Chapter 56

861 13 1
                                    

*anthonie's POV*

masamang boyfriend ba ako? hindi naman diba?

kaya nga ginagawa ko tong surprise na to for angel. 

tsaka sino naman ang matandang yun para pag diktahan ang hinaharap? Diyos ba siya? psh. tong si angel naman nagpapadala sa lokong matanda na yun. paano namin ma cecelebrate ang valentine's namin together? tangina naman first namin to eh!

ayan. naghanda ako ng "romantic dinner" para sa amin, sa rooftop ng isang building. pumupunta ako dito dati na ako lang mag isa. para na rin siyang secret hideout ko. iba rin yung meadow no, nahanap ko lang yun nung nag camping kami dati nung boyscout ako. pumupunta din naman ako doon pero mas gusto ko dito.

ay ba't ko ba ineexplain sayo to!? pake niyo ba kung dalawa ang hideout ko!? 

kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si angel.

"hello?"

"baby ko.."

"yeah?"

"dali punta ka sa rooftop ng *cbdshbc* building."

tumahimik ang linya. 

"anthonie?"

"yup?"

"may.. may surprise ka ba?"

"ha? wala ah. ang hangin mo talaga kahit kailan. gusto ko lang na sabay tayo manood ng sunset."

"ganun ba? osige."

"bye, love you."

"love you too."

inayos ko na muna ang table cloth. niready ko na rin ang kandila para sa aming candlelit dinner. grabe first time kong mag effort para sa babae! 

pero hindi lang naman siya basta babae. siya si angela liu, ang babaeng mahal na mahal ko. ang babaeng magiging asawa ko sa hinaharap. ang babaeng magiging anak ng aking labing tatlong anak!

oo labing tatlo. may angal kayo? bakit? kayo ba ang gagawa!? hindi naman diba?!

"ANTHONIE!?"

"baby ko!"

yayakapin ko na sana siya pero bigla niya akong tinulak. 

"WHAT THE HELL ANTHONIE?! DIBA SABI KO NGA SAYO WAG KANG GAGAWA NG SURPRISE? NAALALA MO PA BA YUNG HULA NG MATANDA SA AKIN?

"angel.. it's our f--"

"WALA AKONG PAKE. MADAMI PA NAMAN TAYONG VALENTINE'S DAY NA MACECELEBRATE AH? BA'T ANG TIGAS NG ULO MO?"

"nakita kasi kitang malungkot, nakatunganga sa mga couples kanina."

"EH ANO NAMAN NGAYON KUNG MALUNGKOT AKO KASI WALA KANG SURPRISE? HINDI NAMAN AKO MAMATAY NIYAN ANTHONIE. MAMATAY AKO KAPAG MAGKATOTOO ANG HULA. GETS MO BA?" umiyak siya.

masama ba talagang mag surprise? :( di naman diba? gusto ko lang naman siya maging masaya eh! lintek na tanda yun!

di ko napansin na wala na pala siya sa harap ko. pilit kong sinundan siya pero hindi ko siya makita. bumalik nalang ako sa rooftop at pinanood ang sunset mag isa. pilit ko siyang tinatawagan pero hindi naman siya sumasagot. ano ba naman to oh!

hindi ko nalang siya tinawagan. maybe she needs some space? sana nakinig nalang ako.. pero diba sabi nga nila opposite daw ang sinasabi ng mga babae sa kanilang iniisip? tama ba ako? =___= 

bigla namang nag ring ang cellphone ko.

"angela!?"

"anthonie.."

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon