Chapter 9

1.4K 21 0
                                    

*Angela's POV*

Sabay kaming nag lunch ni Anthonie ngayon. Traydor kasi si Gem, iniwan ako

"Ang tagal mo namang matapos kumain, malalate na tayo." Kahit kailan reklamador talaga si Anthonie.

"Hindi naman kasi ako kagaya sayo, para bang tornado kung kumain."

"Tumahimik ka na nga at kumain ka na diyan." 

"Suplado mo ngayon ah."

"Wag ka ngang dumagdag sa problema ko."

I stopped eating and looked at him. Buti naman parang narealize niyang mali yung sinabi niya sa akin. Tumayo ako iniwan siyang mag isa. Naramdaman kong sinundan niya ako pero hindi man lang siya nag sorry. Nakakainis. Hindi na kami nag usap pagtapos nun. Nung nag ring ang bell lumabas agad siya ng classroom. Ang oa, ako nga dapat tong nagagalit ng grabe eh. 

Nag starbucks kami ni Gem after school. Thursday naman din ngayon eh at gusto naming makapag relax. Nagkita kami ni Pete at Christian at sumabay na sila sa amin. Si Pete at Gem para ng lovebirds kahit ngayon lang nagkakilala. Ang weird kasi kung titingan mo para kaming nag dodouble date. 

"Kamusta naman kayo ni Anthonie?" Tanong ni Christian.

"Hmm, eto nag aaway nanaman kami. Grabe kasi siya mag mood swings, daig pa ang buntis!"

Natawa siya. "Pagpasensyahan mo nalang siya, ganyan talaga siya."

"Sana kaugali nalang kayo ni Anthonie, ang bait mo kasi."

"Hindi naman masyado. Eh ang swerte nga ni Anthonie sayo eh."

I blushed. Ang sweet naman nito ni Christian. Pero bakit parang hindi ko siya nagugustohan? Bigla kong naisip si Anthonie. No, I don't like him. I would never like a guy like Anthonie. Masyado siyang bad boy, in short he's out of my league. Wala naman din akong type sa mga lalake eh, pare pareho lang naman sila except for Anthonie. He stands out. bad boy kasi eh.

Kinabukasan maaga akong pumasok ng school. Mga seven nandito na ako, so nag aral nalang ako sa classroom. Mayamayay dumarami na ang studyante sa school. Dumating na si miss Sison pero wala parin si Anthonie. Baka naman nagpapaka bad boy lang at nagpapalate. Then the weirdest thing happend. May lalakeng pumasok ng school. Malinis tingan, short hair hindi gaya na bieber hair niya dati. Tapos nawala yung piercing niya sa tenga. 

"Uy loser, ba't parang ang lagkit ng tingin mo sa akin." Nag smile siya.

"Anong nangyari? Ba't..."

"Wag ka ngang maingay diyan at making ka nalang."

*Anthonie's POV*

Oo, nagpagupit ako at di na ako nagsusuot ng piercings. Para naman maiba na ang tingin ni Angel sa akin. Halos hindi nga ako nakilala nina Pete at Christian. Ganyan na ba talaga kalaki ng pinagbago ng hitsura ko.

Nung reccess pumunta muna ako ng locker. Wala na masyadong tao kasi nasa caf silang lahat. Napansin kong may babaeng tumabi sa akin.

"Hey babe."

"Lianne."

"Wow, mas gumwapo ka ata. para sa akin ba yan?"

"We're over Lianne, ano ba."

"Please Anthonie, lahat ng lalakeng dumaan sa akin ay hindi nakakapag move on." She caressed my cheek.

I slapped her hand away. "Tama na Lianne!"

"Why? Am I a temptation to you?"

"Hindi, naawa lang ako sayo. Stop this nonsense please."

"Okay fine, but can I kiss you one last time?"

"No. alis na ako."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ako sa labi. I quickly pushed her away. "ANO BA!?"

She smiled. "lighten up babe!" 

She skipped to the caf. Pinunasan ko ang labi ko, buwiset. Nakakainis ang babaeng yun. Pano kung nakita niya kami ni Angel!? I punched my locker, and kicked it again. Sira na ang locker ko. Papagalitan nanaman ako nito. Ampota.

Pumunta nalang ako ng classroom hanggang sa natapos na ang reccess. Pumasok si Angel at pulang pula ang mga mata nito, para bang umiyak? Tumingin siya sa akin pero umiwas agad ng tingin. kKinuha niya ang panyo niya mula sa bulsa niya at pinunasan ang mata. Ano kayang nangyari? Buwiset naman kasi tong si Lianne, maaga sana akong nakapunta ng caf at nakita kung anong nangyari.

"Okay ka lang ba?" 

She looked at me and smiled. "Ah oo, bakit naman hindi?"

"Ba't umiiyak ka?"

"Wala to, allergies lang."

Hindi ko na siya tinanong kung anong nangyari pagkatapos. 

*Angel's POV*

After ng computer period, bumalik na kami ng classroom. May note na nakapatong sa desk ko. Kinuha ko to at binasa.

RECCESS, SA LABAS NG GIRL'S CR

Ha? Sino naman kaya ang naglagay nito dito? Biglang pumunta sa isip ko si Anthonie. May pa surprise pa tong nalalaman? Sinampal ko ng mahina ang sarili ko, hindi naman siguro siya ang naglagay nito sa desk ko. Pero sino? 

Ang tagal namang matapos ng period na to! Naiinip na kasi ako. Sino ba kasi ang naglagay nito dito at hindi pa nilagay ang pangalan niya?

"Ba't di ka mapakali diyan? Naiihi ka ba?" Tanong ni Anthonie.

"Hindi ah, gutom na ako eh! gusto ko ng mag reccess."

"Kahit kailan baboy ka talaga."

Nag ring na ang bell at dumiretso na ako agad sa may girls cr. Tumingin tingin ako sa mga tao pero parang wala namang gusto makipag kita saken. Umupo nalang ako sa hagdan sa tabi ng cr at nag hintay. Ilang minuto na din ang lumipas wala pang tao. Nakita ko si Anthonie, pumunta siya sa locker niya. Hm, ang bait niya tingan sa bagong buhok niya at mas gumwapo. 

Biglang lumapit si Lianne sa kanya. Ang landi talaga nitong babaeng to. Pati ang uniform ginawang costume pang prostitute! Ang standard uniform ay one inch below the knee, eh baka tinopak tong babaeng to at ginawang one inch above the knee. At ang fitting pa ng blouse ah! Hindi ko napansin ang nangyari kasi tingin ako ng tingin sa uniform niya. Biglang umalis si Anthonie pero hinawakan ni Lianne ang kamay niya.

What?

Tapos bigla niyang hinalikan si Anthonie. Hindi na ako tumingin pa ulit at tumakbo paakyat ng second floor. Ang tanga ko talaga, of course they still like each other. Baka naman nahihiya lang talaga si Anthonie na sabihin sa akin. Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Umiyak nalang ako sa sulok. Why the hell am I even crying? It's not like I like him right? Were not even together in the first place?

But why do I feel so broken?

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon