Chapter 1

8.9K 46 14
                                    

author's note:

sorry kung hindi mahaba ang chapter na ito, i'm trying to insert wattpad on my schedule plus i'm still writing Carnation. eh gusto ko na talaga itong gawin eh kasi gustong gusto ko ang story. naisip ko ito habang naka tunganga sa algebra class =) 

nga pala, paki visit nalang ng aking tumblr! gumagawa ako ng mga reviews dun tungkol sa mga wattpad stories. >>> http://saenasparkles.tumblr.com<<< at ang aking bagong twitter >>> http://twitter.com/saenasparkles <<< shameless plugging, i know HAHAHAHHA mianhe!

- saena

no prologue

*BZZZZZZT!*

Buwiset! Ang aga-aga nambubuwiset ang alarm clock ko. Bumangon ako at tinapon ito sa dingding. Hay, papagalitan nanaman ako nito. Buwiset! Tumayo ako at nag stretch. Tinanggal ko ang boxers ko at tinapon ito sa sahig. Lilinisin lang iyan ni yaya mamaya.

Ako nga pala si Anthonie Reyes. 16 years old at taga Makati. Marami na rin akong naging girlfriend pero hindi ko pa nararanasan ang tinatawag nilang "love". Lagi naman kasi habol ng mga babae sa akin ay ang mukha ko at hindi yung ugali. Pero wala namang kaaya-aya sa ugali ko. Sa katunayan nga eh nakakabuwiset ang ugali ko. Ako yung tipo ng lalaki na lasinggero, laging nag cu-cutting o yung mahilig mag enjoy. Binabayaran na nga lang ng parents ko ang school para hindi ako ma-kick out. Hindi ko naman kasalanan na nakakatamad mag school. 

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa aking sasakyan. Ayokong makausap si papa at ang kanyang bagong asawa. Hindi kasi ako mahilig makipag sweet2 sa kanila. Nakakadiri eh. Bago ako pumasok ng school eh dinaanan ko muna si Lianne. Siya ang girlfriend ko ngayon. Maganda, sexy, mahaba ang buhok. Nasa kanya na ang lahat2 ng gusto ko. Pero minsan pakiramdam ko may kulang eh. 

Pagka dating ko sa bahay nila ay may lalakeng kahawak kamay si Lianne. Hinalikan pa ito sa labi. ANAK NG!!! Bumaba ako ng sasakyan at sinuntok ang lalake sa mukha. Hindi ko siya namumukhaan at hindi hamak na mas gwapo naman ako sa kanya. Narinig kong sumigaw si Lianne at tiningnan ko siya at sinampal. Mahina lang naman yun para sa akin pero alam ko masakit yun.

"IT'S OVER!" Sigaw ko.

Tumalikod ako at sumakay sa aking sasakyan. Nakita kong tinulungan pa niya yung lalake. Buwiset! Kala mo naman kung sinong maganda yun, marami pang mas maganda sa kanya. Nag backing ako at dumiretso ng school. Buwiset!

*Angel's POV*

*TOOT TOOT TOOT!*

Waaaa! Nang silipin ko yung wall clock 7:30 na. Mygad, late na ako! Dali-dali akong bumangon at naligo. Ako si Angela Liu. I am full chinese! Wala pa akong naging boyfriend but a couple of boys asked me out pero masyado akong mahiyain. And besides hindi ko naman type ang mga boys sa school. Masyado silang feeling, kala mo naman kung sinong mga gwapo, tss.

Pagbaba ko eh wala na akong oras kumain. Dali-dali akong tumakbo sa kitchen at uminom ng gatas at tumakbo papasok sa aming SUV. Shet! sana naman hindi ganun ka traffic pero alam ko namang masyadong imposible ang ganito sa Makati.

Mga twenty minutes na ang dumaan at nakarating na rin ako sa school. Shet nakakahiya! Wala ng tao sa hallway. Ano ba to. Tumakbo ako at tumakbo hanggang sa hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko. Nagbanggaan kami at tumalsik ako. Grabe! ang tigas naman ng poste-- este taong yun! 

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Buwiset." Sabi nung lalake. Namukhaan ko siya. siya si Anthonie Reyes. Isa sa mga popular boys ng school. Varsity siya sa soccer pero hindi gaya ng teammates niya, bobo siya. Dapat kasi may average kang 85 kundi hindi ka pwede maglaro pero palibhasa kasi, mayaman kaya nababayaran ang school.

Dinaanan niya lang ako. Bastos! Hindi man lang nag sorry o tinulungan akong makatayo!? Gusto ko sanang pagsabihan siya pero nakakatakot naman ang mukha niya. Naka bonnet siya na kulay itim at may extra piercing sa itaas ng right ear niya na skull. ang pangit naman tingan! Tumayo nalang ako at nag bad finger sa kanya bago tumakbo papasok ng classroom.

*Anthonie's POV*

Nakakainis naman yung babaeng yun! Ang bulag, eh naka glasses naman. Pero cute siya, intsik eh. Pero hindi naman ako mahilig sa intsik, at ang payat payat nun! Wala ngang boobs yun eh. Hinding hindi ako magkakagusto sa babaeng yun. 

Nakakatamad namang pumasok ng school! At ayoko naman makita ang pagmumukha nung Lianne na yun. Pero huli nang mag cut ng class, nasa loob na ako ng school eh. Ang strikto naman kasi nitong admin, kala mo naman kung gaano ka ganda ang school na to. Eh parang mas maganda pang tingan ang public schools eh.

Algebra ang first period. Kaya nag lakad2 nalang ako sa loob ng school. Tempting mag stay sa library kasi aircon pero papagalitan naman ako ng librarian kaya wag nalang. Nang umakyat ako ng second floor, nag yumuko ako pagdaan ng classroom, baka makita pa ako ni sir Gomez. nang dumaan ako sa section 1, nakita ko ulit yung babaeng naka bangga ko kanina. Ang cute niya pala talaga. Mahaba ang buhok at naka clip tapos naka glasses, parang anime! Napansin niyang tinitingan ko siya at napatingin siya sa akin. Biglang nag iba ang mukha niya at nag bad finger sa akin at tumingin na ulit sa teacher. 

ANAK NG! Nakakabuwiset yun ah! Biglang nag init ang dugo ko, parang sasabog na ako! Pero nag control ako. Bigla siyang tinawag ni miss Rizal.

"What is the square root, miss Liu?" Tanong niya.

"Fifteen point nine ma'am." Wow, on the spot niyang sinagot yun ah!

Hindi parin nawala ang galit ko sa kanya. Humanda ka sa akin Liu. Humanda ka!

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon