CHAPTER 37

10 3 0
                                    

Walang pasok ngayon sa trabaho si Jandy, at papunta kami ngayon sa bahay, para magsabi na buntis na ako.

"Kinakabahan ka?" tanong ni Jandy sakin.

Yung totoo? Hindi talaga ako nakatulog eh, after one week na pagkawala ko sa bahay eto at magkasama pa kami ni Jandy na haharap kina Mama.

Hinawakan niya ang kamay ko at habang papunta kami sa bahay sobra ang kaba ko.

Nakita ko na si Mama.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mama.

Hindi agad ako nagsalita.

"Nagsasama na po pala kami ni Lyn" sabi ni Jandy.

"Ahm, Ma, buntis na kasi ako kaya sumama na din ako sa kanya saka masaya naman ako eh" sabi ko naman.

"Sabi na nga ba, malakas talaga kutob ko na buntis ka na eh" sabi pa ni Mama.

Kinuha ko yung bag ko saka ko nilagay lahat ng damit ko at ibang gamit ko.

"Saan kayo nakatira?" tanong ni Mama.

"Sa Malabon po" sagot ni Jandy.

"Mag iingat na lang kayong dalawa lagi ah" sabi pa ni Mama.

Tumango lang ako at saka kami umalis dun.

Kahit paano nakaramdam na ako ng ginhawa at nawala kahit paano ang kaba ko.

"Sabi ko sayo magiging maayos din ang lahat" sabi ni Jandy sakin.

Napangiti na lang ako. At saka kami umalis na para umuwi na sa bahay naming dalawa.

At dahil araw ng sunday, mahilig si Jandy na igala ako. Ewan ko ba, hobby na niya lagi yung may time talaga kami together pag wala siyang work.

"Anong gusto mo?" tanong ni Jandy sakin.

"Chocolate cake sa goldilocks" sabi ko.

"Ahm sige magkano pa ba pera natin dyan?" tanong niya.

Tinignan ko lang yung pera, bigla kong naisip mamalengke parang mas trip ko pa yun tas bukas dadalhan ko ng pagkain si Jandy.

"May palengke ba dito?" tanong ko.

"Oo, bakit?" tanong din niya.

"Dun na lang tayo pumunta" sagot ko.

"Sure, basta sabi ng maganda kong asawa siyempre susunod yung alipin" nakangiting sabi pa nito.

Niyakap niya ako at saka niya ako hinalikan.

Nagpunta na nga kami sa palengke at kahit paano marami akong nabili.

"Nga pala sabi ni Manong Jim siya na raw mag iigib pang maglalaba ako" sabi ko kay Jandy.

"Sige tas magbigay na lang tayo sa kanya" sabi naman niya.

"Nahihirapan ka bang kasama ako?" tanong niya.

"Hahaha... Siyempre hindi mahal kaya kita at gusto kita lagi kasama ayoko nalalayo sayo eh" nakangiting sabi ko.

"Sana maging kamukha ko baby natin" nakangiting sabi nito.

"Parang ayoko" sabi ko naman.

"Huh? At bakit?" tanong niya pa.

"Ang pangit mo kasi bwahahaha" sabi ko saka ko siya iniwan dun.

Nag ka-crave talaga ako sa chocolate pero kasi ewan ko ba.

"Kailan ka magpapa check up?" nagulat ako ng akbayan ako ni Jandy.

"Ewan ko pa, baka sa martes na kami bumalik ni Ate Tine dun" sabi ko.

"Basta, maging strong lang tayo para kay baby ok?" nakangiting sabi ni Jandy.

Ngumiti lang ako sa kanya.

*****
1month na... Nakikita ko na ang pagbabago sa katawan ko, mas lalo akong nagiging antukin at hindi ko alam kung bakit nga ba ganito...

Hindi sinasadya nahakbangan ko si Jandy.

At ngayong tanghali, ang tamlay niya ng umuwi hindi ko rin siya nadalhan ng baon niya.

"May problema ba?" tanong ko.

"Ang bigat ng pakiramdam ko eh, feeling ko magkakasakit ako wag mo muna akong dikitan" sabi niya pa.

Napasilip naman samin si Ate Tine.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"Eh, nanghihina si Jandy di ko alam kung anong nangyari sa kanya" sabi ko.

"Hinakbangan mo ba yang asawa mo?" tanong niya pa sakin.

Napaisip naman ako.

"Ah, kagabi? Bakit?" takang tanong ko.

Napailing na lang ito.

"Paliguan mo muna siya bukas ng umaga tatlong buhos lang mawawala yan" sabi pa ni Ate Tine.

Kinabukasan nga...
Eto maliligo na siya at papasok na nahihiya pa din ako, pag nakikita ko katawan nitong asawa ko eh...

Agad kong kinuha yung tabo.

"Sweetheart, paliguan muna ko mag aral ka na para pag lumabas si baby alam mo na pano siya paliguan" nakangiting sabi pa niya.

"Wag mo ko asarin oi, bilisan mo at anong oras na" sabi ko na lang.

"Sus, sungit na naman ng asawa ko" natatawa pang sabi niya at saka ko siya binuhusan na.

Natawa pa ko sa kanya, kasi nanginginig siya hahaha..

After ko siya paliguan umakyat na rin ako sa taas, at saka ko nag handa ng isusuot ni Jandy, inayos yung mga gamit namin at saka ko tinabi yung ginamit niya nung nagkape siya.

"Magpapa check up ka ba ulit?" tanong ni Jandy.

Hindi ko namalayang nandito na pala siya.

"Eto na damit mo, oo mamaya lagi kang excited mag pa check up ako" sabi ko.

"Siyempre naman, gusto kong malaman kung safe si baby at ikaw tandaan mo mahal ko kayo ng anak natin, wag ka magpagod ah" sabi niya pa.

"Ang cheesy mo magbihis ka na sus at ng makalayas ka na" sabi ko.

Niyakap niya ako saka niya ako hinalikan sa labi ko.

"Nanggigigil ako sayo" bulong niya.

"Ako din, nanggigigil sayo" at pagkasabi ko nun kinagat ko ilong niya.

"Aray!!!" at saka niya ako binitawan at nagbihis na.

Nakasimangot pa rin siya.

"Sorry, galit ka ba sakin?" ewan ko kung bakit naiiyak ako.

Napatingin siya sakin at saka siya bumuntong hininga bago lumapit sakin.

"I love you ok? Last mo na sana yan, sobrang sakit na ng ilong ko eh" reklamo niya pa sakin.

"Hindi ko yan mapapangako, kasi i feel ahm... Gustong gusto ko yang ilong mo" sabi ko pa.

Napabuntong hininga na lang siya tapos hinalikan niya ako at saka siya bumaba sa may tyan ko na medyo flat pa naman.

"Baby, gusto mo talaga ilong ni Papa no? I love you mag iingat kayo ni Mama dito ah? Mag tatrabaho muna ko" sabi niya saka niya hinalikan yung tyan ko.

Waaaa nakakahiya kinakabahan ako. Lalo na pag laging nakayakap sakin si Jandy ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Oo na mag iingat na ko layas!" sabi ko.

At saka ko siya pinalabas.

Kainis kasi ang bilis ng tibok ng puso ko.

******************************
Sweet talaga niya... Nakakamiss...

We're DESTINED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon