CHAPTER 1

77 4 0
                                    

[Habang binabasa niyo ito pwede niyong kantahin yung song...]

Kaibigan lang pala

Noong ako ay nilapitan mo...
Tinanong kung ano ang pangalan ko...

Nabighani agad itong puso...
Na love at first sight sa'yo?
Ngunit sa'yo ay may nalaman ako
Mayroon na raw ibang mahal ang puso mo...

Sino ba siya? Ang tanong ko sa'yo?
Sinabi mong siya ay KAIBIGAN lang...

Kaibigan lang pala...
Kaibigan lang pala...

Napawi ang aking pagdaramdam, aking nadarama ngayo'y pag asa na pagkat siya ay kaibigan lang pala?

Sabik ang puso ko na malaman ang pag ibig na lagi kong inaasam baka sa puso mo ako'y kaibigan lang sana'y hindi pagkat magdaramdam...

April 16, 2006

Abala ako sa paghuhugas ng mga plato, pumasok kasi ako bilang dishwasher dito sa canteen malapit samin, bata pa lang kasi ako gusto ko ng makatulong kina Mama.

Nung bata pa ako, madalas akong makaisip kung paano kumita ng pera, andyan yung magtinda ako ng mga text sa mga kalaro ko, kapag bumibili ako ng candy iniipon ko tapos ititinda ko rin sa mga kapwa bata ko. Nung mag elem. ako at nauso ang stationary lagi akong nakikipaglaban at dahil ako ang laging panalo, bumibili din sila sakin ng stationary.

Nakakatawa lang na sa murang edad ko, nakakaipon na ako ng pera at kumikita na ako sa mga simpleng bagay lang.

"Lyn, tapos ka na ba dyan? Bumili ka muna ng plastic ng baunan" sabi ni Ate Letty siya yung amo ko.

Mabait naman siya, ay hindi pa nga pala ako nagpapakilala noh? Ako pala si Chrystallyn Ruiz.

Isa lang akong mahirap na nilalang, marami na ring mahirap na pinagdaanan. Hahaha... kung itatanong niyo sakin, kung ilan taon na ako? 19 yrs.old na ako, but sadly walang naniniwala dun y??? Hindi raw halata -_- mukha lang daw akong 12yrs.old.

Papunta na akong tindahan para bumili ng plastic, sa totoo lang marami na akong napasukang trabaho, pero ngayon iniisip kong mag aral talaga, tutal naman wala pang pasukan kaya tinanggap ko na lang muna itong trabahong ito.

Totoo naman na bata pa lang ako sanay na akong magbanat ng buto, at age of 8 marunong na akong magtinda hahah... ng magbakasyon ako sa mga tita ko sa palengke, natuto din akong magtinda ng mga plastic.

Nang makatapos ako ng h.s kinuha ako ng teacher ko, para mag alaga sa anak niya kaso, hindi ko kinaya yung homesick wala kasing uwian eh -_- one week lang ang itinagal ko, and then kinuha ako ng friend ng tito ko dun naman uwian ako kaya nakatagal ako maging yaya, pero may bago nang yaya yung alaga ko nagpaalam kasi akong mag aaral kaya umalis na din muna ako sa kanila.

At dahil nga hindi pa naman ako nagsisimulang mag aral kaya pumayag din muna akong maging dishwasher sa karinderyang pinagtatrabahuhan ko sa ngayon.

Pagdating ko sa carinderya, tapos na yung breaktime ng mga empleyado sa katabi ng pwesto namin, kaya naman niligpit ko na yung mga pinagkainan ng mga costumer at hinugasan lahat ng pinggan.

"Pagkatapos mo dyan, kumain ka na at magpahinga ka na, kumuha ka na lang din dyan ng softdrinks mo ah?" sabi pa ni Ate Letty

"Sige po ate" sabi ko saka ngumiti.

Oo na hindi na ako kagandahan, maliit lang ako 4' nga lang eh. Feeling ko unano na ako sa height ko, pero marami namang natutuwa sakin, ewan ko mukha kasi siguro akong bata.

Natapos ako sa paghuhugas ng mga plato at ngayon, kakain na ako kumuha na rin ako ng softdrinks ko, ewan ko kung bakit feeling ko kakaiba ang araw na ito.

Pero habang kumakain ako, bigla akong kinabahan tsk... bakit kaya? Narinig kong may tumutunog sa bulsa ko.

Twit twit...twit twit msm... (boses bata)

Kakaiba ring tone ko wahaha, wag ka msg. lang yun hindi pa iyon call.

Agad kong nilabas yung nag iisang cp ko na alam kong makaluma ang model, hindi man ito ang unang labas ng nokia, nung binili ko ito, eto ang magandang nagustuhan ko ang astig kasi niya wahaha... bakit? Hubad na hubad kasi etong cp na ito kapag pinapalitan ng sim eh hahaha... tas color orange pa yung background, kahit masakit sa mata carrybells lang.

Nakita kong may msg. sakin yung bestfriend na cousin ko, si Jonna.

Hoy bruha, try mong magparamdam hinahanap ka ni Dave :)

Tsk... anong nakain nung lalaking iyon at hinahanap ako???

"Paano ka matatapos kumain kung panay ka text dyan?" tanong ni Ate Letty.

Tinago ko na muna ang cp ko saka ko tinapos yung pagkain ko. At saka ko hinugasan yung pinagkainan ko at naglinis muna sa carinderya para wala siyang masabi hahaha.

Nang wala na akong gagawin, agad kong nilabas yung cp ko. Napakunot ako sa text sakin ng ultimate crush ko...

Pauwi ako samin ngayon wag ka munang magtxt

Sa palagay niyo lalaki yan? Nagkakamali kayo hahaha... babae po iyang ultimate crush ko si Ate Thalia. Hehehe

Nakita ko pang nagtxt ang mga ka clan ko. Well, mahilig ako sumali sa mga clan sa cp kaya nga balak ko na rin magtayo ng akin one of these days hahaha...

Rhostum:

lyn, kamusta ka na?

Carlo:

Hello bhestmeow musta na???

Jonna:

Magreply ka naman Lyn, buhay ka pa ba?

Ate Thalia:

Text kita pag andun na ako samin ah?

Apat lang iyan sa interesado akong makatxt pero sa iba puro gm lang, kaya di ko na binabasa.

Nireply ko naman agad yung mga msg. nila, hindi ko na nga namalayan yung oras eh alas 3 na at may mag memerienda na kaya back to work muna :) hehe... after ng mga gawain ko, lumapit na ako kay Ate Letty, at saka niya inabot sakin ang sweldo ko sa araw na iyon, well arawan ang sahod ko, 100 kada araw hahaha. Ok na rin iyon ^_^

Pagdating ko sa bahay, nakita agad ako ni Mama.

"Oh, tapos na ba yung trabaho mo sa karinderya?" tanong nito.

Kita mo yang nanay ko, hahaha nakita ng nandito na ako sa bahay malamang tapos na, sa totoo lang hindi naman talaga ako malapit sa pamilya ko eh, ewan ko basta naramdaman kong hindi nila ako gusto hahaha.

"Opo" simpleng sagot ko.

"Kumain ka na, kumain ka naba? Ay wala na pala tayong ulam eh, bumili ka na lang kung may pera ka" sabi pa ni Mama.

Ganyan naman lagi sa bahay eh, ano pa bang bago? Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa bahay ng lola ko.

Mas madalas pa nga ako sa bahay ng lola ko kesa sa bahay namin, bakit? Ewan ko mas feel ko sa bahay ng lola ko eh.

Pagpunta ko sa bahay ng lola ko, tahimik at walang tao, yeah kaya mas gusto ko dito wala kasing tao at nakakapag isa ako. Mas gusto ko kasing laging mag isa.

Nagsimula na akong sumulat sa diary ko.

April 16, 2006

Napabuntong hininga ako... ngayon nga ay april 16 2006... at nagsulat na ako ng mga nangyari sakin ngayong araw, na wala namang espesyal na nangyari sakin.

§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§

Pasensya na kung wala masyadong mga nag uusap hindi kasi ako yung talkative wahahaha kaya madalang talaga yun asahan niyo na iyon dito...

Ok lang kung maboringan kayo at walang magbasa nito wahaha

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon