Chapter 19

1.2K 16 0
                                    

*Anthonie's POV*

Naka tambay lang kami nina Angel, Gem at Pete sa caf. Hindi na kami nagkikita at nagkausap ni Christian. Buti naman at baka maupakan ko pa ang gagong yun. 

Eto kami, naka tunganga lang sa caf. Ang boring naman kasi. Nung naging girlfriend ko kasi tong si Angel hindi na kami lumalabas. Ni hindi na nga ako maka cutting kasi pinipigilan ako ni Angel. Eto ako, nag papapigil din. 

"Pete, inom tayo mamaya."

Binatukan ako ni Angel. "Bobo ka ba!? Naalala mo ba yung nangyari ha? O gusto mo lang talaga lumandi?"

"Ano ba babe, have some trust! Besides, sa bahay lang kami. Gusto mong sumama?"

"Hmmm.. Sige na nga." Ngumiti siya. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

These past few days, bumibilis ang tibok ng puso ko pag nakikita ko siya. Hindi nga matanggal sa isip ko yung pinag sasabi ni Angel sa akin nung umuwi siya galing Jeju island. First time kong maramdaman to. Pag hindi ko naman siya nakikita para bang kulang? Dati pag hindi ko nakikita ang mga girl friend ko, I feel free. Ayokong mawala si Angel sa akin.

*Angel's POV*

Naglalakad kami ni Anthonie sa hallway, magka hawak pa kami ng kamay. I really don't care if magka offense kami na PDA, as long as ang ka PDA ko ay si Anthonie. Ganito pala ang feeling ng PDA no? Parang last week ko lang sinabi na nasusuka ako pag may nakikita akong PDA pero ngayon alam ko na yung feeling. Kapag gusto mo talaga yung kasama mo hindi mo talagang mapipigilan.

Ew. Cheesy much?

Bigla niyang hinigpitan ang kamay ko. Tiningnan ko siya at ngumingiti siya. Ewan ko ba bakit pero bumibilis ang tibok ng puso ko pag nakikita ko siyang naka ngiti. I know I've said that a million times but this time I'm sure. I think i really really like this bad boy. No, scratch that. I love this bad boy. I realized hindi pa namin nasasabi sa isa't isa na "I love you." 

Nang makatingin ako ulit sa hallway nakita ko si Christian na naka tingin sa amin. Tumigil sa paglakad si Anthonie at tumigil na din ako. Naramdaman ko namang mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hinigpitan ko na din ang hawak ko sa kamay niya. 

Bigla naman akong kinabahan. Nararamdaman ko yung tension sa kanilang dalawa. Tinignan ko ang mukha ni Anthonie. Mukhang wala naman sa mukha niya ang gusto makpiag suntukan pero kinakabahan parin ako. Nag simula ulit kaming maglakad. Pero nagulat nalang ako ng biglang itulak ako papalayo ni Anthonie at naka upo na siya sa sahig. Nag tinginan naman ang mga studyante. 

Bigla namang tumayo si Anthonie at hinawakan ang kwelyo ni Christian. Aawat na sana ako nang biglang hinawakan ako nina Gem at Pete. Pinilit ko namang makawala pero ang higpit ng hawak ni Pete. Naiiyak na ako. Ayaw ko namang makipag away si Anthonie ng dahil sa akin lalo na't sa pinsan niya pa.

"Isa ka nalang talaga at uupakan na kita!" Sigaw ni Anthonie.

"Kung mag suntokan nalang tayo ngayon ha?"

"I'm warning you."

"Wag ka na masyadong pa-down to earth diyan. Come on, hit me." Christian was taunting him. Ang sarap niyang pag sasampalin! Wala akong pake kung tinulungan niya ako. He's being a jerk right now!

For a minute there akala ko susuntukin na niya talaga si Christian but instead he pushed him papunta sa mga locker at umalis. Tumawa naman si Christian. Nababaliw na siguro ang lalaking yun. tinignan ko siya ng masama at ngumiti lang siya sa akin. Susundan ko na sana si Anthonie pero pinigilan ako ni Pete.

"Hayaan mo muna siya. Susunduin kita sa bahay mo around 6 ha?" 

I nodded.

Umuwi ako ng bahay para maligo at makapagpalit ng damit. Tinext ko si Anthonie pero hindi siya nag reply. Nako bahala nalang nga to mamaya. Sinundo na ako ni Pete mamaya with his Black Sedan. Papasok na sana ako sa backseat nang bigla niyang ibinaba ang bintana ng front seat.

"Dito ka na umupo sa front seat."

Binuksan ko ang pintuan at pumasok na sa sasakyan. "O ba't ikaw lang? Nasan si Gem?"

"Hindi daw siya makakapunta eh." Aba at nag pout pa ang loko!

"Ah sige,"

Hindi kami nagusap ni Pete. Hindi naman kasi kami ganyan ka close. So medyo awkward kami. Buti nalang at may radyo at nilakasan niya ito. Maya maya nakarating na kami sa bahay ni Anthonie. Ang laki talaga nito, mas malaki pa ata sa bahay namin. Or maybe sa MOA! hahahahahah joke, pero malaki talaga to. May pool pa sila at may 4 na garahe. Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa veranda nila. Matagal na din since naka punta ako dito, hindi na kasi nagpapa tutor tong si Anthonie kasi na didistract daw siya sa akin. I know, corny right?

"Oy babe! Pete!" Nakangiting sabi ni Anthonie.

"Oy pare!" Sabay apir. Parang ilang taong hindi nag kita ah!

"Babe." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Para bang may kuryente na dumaan sa mga parteng naka dikit sa kanya!

"Hey babe." Hinalikan ko ang psingi niya.

"Uh hello, single here?! Tara inom na tayo!"

Medyo marami na ang nainom ko. Mga tatlong bote na. Nalalasing na din ata ako kasi medyo blurry na ang paningin ko. Pag tapos..

*BLACK OUT*

Nagising ako sa tunog ng aso. Ang ingay naman! parang nasa labas ata ng kwarto. Pero teka lang, wala naman kaming aso ah! Baka naman bumili si Charles. Lagot ang batang yan sa akin pag gising na ako. Hinayaan ko nalang ang tahol ng aso at nag change position nalang.

Teka, ba't parang matigas tong unan na yakap ko? At ba't parang nakayakap din to sa akin!? Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Anthonie na natutulog sa tabi ko na yakap ako. And the worst part is naka yakap din ako! NAKA BUKAS PA YUNG BIBIG NIYA AT EW LANG AMOY BEER + PANIS NA LAWAY! WHAT THE!? 

I screamed at the top of my lungs. 

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon