaya gusto mo na kami kunin ng anak mo" pang aasar ko pa.
"Yun pa nga, alam kong ang dami na namang umaaligid sayo" sabi niya na nakasimangot pa.
Natawa ko sa kanya. Kahit naman maraming nanliligaw sakin. Di ko naiisip na humanap ng iba dahil asawa naman tingin ko kay Jandy. Kahit di kami nagsasama.
At kahit pa nga na parang pakiramdam ko di ko sya asawa eh. Ayos lang hmm... Iniisip ko lagi si Chelsea. Masyado pang baby para mawalan ng ama.
"Kaya ba naiisip mo magsama tayo dahil lang dun???" nasabi ko na lang.
"Hindi rin, dahil mahal ko kayo ng anak natin at miss ko na kayo, lalo ka na" sabi pa nito saka ito yumakap sakin.
"Miss din kita di ko na alam yung pakiramdam na kasama ka" nakangiting sabi ko.
"Ah, ganun??" nakakunot noong sabi nito ng humiwalay sakin.
Natawa lang ako sa kanya.
Sobrang saya ko na ok na ang buhay namin ni Chelsea kasama si Jandy. Atleast may pangarap na ko ngayon. Ang maging kumpleto ang pamilya namin.
-END-
******************************
But I guess... Its the first story of my life.
![](https://img.wattpad.com/cover/69940185-288-k396917.jpg)
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
General FictionIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^