Chapter 13

1.2K 18 3
                                    

*Angel's POV*

Nung hapon na yun, naglakad kaming tatlo ni Anthonie at Pete sa school. Free period na kasi so naglakad kami. Umupo kami sa ilalim ng puno at tumingin sa mga cheer leader na nag prapractice. 

"Uy pare, diba si Seline yun?"

"Ha? Ah oo."

"Sino si Seline?" Tanong ko. Pinsan niya? Medyo magkamukha sila eh.

"Ah, ex ko."

Parang naging awkward kami.

"Ba't nga kayo nag break?" Tanong ni Pete.

"Wala ng spark." Kinabahan ako sa sinabi ni Anthonie. Pano kung mawalan kami ng spark ni Anthonie? I shook my head. Ano namang pakialam ko! As if naman gusto ko na talaga siya. I mean oo like ko siya pero hindi pa ako naka abot sa.. Ewan di ko maexplain ng maayos!

"Ha? Ang corny niyo naman. Ang sexy na nga niyan oh." siniko ko si Pete tapos nag high five sila ni Anthonie. Mga lalake talaga oh!

"Oo nga. Malaki ang dibdib, malaki ang pwet. Ang galing pang sumayaw." Tiningnan ko ang dibdib ko. 39B lang ako! Tiningnan ko yung Seline, parang cap C na nga yun! Ang ganda pa ng buhok niya, pero parang pinaayos nga lang sa salon.

"Oh Loser, ba't ka naka tunganga? Selos ka?" Binatukan ko siya at inakbayan niya ako. Pero tinanggal ko. Kung makapag salita parang di seloso -___-

Tumingin ako sa salamin. Hindi ako yung tipo ng babae na mahilig sa make up pero since may boyfriend na ako, feel ko kailangan ko nang magpaganda. Mahaba ang buhok ko pero laging naka tali. Naka glasses pa ako tapos ang kapal pa ng frames. Tapos naka braces pa ako. Ang nerd ko  pala talaga tingan! Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang number ni Gem. Maarte yun, baka pwede niyang bigyan ang pinaka mamahal niyang best friend ng beauty tips?

"Hello?" 

"Gem! Punta ka nga dito sa bahay? Please?"

"Ha? Gabi na. Nakakapagod! bukas nalang."

"Sige na, dito ka nalang matulog. Papasundo kita kay manong. Sige naaaa!"

"Uggh. Fine!"

Malapit lang naman din ang bahay nila Gem sa amin, maybe three or five streets away lang. Magkaibigan na kami mula pagka bata. Actually friends na ang parents ko at parents ni Gem since dati pa at arranged marriage sana kami. Kaso, babae kaming dalawa ni Gem lol :P

"Ano ba naman kasi yang emergency mo?"

"Nerd ba ako tingan?"

Nakatitig lang siya sa akin. May dumi ba ako sa mukha? 

"Hoy! Sumagot ka nga diyan."

"Yan lang ba ang problema mo?"

I nodded.

"Mahal mo na ata talaga yang si Anthonie ah!" Binatukan niya ako.

"Hindi naman.."

"Sus! Aminin niyo na kasi. Pareho lang kayo ni Anthonie na hindi umaamin na gusto niyo na ang isa't isa talaga eh. Besides, pinapunta mo ako dito sa bahay niyo para lang tanungin ako kung mukha ka bang nerd? Tch. Tinamaan ka na nga talaga."

"Kung makapag salita ka parang di ka inlove! Tsaka, ha? Nagusap kayo?!" 

"Masyado ka namang excited! Hindi, sinabi lang ni Pete saken yun."

"Ah.. Tulungan mo naman ako magpaganda oh!"

"Seryoso? Gusto mo talagang mag change ng image?" Na shock siya. 

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon