Chapter 10

1.3K 18 0
                                    

*Anthonie's POV*

Ilang araw na ding hindi kami naguusap ni Angel. Pag nagkikita kami, hanggang smile na lang. pag may itatanong ako sa kanya eh sasagutin niya ng maayos tapos dead air na. Kumakalat na sa school na nag break na raw kami pero dinedeny ko agad. Ewan ko ba bakit ko naman dineny, eh mas madali naman kung ganun eh.

Bakit ba ayaw niya nalang sabihin sa akin kung bakit siya nagtatampo? Yan talaga ang hirap sa mga babae. Ayaw nilang sabihin sa mga lalake kung anong nasa isip nila, kami para namang sasabog sa kakaisip kung anong ginawa naming mali. At ang masama sa lahat they act like nothing's wrong when in fact it's killing them! 

Dismissal na at nakita ko siyang nakikipag usap kay Christian. Ewan ko ba bakit pero parang nag selos ako sa nakita ko.

"Angel."

Tumingin siya sa akin at nawala ang tawa niya. Ganyan ba talaga ako kasama?

"Ano?"

"Um, usap nalang tayo mamaya. Tawagan kita okay?"

Biglang hinawakan ni Angel ang kamay ni Christian. What the hell? Sa ginawa niyang yun pakiramdam ko bumalik ako sandali sa mga panahong kinukumpara nila ako kay Christian. Ano ba talagang meron siya na wala ako? 

"Wag na. Ano bang sasabihin mo sa akin Anthonie?" 

"Ba't ba di mo ko pinapansin the past few days?" 

"Wala."

I took her shoulders and held her tight. "It's killing me Angel! Sabihin mo nalang kasi sa akin!"

"Tama na Anthonie! Nasasaktan ako!" 

I let her go. Naiiyak na kasi ang mga mata niya. 

"Please Angel..."

She looked down. "I saw you kissing Lianne."

"What? The other day by the lockers? That was no--"

"No need to explain. Kung mahal mo pa siya, sabihin mo. Hindi yung basta basta ka nalang nang gagago."

Her words were hurting me. Osige aaminin ko, hindi naman talaga ako yung tipo ng lalake na nag seseryoso. Hindi ako mahilig sa mga seryosong bagay gaya ng pakikipag relasyon pero wala ba talaga siyang natutunan tungkol sa akin nung mga panahong magkasama kami?

"She kissed me! Hindi ko naman yun ginusto eh!"

"Oh please babe, ikaw nga yung pinag pipilitan ang sarili mo sa akin eh." Napatingin kaming tatlo kay Lianne. That bitch! Planado niya nga to!

"SABIHIN MO ANG TOTOO!" Susuntukin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Christian. Buwiset! Di ko na mapigilan at sinuntok ko nalang ang dingding. Hindi naman masakit eh pero naramdaman kong dumugo ang kamay ko. I looked at Lianne who was helplessly shielding herself with her hands. Pathetic. 

Tumingin ako kay Angel, umiiyak na siya. Maybe I should just let her go kesa iyak lang siya nang iyak sa tabi ko. Ang buwiset naman kasi nitong Lianne, panira! Hindi ko napansin na marami na palang studyante na naka palibot sa amin. Nung nakita nilang tiningnan ko sila, para silang langgam na dali-daling nag alisan. Ah! Ganito na ba ako kasama? Naglakad ako papunta sa sasakyan ko at nag drive pauwi. 

Tumambay ako sa kwarto. Tinitigan ko lang ang wallpaper ng macbook air ko. Kaming dalawa ni Angel na naka wacky, taken during our field trip. Napa ngiti ako kasi ang ganda pala talaga ni Angel pag naka smile. Then i realized that I shouldn't give up that easily. 

*Angel's POV*

Ang boring na mag aral ng economics. Pulang pula na nga ang mga mata ko sa kakabasa ng libro. I went downstairs para uminom ng gatas. Biglang tumakbo si Charles papunta saken.

"Achie! achie Gem's outside." Then he kept on pulling me.

"Ano ba Charles, sandali lang!"

"Drink that later achie! You have to go!"

"Ang oa mo naman, parang di ka pa nagsasawa sa mukha ni Gem. Crush mo ba siya?" He didn't reply, he just kept on pulling me. Ang kulit naman nito so I let him pull me to the door. I was schocked. Hindi ko nakita kung sino yung nakatayo, nakahawak kasi siya ng malaking teddy bear na may suot na silver bracelet. 

"Sorry na.." Anthonie?

"Ano bang ginagawa mo dito, gabi na ah."

He gave the bear to Charles then Charles ran off.

"Para naman pala sa kanya yung bear, eh ba't pinatawag mo pa ako?" 

He pulled me into a hug. "Para sayo naman yun eh.."

"Sinabi na ni Lianne ang totoo, sorry kung di ako naniwala."

He hugged me tighter. We stayed like that for a long time. Ba't nagugustohan ko ang nararamdaman ko? Like ko na ba talaga siya? Then I hugged him back. 

"Let's date. Yung seryosong date." Nagulat ako sa sinabi ni Anthonie. What if magiging "one of the girls" niya lang ako?

"I... Ewan."

"I will try not to hurt you."

Tiningnan ko siya sa mata. He looked sincere. Papayag ba ako? I buried my face on his chest. narinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya, it was similar to mine. I nodded. He picked me up and spun me around. We were both laughing and crying. Binaba niya ako and kissed me on the lips. not the french type pero yung soft and sweet lang.

It was my real first kiss.

And I was proud to have given it to him.

Nag stay muna siya sandali dito pero maya maya pinauwi ko na siya kasi gabi na. Umakyat ako sa kwarto ko at nakita si Charles na nakatulog sa bed while hugging the huge teddy bear. Mas malaki pa nga yun sa kanya. Kinuha ko yung bracelet from the bear and looked at the pendant. Heart ang shape niya at may dalawang A na naka engrave. Sa likod naman ay ang number na 16.

Anong meron sa dalawang A at number 16?

Di bale na! tatanungin ko nalang siya bukas. Sinuot ko ang bracelet sa right hand ko. Napansin kong biglang nag ring ang phone ko. 

From: BAD BOY

tulog ka ng maayos. good night

Wala man lang ka smiley-smiley? Tss. Mas sweet siya in person! 

i was in like with a bad boy :">

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon