Chapter 38

861 15 2
                                    

*Anna's POV*

lumabas na ako ng clinic, sabi ng nurse di daw ako pwede mag antay doon. psh, if all i know gusto niya lang lumandi kay Chris. 

nakita ko ang barkada, masaya sila. hay medyo namimiss ko na rin sila. pero ayokong makita magkasama si Anthonie at Maya. masyadong masakit para sa akin. pero okay lang yun, i'm sure na makakaget over din ako sa lalakeng yun. 

first love never dies.

bigla naman akong huminto sa paglalakad. ano yun? lumingon ako pero wala namang tao.

ano ba yun -__________-

"Angela."

"ay kabayo!"

natawa si Pete. "hindi ka parin nagbabago, ikaw parin si Angela."

i rolled my eyes. "psh, yeah right. ano bang gusto mo?"

"kilala ko si Anthonie. hindi siya ang type na makikipag suntukan ng walang rason. oo mahilig siya makipag away pero dahil nasa tama siya."

"o tapos? eh kung si Chris ang nanguna? it doesn't change the fact na may nangyari."

"ibang iba ka na talaga. just give Anthonie a chance Anj."

i laughed. "blame it on your best friend. pagod na akong umasa, sila nanaman dapat ang umasa Pete." tumalikod na ako pero biglang hinawakan ni Pete ang kamay ko.

"hindi mo man lang ba namiss si Gem?" tiningnan ko ang barkada. nakikinig pala sila sa usapan namin. nakita ko namang naiyak si Gem. hay i do miss her :( pero kailangan ko magpaka tatag. hanging with them just brings back the memories. 

"i have new friends Pete." sabay higit ng kamay ko.

di ko na napigilan at naiyak na ako. ako din hindi ko alam kung anong point ng ginagawa ko. nag rerebelde ba ako? siguro nga. first love ko siya eh.. tapos ganito? dapat nga siguro hindi nalang ako nagmahal. pero.. it's better to have loved and lost than never to have loved at all right?

now that i think about it, maybe i am one step closer to my prince charming.

pero agad namang nawala ang ngiting yun nung naalala kong arranged na ako kay Chris. hay, ampotang buhay to oh =_____= pano ba naging madrama ang buhay ko? dati nga wala akong planong magka love life at heto ako, arranged na.

nag starbucks nalang akong mag isa. wala na namang ginagawa sa school eh. wala na naman din akong gana pumasok. kakadepress talaga maging sawi sa pag ibig, panu ba nakaka survive ang mga taong nasa relationship na one sided love? -.-

FAST FORWARD DECEMBER

ang bilis ng panahon, december na! and this month na rin ang upcoming national school festival. excited na nga akong mag christmas vacation. since tapos na ang tests, kulang nalang ang preparation para sa national school festival kasi this year sa school namin maheheld. 

kamusta na ba kami ni Anthonie? aish, kanina ko pa kayo inaaliw sa mga kwento ko. hindi parin kami okay. nabalitaan ko nalang na buntis daw si Maya at pina abort niya ang baby kaya raw sila nag break ni Anthonie. back to business nanaman si Anthonie of course, babae dito, babae doon. mas dumami pa nga ang pumila para maging gf niya lalo nung nalaman nilang hindi na virgin si Anthonie. ang landi leche.

eto ako, mahal na mahal parin siya. si Chris naman.. hindi ko parin mahal. hindi ko talaga kayang pilitin ang puso ko. pero natanggap ko na rin na magiging kami na talaga ni Chris until the end.

"babe." niyakap ako ni Chris mula sa likod ko. pero wala talaga yung kilig na feeling.

"oh? bakit?"

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon