Chapter 47

793 15 1
                                    

[a/n: guysss ngayon ko lang a realize na may glitch sa story ko pero inayos ko na. kung di niyo naman napansin wag niyo nalang po alamin, medyo nakakahiya eh! hahahah! sorry talaga, bago lang po ako eh at hindi po expert. next time i'll get my facts straight promise]

CUUUUTEEEE!! >>>

-----------------------------------------------------------------

last day of retreat na! hindi ko na ikwekwento kung anong nangyari basta heto last day na.nag gather na ang whole batch namin sa isang malaking hall. actually ito yung limang rooms at yung mga dingding dividers lang yun.

oras na para basahin namin ang aming retreat letters. nakatanggap ako mula kina gem, xena etc. kung pwede nga lang ang whole hall namin binaha na ng mga luha eh. hindi naman ako manhid, pero hindi ako naiyak sa mga sulat.

ayun, nag hug kami nila gem kasi nga "friends" na kami. natuwa naman si ate luisa nang makita niya kaming magkabati na. since tapos na akong magbasa ng letters ko naglakad lakad nalang ako. wala na naman kaming gagawin pagkatapos eh.

napadpad naman ako sa garden. naupo nalang ako sa ilalim ng puno. medyo mainit pa eh, mga 2pm. mamaya pa aalis ang aming bus kaya relax muna ako. medyo bumabasa na nga ang aking mga palad kasi kinakabahan ako sa mangyayari mamaya sa plano namin. paano kung di tumalab?!

"angela?"

lumingon ako. wala namang tao ah? for a second akala ko si anthonie na yun.

naaadik na ata ako sa kanya =.=

"huy! angela!"

lumingon nanaman ako. wala naman si anthonie ah!!

"hoy engot sa taas mo!"

napatingin naman ako sa taas ng punong kahoy at nakita si anthonie na nakaupo sa isang sangay. kanina pa ba siya andiyan? ba't di ko napansin? bumaba naman siya mula sa sangay at niyakap ako. pero parang may mali eh.

"anthonie?"

"hmmm?"

"umiyak ka ba?"

"hindi no."

"weh? lokohin mo loleng mo."

bumitaw siya sa yakap at tumingin sa akin. hindi nga ako nagkakamali! umiyak nga siya! umupo siya dun sa spot na inupuan ko kanina. pinat naman niya ang tabi niya.

"upo ka."

si anthonie ba to? ngayon ko lang siya nakitang ganito. umupo naman ako sa tabi niya at sumandal siya sa balikat ko. gusto ko sanang tanungin siya kung anong problema pero natatakot ako eh!

"alam mo.. wala akong natanggap na sulat mula sa papa ko. pero okay lang, ayaw ko naman sa kanya eh. nagulat lang ako na ang dami kong natanggap na sulat mula sa mga kaibigan ko. alam mo kasi.. sina pete mukhang napilitan lang na sumama sa akin kasi last wish yun ni mama bago siyang mamatay. pero mahal ko naman ang aking new mom, paminsan nga lang siya sa bahay."

"nung nakilala kita nagbago ang lahat eh. nung nagkabangga tayo nainis talaga ako sayo nun. gabi gabi lagi kitang iniisip, sino ba ang babaeng yun? ba't ang lake ng impact mo sa akin? dahil ba hindi mo ako nirespeto gaya ng ibang tao? dahil wala kang gusto sa akin gaya ng ibang babae?"

"pero dun ka pa narealize na.. mahal na pala kita. wala na akong mahihiling pa. kahit hindi na kami magka ayos ng papa.. okay lang." 

hindi ko mapgilang di maiyak, nagiguilty ako eh. ilang buwan na rin kaming nagkakilala ni anthonie pero.. wala man lang akong alam tungkol sa kanya. ang selfish ko.

"angel? ba't umiiyak ka?"

"a-ang selfish k-ko kasi-i."

natawa naman siya. "hindi mo naman kasalanan. hindi lang talaga ako komportableng mag share tungkol sa buhay ko."

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon