Chapter 40

817 13 0
                                    

 a/n: changed anthonie's character, again! crush na crush ko na talaga si jang geun suk. nanonood kasi ako ng love rain tapos naalala ko ang bad boy image ni Anthonie kay joon (character ni geun suk sa love rain) plus costar niya pa si yoona. diba ang galing? :> kung gusto niyong manood ng love rain just click the external link. hindi pa ata complete kasi sa KBS ako nanonood, yung korean channel hahaha! hahah ewan basta 

o sige dami ko pang satsat, update na!

-------------------------------------------------------------------------

*Anna's POV*

the next day pinapunta ko ang barkada sa bahay. at first ayaw pumunta ni Gem pero ininsist ni Pete na pumunta na. turns out alam pala ni Pete at Greg ang pangyayari. kaya heto sila, nasa sala namin. mga limag minuto na kaming naka tulala, walang gustong mag salita. gulat naman sila nang makita nila si Anthonie nung pumasok sila sa bahay ko.

siniko ko si Anthonie. tiningnan niya ako at sumenyas ako na magsalita na. 

"so um.. kami na ulit ni Angela." 

nanlaki naman ang mga mata nila. tumayo si Pete at Greg at nakipag apir sa kanila. tumabi naman sina Gem sa akin at nag sorry ako sa kanila. naiintinidhan naman nila ako pero gulat parin sila sa aking sudden change ng image, ako rin naman -________-

"so panu kayo nagkabalikan? panu na si Chris?"

ayun kinuwento ko sa kanila ang pangyayari. shock na shock sila. 

"nagawa talaga ni Chris yun?" tanong ni Maya.

i rolled my eyes. "wag ka ngang mag inarte diyan? kung kelangan mo ng pera, papahiramin ka naman namin ah?" 

"oo nga, nasisiraan ka na ba bg bait  Maya?" tanong ni Gem.

she sighed. "sorry guys ha?"

nagulat ako nang biglang may humalik sa pisngi ko, si Anthonie pala :")

"psh, nilalanggam ako sa inyo." sabi ni Lee. pinisil naman ni Greg ang pisngi niya.

"guys, kailangan nating isikreto to ah? pagbalik ni Chris back to strangers dapat. hanggang sa makahanap kami ng paraan." sabi ni Anthonie.

"grabe, hindi parin ako makapaniwala na nagawa ni Chris yun." sabi ni Lee.

"psh, eh gago yun eh." sabi ni Anthonie.

tumayo ako. "ano ba guys, enjoy nalang natin ang christmas vacation! tara swimming tayo."

pinahiram ko sina Maya ng swimsuit ko. yung mga lalake naman always prepared, may dalang swimming trunks. holding hands kaming girls sabay takbo at talon sa swimming pool. ang mga boys naman nag holding hands sabay gawa ng wavy motion tapos sabay talon sa pool.

naglaro lang kami hanggang sa nakisali na rin si Charles. psh, epal talaga ang batang to oh -__-  

nahati na ang swimming pool, nasa kabilang side ang boys at nasa kabilang side naman kaming mga girls. kwento kwentuhan lang kami hanggang sa umabot na kami sa topic tungkol sa love life ni Maya. ayun napa amin namin na crush nga niya si Chris. kahit daw kontrabida daw siya sa love story namin ni Anthonie, siya raw ang prince charming ng love story nila ni Maya. 

ang cheesy talaga ng babaeng to -____________________-

"so girls, anong plano niyo pag college?" tanong ni Lee.

"ako! gusto ko magkaroon ng sariling boutique." sabi ni Gem. "course ko, entrep."

"ako.. siguro magiging vet ako." sabi ni Maya.

"magiging sexy stewardess naman ang pinakamamahal niyong si Lianne." sabi ni Lee and we splashed water at her. "mga KJ kayo."

"eh ikaw Anj?" tanong ni Maya.

"ako?" teka, ano nga ba ang gusto kong gawin? wala pa akong naiisip na plano para sa buhay ko eh :/

"wag mong sabihin na wala ka pang plano?" tanong ni Lee.

"Angela naman! malapit na ang March, hanubey." sabi ni Gem.

"eh paano ba naman kasi, puro Anthonie ang nasa utak." sabay roll ng eyes ni Maya.

"ano ba kayo! daig niyo pa ang nanay ko =____="

"siyempre concerned lang kami sayo ano." sabi ni Lee.

"don't tell me mag aasawa kayo ni Anthonie after graduation!?" sabi ni Maya.

"hoy ano ako gaga? at least di ako nagpa abort gaya ng iba diyan." natawa naman kami.

mamaya nag luto na ako ng barbecue, oo ako pa ang nagluto para sa kanila. psh. naglalagay na ako ng barbecue sauce nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko. napangiti naman agad ako nang maamoy ko ang mabangong amoy ni Anthonie.

"galing naman mag luto ng asawa ko." sabi niya. lumakas naman ang tibok ng puso ko sa salitang asawa ko :")

"psh, alis nga. di ako makapagluto ng maayos eh." sabi ko. 

"ito naman. namiss ko nga lang ang asawa ko eh."

"hoy! gusto namin lasang barbecue ang pagkain namin, hindi asukal!" sigaw ni Greg. 

nagtawanan naman kami. gabi na at kumain kami sa labas. ang ganda ng gabi kasi ang daming bituin. mamaya humiga na kami sa damo, nakayakap lang ako kay Anthonie. sa ilang buwang naging senior ako, ito na ata ang isa sa masayang araw ng buhay ko. naramdaman kong hinalikan ako ni Anthonie sa ulo. 

nagsiuwian na rin sila, naiwan pa sandali si Anthonie. gusto sanang tumabi sa akin pero binatukan ko lang siya gamit ang tsinelas ko. pervert talaga ang lalakeng to oh! matapos kong maligo, humiga na ako sa kama. biglang nag ring ang cellphone ko, new message.

from: badboy ko <3

good night baby ko. 

wala man lang smiley =_________= psh. nireplyan ko siya at natulog na. bigla namang nag ring ulit ang cellphone ko. kinuha ko naman, excited na excited na mabasa ang reply ni Anthonie pero agad namang nawala ang saya ko nang makita kung sinong nag text.

from: Chris (:

fiancee koo, matulog ka ng maayos ah? malapit na akong umuwi. love you.

natapon ko ang cellphone ko nang di sinasadiya. aish, i need a new phone na -_-

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon