Chapter 41

822 11 1
                                    

*Angel's POV*

"Angel?" 

"papa!"

tumakbo ako at niyakap ang papa ko. tuesday na, three days before christmas. kailangan ko na ring mag christmas shopping para kina Maya, and siyempre sa bad boy kong gwapo :")

"papa, can i go out christmas shopping later?"

tumingin siya sa akin. "sige, i think you've learned your lesson. basta bigyan mo ng magandang regalo si papa ha?"

lumabas na ako at nagmaneho papuntang MOA. medyo magulo na rin ang mall ngayon kasi nga malapit nang mag christmas eve. dumiretso na muna ako ng Mango para mamili ng damit para sa sarili ko. psh, hindi ako nakapunta sa festival eh, christmas party pa naman din namin yun -_-

dumiretso na ako ng F21 at namili ng regalo ko para kina Maya. binilhan ko si Lee ng lime green na slouchy beanie, mahilig siya sa beanie eh! kay Maya naman isang pink ballet flats na may gold ribbon. kay bestfriend Gem, isang gold na friendship ring. 

next dumiretso na ako sa ibang tindahan para sa regalo ko kina Pete. naisipan kong parehang regalo nalang ang ibili ko kay Chris >:) part 1.1 yan sa aking master plan ng revenge. alam kong napakaliit lang ng bagay na yun pero sobrang bitter talaga ako eh.

kay Anthonie nalang ang regalong kulang. hay, ano bang ibibigay kong regalo sa kanya? umupo nalang muna ako sa isang bench ng makita ko ang unisilver. nakita ko yung model na lalake, sino nga ba yun? basta si mr. model. tapos napansin kong nakasuot siya ng isang piercing. 

AHA! PIERCING NGA!

tumakbo na ako papasok sa unisilver. at ayun, nakita ko ang perfect earring para kay Anthonie. isang silver earring na may angel. perfect, para maalala niya ako kapag suot ko yun. binayaran ko na agad. paglabas ko ng Unisilver i felt so fullfilled. naupo na ulit ako sa bench.

maya maya may matandang babaeng tumabi sa akin. mukhang 60 na siya, puti na ang buhok at may dalang tungkod. nagulat naman ako nang bigla siyang ngumiti sa akin. tumingin ako sa likod pero wala namang tao, so sa akin nga siya ngumingiti!

"iha, gusto mo bang magpa palm reading?"

"po?"

"palm reading."

napakamot naman ako ng ulo. "hi--" pero ang cute niya eh! chubby na lola, naalala ko ang lola sa kanya. aish, sige na nga. di na naman ako naniniwala diyan eh. 

"sige po."

tiningan niya ang palad ko. at first masya ang mukha niya pero bigla namang umasim ang mukha niya. bigla naman akong kinabahan. waaaa! relax angela! hindi ka naniniwala diyan, hula lang yan. approximate lang yan.

"b-bakit po?"

"maghihiwalay kayo ng boyfriend mo iha. wag mong hahayaan na magkita kayo sa valentine's."

"p-po? bakit naman po??" 

kinuha ko na ang kamay ko mula sa kanya. ano ba yan. kinakabahan ako, ba't ba ganito tong matandang ito? i don't find her cute anymore. biglang sumikip ang dibdib ko. hula lang yan Angel, wag kang padala. wooooh!

"iha, magtiwala ka lang sa akin okay?"

"kailangan ko na pong umalis lola."

tumakbo na ako paalis. ang bilis ng tibok ng puso ko. psh, hindi naman totoo ang ma hula eh, kaya nga hula diba? hindi ako makapag concentrate sa pag mamaneho, malapit akong makabangga ng pusa >.< pumasok na ako ng bahay at medyo nagulat ako nang makita ko si mama na nakaupo sa couch.

shet para siyang multo -.-

"mama, you're here."

"ah yeah."

tumayo pa ako sandali doon nang bigla siyang tumingin mula sa kanyang newspaper na binabasa. "what?'

"um nothing. sige akyat na ako ma."

"okay."

ang awkward talaga namin ni mama. pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. tinawagan ko si Gem at kinuwento ang nangyari. medyo kinabahan din siya pero sabi niya na okay lan daw yun kasi hula lang naman daw yun.

"pero Anj, wag nalang kaya kayo magkita pag valentines?"

"psh Gem naman. wag na nga muna natin isipin yun, mahaba pa ang oras."

"ge."

medyo napagod ako sa lakad ko kaya umidlip muna ako sandali.

nagising ako. medyo madilim na rin pero ba't wala pa ang ilaw? nagpalit ako sa swimsuit ko at lumangoy ako. nang umahon ako nakita ko si Anthonie nakatayo, sa tabi niya may lamesa na may candle lit dinner. binigyan niya ako ng towel at yumakap ako sa kanya sabay halik. 

"happy valentine's baby ko."

nanlamig ako at lumayo ako sa kanya. bigla naman akong nahulog sa pool. di ako makalangoy, sobrang nanigas ako, tawag ako ng tawag ng pangalan ni Anthonie pero di siya sumasagot. nang maka ahon ako, nakatayo lang siya doon nang biglang may sasakyang papunta sa kanya at nasagasaan siya. biglang tumilapon ang ulo niya malapit sa may pool at ngumiti ito sa akin.

"ANTHONIE!!!"

nagising ako sa kama ko. nakita kong 2am na. grabe ang tagal ko palang naka tulog. hindi ko napigilang umiyak ulit. grabe ano ba yun, bigla namang sumikip ang dibdib ko nang maalala ko yun. 

hindi pwede, hindi yun totoo. 

vote comment be a fan? :) 

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon