Masasabi kong ang hirap magbuntis at ramdam ko yun ngayon.
Nakaramdam ako ng pagsusuka at pagkahilo... Bakit ngayon pa? Kung kelan naman 3mos. na tyan ko? Hay...
"Lyn? Ayos ka lang?" nag aalalang sabi ni Jandy.
Pagkatapos ko magsuka naiyak na ako. Lagi ko na lang napag aalala si Jandy eh.
"Sweetheart, tama na wag ka ng umiyak ano ka ba?" sabi pa ni Jandy sakin habang hinahagod niya yung likod ko.
Tapos binigyan niya ako ng tubig.
"Mamaya mag-papa ultra sound ka na di ba? Pumunta ka sa trabaho ko ha? Para mabigyan kita ng pera" sabi niya pa.
"Nahihilo ako eh, mas gusto ko munang matulog sorry" sabi ko at saka ako humiga.
Niyakap naman niya ako.
"Pwede bang wag ka na muna pumasok?" sabi ko sa kanya.
Nagbuntong hininga siya saka niya ako niyakap.
"Alam mong hindi pwede, kapag hindi ako pumasok ngayon wala tayong kakainin mamayang gabi" sabi naman ni Jandy.
Alam ko naman yun eh. Pero ang sama lang sa loob na minsan lang naman ako mag request tas ni-reject niya pa.
"Ok lang naintindihan ko" sabi ko.
At di ko na siya pinansin pa. Iniwan na niya ako dun at sobrang sama ng loob ko. Naiinis talaga ako sa kanya at iyak lang ako ng iyak.
"Bakit? Mahalaga ka ba sa kanya? Natural hindi, mas mahalaga yung trabaho niya kesa sayo kasi malamang wala ka naman maibibigay sa kanya" kausap ko na lang sa sarili ko.
Napa buntong hininga ako. Kesa magmukmok ako dito pinunasan ko yung luha ko at saka ako naligo. Balak ko ng umalis ayoko na siya makita pa.
Kinuha ko na lang yung perang naipon ko at saka ko ni lock yung pinto.
Nakita ko pa si Ate Tine. Hindi ko sana siya papansinin kaso naman panay kausap niya sakin.
"Saan ka ba pupunta?" tanong niya sakin.
"Dyan lang po" sagot ko.
"Eh, di ba ngayon ka magpapa check up?" tanong ulit niya.
Tumango na lang ako.
"Ah, sige" sabi niya na lang.
Saka ako tumalikod at umalis na. Nagagalit ako kay Jandy. Agad akong sumakay sa bus at saka ako umiyak ulit.
"Mas maganda kung iwan ko na lang siya tutal hindi naman ako mahalaga sa kanya eh" umiiyak pa ding sabi ko.
Napansin ko na tinignan ako ng conductor.
"Cubao farmers po" sabi ko.
At pasimpleng nagpahid ng luha.
Binigyan ako ng ticket saka ko binigay yung bayad ko.
Kinalma ko na lang sarili ko at saka ako napatingin sa labas.
"Bakit ba ko ganito? Nakakainis lang kasi tong nararamdaman ko hay..." naiinis na din ako sa sarili ko.
Mga ilang oras lang nasa cubao na ako. At saka ako tumingin kung saan may murang pwede ko mag pa ultra sound.
Kahit naman galit ako sa Papa niya, hindi naman ako ganun kasama para di isipin yung kalagayan ko.
Nagpunta muna ko sa bahay namin. At saka ko kinausap lang ni Mama, tas kumuha ko ng ilang gamit ko. At saka ako umalis.
Nasa may alimall na ako ng bumaba ako nagtanong ako sa fern kung magkano yung pa ultra sound mabuti at medyo mura lang pala may pamasahe pa ako.
Napabuntong hininga ako at kinakabahan ako kasi di ko alam anu gagawin sakin.
"Chrystallyn Ruiz" tawag sakin...
Agad akong tumayo at sumunod sa babaeng tumawag sakin.
"Higa ka na" sabi niya sakin.
Humiga na rin naman ako saka niya tinaas yung damit ko.
"Huwag ka na dapat magsusuot ng masisikip sa'yo" sabi niya sakin.
Saka niya ko pinahiran sa tyan ko ng malamig na liquid na iyon.
"Hmmm nakikita mo ba siya?" tanong sakin.
Tapos hinarap nito sakin yung monitor.
"Eto na yung kamay niya yung ulo at katawan ayan na yung baby mo nakikita mo ba?" tanong niya pa.
Napangiti ako habang titig na titig ako sa monitor.
"Kailan po malalaman yung gender niya?" tanong ko naman.
"Pag 6mos. mo pa saka mo malalaman yung gender niya" sabi niya pa.
Tumango na ako tapos tumayo na rin. Ilang oras lang binigay na rin yung result ng ultra sound.
Napa buntong hininga ako saka ako pumunta na sa alimall.
Iniisip ko pa din kung uuwi ba ako. Pero ang dami kong dala, idagdag mo pa yung gamit ko na dinala ko at binigyan pa ko ni Ninang ng damit.Napagod ako mag isip hay... Kaso wala pa din. Tinignan ko yung cp ko. 3pm na pala hmmm...
Lumakad na lang ako at ngayon andito na ako sa sm nagtingin lang ako ng mga damit pang girl na pambata.
Sana babae anak ko. Hay... Ang cute ng mga pang girl eh.
Dumiretso na rin ako sa farmers saka ako sumakay sa bus. Tinitignan ko lang yung result ng ultra sound ko.
"Baby, hay... Di ko alam tong nararamdaman ko para sa Papa mo naiinis pa din ako" sabi ko.
Napa buntong hininga ako saka ako tumingin sa labas, ganito ba talaga pag buntis? Moody na nga ako noon, mas naging moody pa ako ngayon. ;(
Nakarating na ako samin. At saktong pagdating ko nakita ko si Jandy sa baba.
"Bakit ngayon ka lang? Ang dami mong dala ah?" sabi niya pa.
Pero di ko lang siya pinansin. Dire-diretso lang ako lumakad.
Pagod ako, at gutom pa pero parang wala akong gana kumain.
Pagdating ko sa taas kinuha niya lang yung susi at siya na nagbukas, nakita ko lang si Ate Tine na nakatingin sakin. Nahihirapan ako ng ganito yung hindi ako ok.
Pagpasok ko sa loob tahimik lang ako na humiga, ayoko pa rin siya kausapin.
"Lyn" saka niya ako niyakap kahit nakahiga ako.
"Sorry na, alam kong kailangan mo ko, pero kailangan ko magtrabaho para sayo at sa baby natin" sabi niya pa.
Naiyak lang ako kasi alam ko naman na tama siya. Pinaharap niya ako sa kanya at saka niya pinahid yung mga luha ko at hinalikan niya ko sa labi ko.
Yung sobrang tagal na akala mo namiss niya ako ng sobra, pagkatapos naramdaman ko yung kamay niya nasa tyan ko na at hinahaplos nito yung tyan ko.
Tinulak ko siya.
"Nagugutom na ako" sabi ko na lang.
At saka siya di na pinansin.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Hay... Ang hirap talaga ng sitwasyon ko nun...
BINABASA MO ANG
We're DESTINED!!!
General FictionIto ay kwento na gusto ko lang i-share... Yung mga nakakakilala sakin, hehehe piz ;) Noted: its a sad stories na may sad ending... sorry ganun talaga ang life pero sana kapulutan niyo ito ng aral... TheMemoriesOfHim ^_^